Chapter 38 : Mirror in the Library

622 52 0
                                    

CHAPTER 38

NIANA'S POV






"ALAM MO, yumaman na 'tong ospital sa 'yo," bungad na sabi ni Midori sa akin nang tabihan niya ako sa higaan. Nakaupo siya sa may bandang gilid ng kama, kung saan ako nakahiga.

"Paanong yayaman ang ospital sa akin?" tanong ko sa kaniya habang nakatulala sa labas ng bintana. Nasa gawing kaliwa ko ito, opposite direction kung saan nakaupo si Midori. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko maalis sa labas ang tingin ko.

"Niana, nabilang mo ba kung ilang beses ka ng napunta rito sa ospital? Parang no'ng kailan lang sinugod ka rin dito. Suki ka na kaya ng ospital na 'to," tugon niya bago tumayo. Naglakad siya papunta sa harapan ko. Nakatulala pa rin ako sa labas kaya todo habol siya sa tingin ko. "Sabihin mo nga sa 'kin, dahil ba 'yan sa sixth sense mo? Kaya ka ba nawalan ng malay kanina ay dahil ulit sa sixth sense mo?" Dama ko 'yung pag-aalala sa boses ni Midori, pero hindi talaga ako makatingin ng diretso sa kaniya.

"Midori . . ." halos pabulong kong saad.

"Hmm?" Bahagyang tumaas ang dalawang kilay ni Midori. Hinintay niya ang sasabihin ko, kaya huminga ako ng malalim bago magdesisyon na magsalita.

"Sa tingin mo, gaano kahabang oras pa ang meron ka?" diretso kong tanong sa kaniya, dahilan para mawala ang pagtaas ng kilay niya at napalitan ito ng kunot-noo.

"Anong klaseng tanong 'yan? Kinikilabutan ako ha," aniya bago yakapin ang sarili niya. Marahan pa niyang hinimas ang magkabilang braso niya. Tumalikod siya saglit, bago muling humarap sa akin. "Bakit ganiyan ang tanong mo?" tanong niya. Dumoble ang pag-aalala sa tono niya.

'Midori . . ." Sa wakas ay naituon ko na rin ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong itsura ko, pero base sa titig ni Midori sa akin, parang hindi niya ako kilala. O baka hindi lang siya sanay sa biglaang pagbabago ko. "Hindi naman talaga natin alam kung gaano karaming oras pa ang nalalabi sa buhay natin hindi ba? Kaya gusto kong malaman kung . . ." Iniwas ko ang tingin ko kay Midori at muli itong binalik sa labas ng bintana. ". . .kung magiging worth it ba ang lahat kapag natapos na ang oras na pinahiram sa atin."

"Hay naku, Niana," mabigat na hinga ang pinakawalan ni Midori bago siya lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumitig nang husto sa mga mata ko. Dahil sa ginawa niya, wala akong choice kundi ituon ang tingin ko sa kaniya. "Hindi ko alam kung anong meron at kung bakit ka biglang nagkaganyan. Basta ang alam ko lang, kailangan mong magpahingang mabuti. Dadating si Tita Hazel within five or ten minutes. Pull yourself together, Niana. Kung ano mang nasa isip mo, please let it go for a moment. Can you?" ani Midori na parang ate.

Tanging pagtango na lamang ang nagawa ko bilang pagtugon.

Tulad ng sinabi ni Midori, tinanggal ko lahat ng gumugulo sa utak ko. 'Yong tungkol sa fifth possibility at sa mga previous vision ko na nagkokonek-konekta na.

Pinilit kong ituon sa iba ang isip ko, kaya namalayan ko nalang na tumatawa na kami ni Midori. May ikinuwento siya sa aking lalaki na nakabangga niya sa canteen nang bumili siya kanina. Akala ko random na schoolmate lang namin, 'yon pala, si Gerome. 'Yong ex ni Midori.

Hindi ko alam kung anong nangyari talaga sa kanila noon. Basta ang alam ko lang, bigla na lang silang naghiwalay. Ang hindi malinaw sa akin ay kung bakit bigla siyang binitawan ni Gerome. Eh ang alam ko mahal na mahal siya no'n during junior highschool days.

Natatawa lang ako dahil kahit seniors na kami, mukhang pinagtatagpo pa rin silang dalawa ng tadhana.

Gano'n ba talaga gumagana ang tadhana? Parang plastic na kaibigan. Alam mong nandiyan siya sa tabi mo. Akala mo kaibigan mo, pero hindi mo alam habang nakatalikod ka, may balak na pala siyang saktan ka. The sad truth is, that's how it works. A traitor you can't escape is fate.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon