Prologue

5.8K 276 92
                                    

PROLOGUE

NIANA'S POV






KUNG SAKALING may magtanong sa 'yo tungkol sa pagka-gunaw ng mundo, kung paano at kailan ito matatapos na magbigay buhay sa mga nilalang na nakatira rito, masasagot mo kaya?

Alam mo ba kung kailan mauubos ang halaman sa mundo na ito? Alam mo ba kung kailan mawawala ang hangin na nilalanghap natin? By any chance, do you know when the Earth will die? Or perhaps I must ask you if you can answer these rarely asked questions that never failed to send chills and awkward feelings, even if it also rarely mattered to anyone. Because who cares kung malapit na ang konklusyon ng buhay sa planeta natin?

As if humankind ever listened to the warnings of nature and reminders of the experts.

On the other hand, although maraming theory kung paano nagsimula ang universe at pag-aaral na nagpapatunay kung paano at kailan nag-form ang mundo natin, walang malinaw na sagot kung paano ito mamamatay. Because no one is simply ready to accept the answer yet. Wala pang handang humarap sa huling araw ng mundo dahil sa araw na 'yon, handa man tayo o hindi, the world will succumb to nothingness.

However, if I were asked the same question, I would have an answer. For I was both gifted and cursed with an ability, a special sense, to see what's coming, or what will happen after today and tomorrow. It may be unearthly, but I really have a unique talent that no one else possesses: to see what lies beyond tomorrow and what lies ahead of your future.

With this, I may be able to answer how and when our planet will die.

Well, sort of dahil hindi ko naman talaga alam kung alin sa limang possibilities na tinuro ng professor namin ang magiging ending ng lahat. For every thing we do, it may affect the future. Maaaring maliit na bagay lang ang ginawa natin sa past, pero malaki pala ang gampanin no'n sa future, and vice-versa. Kaya naman hindi talaga ako sigurado kung kailan guguho ang mundo.

At the very least, I have ideas on how it will end and unfortunately hindi ko lamang alam kung ano ang mga ito—nakita ko rin kung paano at kailan mangyayari ang mga ito.

My name is Niana. I have the ability to see the future. Masaya siguro sa umpisa na makita ang hinaharap ng mga tao sa paligid ko. Their triumphs and successes. Yet it also means I am to see their failures, their struggles, their end—their deaths.

Precognition.

Ito ang tawag sa ika-anim na sense na tinataglay ko. Kung saan, sa bawat haplos ng kamay, o titig sa mata ng isang tao, nalalaman ko na agad kung anong mangyayari sa kaniya sa buong buhay niya. Syempre, kasama na rin dito ang kung paano siya babawian ng hininga. Pagkatapos ng pagkamatay niya, wala na akong nakikita pa.

Ito rin ang dahilan kung paano ko nalaman ang limang posibilidad kung papaano, at kailan magugunaw ang mundo. Dahil sa sixth sense ko, nakita mismo ng mga mata ko ang pagkawasak ng mundo, at ang unti-unti nitong pagkamatay.

Ako si Niana Alcantara, at dala ko ang mensahe ng tadhana't kalawakan sa limang paraan kung paano nito tutuldukan ang pag-iral natin sa mundong ito.






FOUR MONTHS AGO.

Ayoko sanang pumasok ngayong araw pero wala akong nagawa dahil si Midori, ang kaibigan ko, na mismo ang nagsabi na kailangan kong pumasok dahil may exam na kami sa susunod na linggo. Alam ko naman 'yon, pero nakakatamad talagang pumasok. Lalo na kapag wala ka namang nakikitang bago na mangyayari sa araw mo. It's just a repetitive cycle of waking up, exhausting yourself, and sleeping only to repeat the routine again the next morning.

Nasa tapat na ako ng room namin nang sandali akong nahilo for an unknown reason. Basta bigla na lang akong nakaramdam ng hilo kaya sandali akong nanatili sa kinatatayuan ko para pakiramdaman ang sarili ko. Alam ko naman na wala akong dalaw ngayon dahil katatapos ko lang last week.

After a couple of seconds, hindi ko na lamang ininda iyon. Baka dulot lang ng kakulangan sa tulog at maagang paggising.

Nakayuko akong pumasok sa loob ng classroom.

Oo, nakayuko talaga. This is the usual thing I do when entering the room, more like, kapag pumapasok sa school at napapadpad sa public places, sa mga lugar na maraming tao.

Sanay na ang mga kaklase ko na hindi ko sila tinititigan sa mata dahil ayoko at hindi pwede. Hindi dahil may sore eyes ako—kahit pa 'yon ang asar nila sa akin—kundi dahil natatakot akong makakita ng mga masasamang pangyayari sa paraan nang pagtitig sa mga mata nila.

The worst I could see is death, other than violence and malice, in their deceitful eyes.

Umupo na ako sa upuan ko. Mga ilang minuto lang, pumasok na ang teacher namin sa Technological Science Discoveries I kaya nagsimula nang manahimik na ang lahat. Animo'y mga mababait na mga tupa. Ang bilis nag-transform ng room na kanina lamang ay sobrang daming pakalat-kalat na estudyante.

Bigla ulit sumakit ang ulo ko bago magsimulang umikot ang paningin ko.

This time, the pain is searching its way to all parts of my body coming from my head. Nahihilo ako pero at the same time, pakiramdam ko parang lumalaki ang ulo ko. Tila palaki ito nang palaki pagkatapos ay sasabog na lamang. Nararamdaman kong para bang may kumukurot pa sa likod ng ulo ko, malapit sa batok. Napapapikit na lamang ako sa sakit na idinudulot nito sa kalamnan ko.

That's when I realized kung ano ba talagang nangyayari sa akin. Walang ibang pwedeng sisihin kundi ang sixth sense ko.

Fudge. This is what I'm afraid of.

This always happens when I'm about to see something. Pero hindi ko alam kung ano dahil wala naman akong nahawakan o natitigan simula kanina.

As I tried to calm myself and recover on my own, I sensed something ominous.

Precognition.

Lecture. Death. End.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon