CHAPTER 34
NIANA'S POV
"HINDI TALAGA ako kumportable sa damit na 'to. Pwede bang iba na lang?" iritado kong saad kay Midori habang mine-make up-an niya ako. Ilang beses na akong humarap sa salamin para lang tingnan ang itsura ko, ang suot ko. Pero hindi ko talaga gusto.
"Niana, 2018 na. You need a new look at least every once in a while," sagot ni Midori. "Ayan! Tapos na," she exclaimed after her last touch.
"Ang kapal ng make up!" agad na reklamo ko.
"Gaga! Wala nga halos akong dinagdag dahil mabilis kamo mairita 'yang balat mo sa make up," aniya. Tumingin siya sa salamin. "Ang ganda ko talaga. Ewan ko ba sa 'yo. Ang ganda mo rin naman, kaso ang manang mong kumilos at manamit," puna niya pero hindi ko siya pinansin at pinagmasdan lang lalo ang itsura ko sa salamin.
Imbis na nakasalamin ay naka-contact lense ako ngayon. Straight na straight din ang hanggang balikat kong buhok, at may kaunting blush sa pisngi ko. Ginamitan din ni Midori ng eyeliner ang mga mata ko para mas sumingkit pa itong tingnan.
"Kung lalaitin mo lang ako, tara na. Lumarga na tayo, anong oras na," sabi ko.
"Luh. Akala ko ba ayaw mong pumunta sa acquaintance? Tapos ngayon parang mas excited ka pa sa akin," aniya.
"Kung may choice lang talaga ako, hindi naman ako sasama sa 'yo sa acquaintance party na 'to. Hindi naman compulsory," sagot ko kaya humagikgik siya sa gilid ko.
"Sus! Ang sabihin mo, hindi mo matanggihan ang pinakamaganda mong kaibigan."
"Midori, 'wag na tayong maglokohan. Ikaw lang naman ang kaibigan ko." Mahina akong tumawa dahil sa sinabi ko.
"Kaya nga ako ang pinakamagandang kaibigan mo," pag-uulit niya, but this time, with flips hair.
"Oo na, ikaw na. By default, ikaw talaga," pang-aasar ko pa rito kaya mahina niya akong hinampas sa braso.
"Gaga ka talaga."
Sabay kaming naglakad palabas ng bahay. Nakasukbit sa braso ko ang braso ni Midori habang naglalakad kami. Wala sila mama at papa ngayon kaya dito na kami nag-ayos ni Midori sa bahay namin.
Nang makarating kami sa tapat ng university, rinig na rinig na agad ang ingay na nagmumula sa loob. Pinagsamang tugtog mula sa speakers at hiyawan ng mga estudyante. Marahil ang lahat ay nagkakaro'n na ng kasiyahan sa loob kahit hindi pa man nagsisimula nang pormal ang event.
Hiningi sa amin ang ticket namin para sa party sa harapan ng university. Pinaalalahanan din muna kami na off limits ang second and third floor ng university at ibang building pwera sa kung saan gaganapin ang mismong party. Pero bukas naman daw ang tatlong restrooms sa ground floor kung sakaling kailangan namin magbanyo. Nang tumango kami, pinapasok na nila kami sa loob.
Project ng Student Council ang project na 'to kaya sila rin halos ang gumagalaw ngayong gabi.
Dahil nga Disney ang theme ng acquaintance ngayong taon, pabonggahan ng damit ang mga babae. Maraming magkakapareho ng pino-portrait. 'Yong mga tipikal na princess at prince sa mga disney movie ang madalas naming makasalubong ni Midori habang naglalakad. May ilan din namang villains tulad ni Maleficent.
Si Midori, piniling gayahin si Merida. 'Yong disney princess na galing sa Brave movie dahil sa kulot niyang buhok. Ako naman, mas pinili ko si Mulan. Luckily, kami lang ang gumaya sa dalawang princess na 'yon. Ang karamihan ay Belle, Cinderella, at Snow White.
BINABASA MO ANG
Precognition (Published by PaperInk Publishing House)
Science FictionSixth Sense Series #1 | Perhaps the end comes in various forms yet all fatal. *** A novel. "Take a peek at the end of humanity." Niana Alacantara is no ordinary. After a series of lessons in one of her specialized subjects, she saw and predicted fiv...