CHAPTER 11: He's back!
[Joanna Marie Almeda]
Nakangiti lang siya sa'kin habang ako hindi pa rin makapaniwala!
Nang makabawi na ako ay nagtanong kaagad ako sa kanya. "A-anong ginagawa mo rito?" Teka, bakit yon ang tinanong ko? Hindi dapat yon!
"Tinatanong mo sa text kung sino ako diba? I'm right in front of you now."
Wait...
Loading sentence...
"Ikaw yong nagtext sa'kin?!" Tango ang sinagot niya sa'kin.
Siya?! Siya yong nagtext sa'kin?! Pero bakit naman niya ako itetext? Tsaka paano niya nalaman yong number ko?!
"P-pero bakit mo ko t-tinetext?! Bakit hindi ka nagpakita sa'min ng ilang linggo?!" Bulyaw ko sa kanya.
Natahimik naman siya sa sinabi ko. Pero kaagad ding nagsalita. "Did you miss me?" Iba yong sagot niya.
Teka, ano raw tanong niya? Namiss ko ba raw siya?
"Hindi ah! Bakit naman kita mamimiss? Sino ka ba sa inaakala mo?" Pagtataray ko sa kanya. Pero syempre namiss ko siya. Hindi ko nga lang alam kung bakit.
Lumapit siya sa'kin pagkatapos sinarado niya yong pinto gamit lang yong paa niya.
"Are you sure, love?" Paos niyang sabi. Napalunok tuloy ako ng laway. Masyadong lumalapit yong mukha niya sa'kin. Mas lalong nagwawala yong puso ko.
"Oo nga! Hindi kita namiss!" Wews! Buti hindi ako nautal don!
Nginisihan niya lang ako. "Because love, I fucking miss you so much."
Tinignan ko naman siya ng masama. Nagmura kasi siya!
"Hoy, bawal kako magmura rito sa pamamahay ko!" Imbes na seryosohin niya yong sinabi ko, ginawa pa niyang biro.
"Hindi naman mura yon eh. So pwede ko pa rin sabihin yong fucking fucking na yan."
Tinampal ko nga yong bibig niya. "Sinabi nang mura yon eh! Bahala ka na nga! Lumayas ka rito sa bahay namin!"
"But love, I thought you want to go outside? Nandito na nga ako oh. Sasamahan na kita."
Hindi ko siya pinansin. Inirapan ko muna siya bago ako bumalik sa sofa. Naabutan ko na lang na tapos na pala yong movie! Kainis naman kasi eh! Ngayon ko na nga lang mapapanood ng buo yong movie, naudlot pa!
Nakasimangot na lang tuloy akong nagpalipat-lipat ng channel. Nakakainis talaga!
"Love..." Hindi ko pinansin yong pagtawag ng kumag sa'kin. Bahala siya sa buhay niya.
Haays. Makakalabas na nga ako ng bahay dahil nandyan na siya pero naiinis ako sa kanya. Tsaka bakit ba love ang tawag niya sa'kin. Wala ba siyang pakialam na fiancee ako ng kaibigan niya?
"Ay! Ano ba yan Jairon! Umalis ka nga dyan!" Sabi ko sa kanya. Tinulak ko yong ulo niya paalis sa hita ko pero nagmatigas siya. Paano ba naman kasi habang nanonood ako, hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya tapos humiga na sa hita ko. Eh naka shorts pa naman ako!
Nakapikit lang yong mata niya. "Hmm. Mamaya mo na ako sigawan. Paidlip lang ako sa saglit. Kulang kasi yong tulog ko."
"At bakit ka naman kulang sa tulog? Siguro palagi kang may kasamang babae tuwing gabi!" Ewan ko ba pero nairita ako maisip ko lang na may iba siyang babae. Dapat ako lang babae sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Memories of the Past
RomanceJairon Ken Dela Cruz Story (STMP Side Story) Nagising na lamang si Joanna na walang maalalang kahit ano. Even her name, family, and her life back before, she can't remember it. She doesn't remember a single thing about her life. Akala niya nag-iisa...