CHAPTER 32
NIANA'S POV
NAKATINGIN sa akin si Rhianne at Kean.
Hindi ko alam kung ako lang o talagang pareho kami ng iniisip ngayon.
Nagkita na kami noon.
"Pwede ko na bang sabihin kung anong tulong ang kailangan ko?" inip at walang interest na tanong ni Daryl sa ama niya.
"Son, you're being disrespectful again," puna ni Carson. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya. Pero agad 'yong nawala nang tingnan niya ako. "I don't know why, but I have a feeling that we really met before," aniya bago muling maningkit ang mga mata.
"Dad, we don't have enough time," singit ni Daryl pero hindi siya pinansin ng matanda.
"Have we met before?" tanong ni Carson sa akin.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na nagkakilala na kami. Na nagkita na kami sa art club noon. Dapat ko bang sabihin sa kaniya na siya ang nagdala sa akin sa clinic noon? Dapat ko bang sagutin ang tanong niya sa akin?
"I—"
"We need to go, Niana. Kung hindi niya papakinggan ang tulong na hihingin ko sa kaniya, mas mabuti pang umalis na tayo," inis na saad ni Daryl. Halatang naubos na ang pasensya niya sa kaniyang ama dahil naninigas ang panga niya habang sinasamaan ng tingin ang ama.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Carson. "Niana?" biglang saad niya.
"That's her name. Sinabi ko 'yon kanina," sarkastikong sabi ni Daryl. "Let's go," dagdag pa niya bago ako hawakan sa braso.
"Sandali, Daryl," pigil ni Carson sa amin nang akma na kaming maglalakad palabas ng bahay. "We need to talk, privately. Para sa kailangan mo sa akin," ani Carson pero sa halip na kay Daryl siya tumingin, sa akin siya nakatingin. Bakas sa mukha niya ang pagtataka, marahil dahil sa isip niya hindi magkaro'n ng sense kung paanong hindi ako mukhang tumanda.
"Good," sabi ni Daryl bago ako bitawan. "Wait for me here," aniya kaya tumango na lamang ako.
Sabay silang naglakad ni Carson papunta sa isang kwarto. Hindi agad tinanggal ni Carson ang tingin niya sa akin. Tingin ko sigurado siya na nagkakilala na talaga kami noon. Lalo pa't nagduda na agad siya sa pangalan ko. Pero alam kong naguguluhan pa rin siya. Sino bang hindi?
I don't know if that truly matters too. Wala naman sigurong mababago sa mga nangyayari kung malaman niyang ako si Niana, 'yong babaeng pinapasok niya sa art club office. 'Yong babaeng nakapag-tour sa club na hindi ko naman dapat pinasukan.
Dahil sa art club ko nakita ang third vision ko.
"We met before, right?"
Napaangat ang tingin ko kay Rhianne. May katandaan na rin siya. Siguro nasa thirties or forties na siya. Si Kean naman, gano'n din. Mas matanda lang siguro ng isa o dalawang taon kay Rhianne dahil mas maraming puting buhok ang lalaki kaysa sa huli.
"Kapag sinabi ko bang oo, maniniwala kayo?" tanong ko.
Nagkatinginan si Kean at Rhianne.
"Your name is Niana, right?" tanong muli ni Rhianne kaya tumango ako.
Sa kanilang dalawa, parang si Kean lang ang hindi nakakaalala sa akin. Hindi na ako nagtataka dahil si Rhianne lang naman talaga ang nakakita sa akin sa second vision ko, kung saan ko siya na-meet. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko ulit siya ngayon pero sa ibang vision. It doesn't make sense to me, but nothing ever made sense with my ability.
BINABASA MO ANG
Precognition (Published by PaperInk Publishing House)
Science FictionSixth Sense Series #1 | Perhaps the end comes in various forms yet all fatal. *** A novel. "Take a peek at the end of humanity." Niana Alacantara is no ordinary. After a series of lessons in one of her specialized subjects, she saw and predicted fiv...