Chapter 36 : Hologram

658 63 2
                                    

CHAPTER 36

NIANA'S POV






OCTOBER nineteen ngayon.

Halos tatlong buwan na akong nilulubayan ng sixth sense ko. I mean, hindi totally na nilubayan, pero paminsan-minsan na lang itong umaatake. Tingin ko dahil wala na si Sir Jim, kaya wala na ring nakaka-trigger sa kakayahan ko.

Never ko na ring nalaman kung ano ang ikalimang possibility of the end. Sa ngayon, hindi ko na ito iniisip dahil tingin ko, hindi ko na makikita pa 'yon. It will be left as a mystery.

Today is the last day of foundation day. Sobrang bilis ng mga araw kaya hindi ko na namalayang last day na pala ngayon ng pagsasaya naming mga estudyante. Next next week kasi, exam na kaya sinusulit ko na ang mga araw na mayro'n ako para magligaliw. Isa pang dahilan para magsaya, ay ang Music Fest ngayong araw.

Ilang beses kong inaway si Midori para lang pumasok siya ngayong araw para samahan ako sa Music Fest. Ayaw kasi niyang pumasok sana ngayon dahil masama raw ang pakiramdam niya. Ako lang din naman daw ang mag-eenjoy dahil may music na involve.

Dahil nga ang sixth sense ni Midori ay tungkol sa pandinig, medyo sensitive ang tainga niya. Pero ang alam ko, kaya naman niyang kontrolin 'yon. Dakilang tsismosa rin ang isang 'yon lalo na kapag pakikinggan ang inner thoughts ng ibang tao.

"Ito na nga papunta na. Magkita na lang tayo sa may open space. Sa may field, oo," ani ko habang naglalakad palabas ng bahay, kausap ko sa telepono si Midori na halatang bad mood dahil pinilit ko siyang pumasok at nauna pa sa akin sa campus.

"Dalian mo! Nauna pa ako sayo!" aniya bago ibaba ang tawag. Hindi ko na lamang siya inisip dahil maganda ang mood ko ngayong umaga.

Habang naglalakad, bigla kong naalala 'yong mga araw na nalaman naming nakalaya na si Mister Do. Ilang araw siyang parang tulala no'n. Ngayon na lang siya bumalik sa dati. Habang tumatagal at lumilipas 'yong mga araw, nakakalimutan na rin niya ang tungkol ro'n.

Saglit akong napatigil sa paglalakad dahil nangangalay na ang mga braso ko. Nagdala kasi ako ng ilang mga libro na pwede kong basahin kapag nabo-bored na ako sa mga sports na papanoorin namin ngayon. Since last day ngayon ng foundation day, kasabay ng Music Fest ang battle for the championship sa different sport fields. Hindi naman ako interesado masyado sa sports dahil more on arts lang talaga ako.

Nang maayos ko nang kaunti ang pagkakabitbit ko sa mga librong dala-dala ko, nagsimula na ulit akong maglakad hanggang sa makapasok na ako sa loob ng gate ng Cessation High.

Agad akong nagtungo sa may open field, kung saan nakita ko agad si Midori na nakaupo, at halatang buryong-buryo sa isang bench habang nanunuod sa mga estudyanteng nagpa-practice ng badminton para sa laban nila mamaya.

Tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa kung nasaan si Midori, tumakbo na rin ako para mas mabilis ko siyang mapuntahan.

Kaso hindi ko alam kung kailan at paano, pero bigla nalang akong nahilo at nabangga sa isang lalaki. Dahil dito, nalaglag ang mga librong bitbit ko.

I was literally shocked dahil maluwag ang daan. Hindi ko rin siya nakita na dadaan sa harapan ko. Walang tao sa nilalakaran ko kaya nakakapagtaka na bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko. Nakakahiya pa dahil nabangga ko siya.

"Aray!" Daing no'ng lalaki nang tumama ang ilan ng mga libro ko sa braso at paa niya.

"Naku! Sorry po kuya!" tangi ko na lamang saad dahil mukhang mas matanda siya sa akin nang ilang taon. Nakakapagtaka rin na iba ang itsura ng damit niya. Hindi ko tuloy alam kung outsider ba siya o hindi.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon