Chapter 3: Present time

253 9 0
                                    

CHAPTER 3: PRESENT TIME

"Ale, magkano po isang kilo ng manok?" Tanong ko roon sa babaeng nagtitinda ng mga manok.

Nandito ako sa palengke sa lugar namin, namimili ng mga rekados para sa tanghalian naming dalawa ni Aki.

"160 lang, Ineng." Nakangiting sabi ng Ale.

"Pwede po ba 150 na lang?" I asked her shyly. Aki said that na kapag bibili ako sa palengke ay dapat na tumawad daw ako. 

Napakamot na lang sa ulo ang Ale. "Sige na nga, 150 na. Chop chopin ba natin yong manok o hindi na?"

Kaagad naman akong umiling. "Hindi na po, Ale. Salamat na lang po." Tumango naman ito at nilagay na sa plastic ang isang kilo ng manok.

Pag natapos na ako rito ay pupunta naman ako sa mga nagtitinda ng mga gulay.

"What's that for?"

Kaagad akong napalingon sa taong nagsalita sa gilid ko. Bigla na lang nagreact ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

"Jairon?" Paniniguro ko, but he just answered me with a smirk.

"Yes, the one and only."

Napa-irap ako sa kawalan. "Anong ginagawa mo rito?" Lumiko ako para malagpasan siya at para makapaglakad na rin. He's blocking my way that's why.

"Kumakanta?" He asked but base on his tone, he's questioning.

Inirapan ko siya. Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na sa seksyon ng mga gulay. Binili ko yong mga nasa listahan. Habang nagtitingin ako, I can sense that Jairon is following like a dog. Nagpatuloy yon hanggang sa makalabas ako ng palengke.

Nang hindi na ako makatiis, I stopped and face him with an annoyed look. Sinabayan ko rin ito ng pagtaas ng kilay.

"Sinusundan mo ba ako?"

He just smirk as if he was playing with me. "Hindi ah. Naglilibot lang ako."

Niloloko ba ako nito? Kung naglilibot ito edi dapat hindi ito nakasunod sa'kin.

"'Wag mo na nga ako lokohin. Tadyakan kita ng makita mo eh." Iritang sabi ko sa kanya, pilosopo talaga 'tong lalaking 'to.

"Oh really? Then try me." Panghahamon niya sa'kin.

Talagang sinusubukan ako ng lalaking 'to eh 'no?

Ayaw niyang maniwala sa'kin ah. Edi sige, pagbibigyan ko siya.

"Aray!! Puta ang sakit!" He reacted when I kicked him. Alam niyo kung saan ko siya sinipa? Sa 'ano' lang naman niya hehehe.

"Hinahamon mo ko eh. Pinagbigyan lang kita." Painosente pa akong ngumiti sa kanya. Tinignan lang niya ako ng matalim.

"Babye na!" Paalam ko kay Jairon at kinuha yong supot na may lamang pinamili ko bago siya iniwang dumadaing.

"Humanda ka sa'kin, Joanna!" Dinig kong sigaw niya na mukhang nakabawi na sa sipa ko. Lihim naman siyang napahagikgik. Hindi naman talaga masyadong kalakasan yong sipa niya kay Jairon. Mild lang naman.

Memories of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon