CHAPTER 20
NIANA'S POV
SABAY KAMING napahinto ni Miniso nang yumanig ulit ang lupa matapos ang malakas na pagsabog sa lugar. Akala mo'y naga-away ang langit at lupa dahil saglit lang nang matapos ang pagsabog, tila nawarak naman ang langit nang lumitaw ang malaki at ubod ng liwanag na kidlat sa himapapawid.
Mabilis ang tibok ng puso ko kahit pa hindi na ako nag-iisa. Parang paulit-ulit itong hinahampas sa tuwing kukulog at kikidlat.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Miniso. Nakasabit pa rin ang kaliwang braso niya sa balikat ko.
"Where are we heading?" tanong niya habang iika-ika maglakad.
"I think it's better for us to find a safe place for now so we can treat your wound," tugon ko. Gusto ko sana sabihin sa kaniya na hindi ko rin talaga alam kung saan kami papunta ngayon dahil hindi ko na alam kung nasaan kami at mahina rin ako sa direksyon. As long as walang panganib sa dinadaanan namin, tinatahak na namin.
"I really need to see my sister as soon as possible."
Ilang beses siyang napapaungol dahil sa sakit ng napuruhan niyang paa. Wala itong tigil sa pagdurugo kaya saglit muna kaming huminto sa gilid ng kalsada.
"I think it's better to remove your shoes first?" suhestyon ko sa kaniya nang maalalayan ko na siyang umupo. Tumango naman siya kaya dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakabuhol ng sintas ng sapatos niya. Pagkatapos ay dahan-dahan ko ring inalis ang sapatos sa paa niya.
Hindi niya napigilan impit na mapaungol dahil sa sakit. May malaking sugat sa talampakan niya kaya agad kong pinunit ang laylayan ng palda ko para magsilbing pansamantalang bandage. Inikot ko ito sa talampakan niya at binuhol nang mahigpit para mapabagal kahit papaano ang pagdurugo nito.
Sa tingin ko naman ay walang nabaling buto sa paa niya.
Sinuot ko ulit ang sapatos niya sa paa niya. Hindi ko na hinigpitan ang sintas nito para magkasya ang paa niya na may benda.
"Let's go," sabi ko bago ko muling ilagay ang kaliwang braso niya sa balikat ko. Inalalayan ko siyang tumayo at nagsimula na ulit kaming maglakad.
Ilang minuto kaming naglakad bago kami dumaan sa maliit na tagusan. Parang eskinita na maliit.
Nakarating kami sa main road kung saan bumungad sa amin ang sira-sirang mga bahay, naglaglagang mga poste ng ilaw at mga puno, at maputik na kalsada. Akala mo'y dinaanan ng bagyo ang lugar na 'to sa sobrang daming kalat at bubog sa paligid. Mas naging maingat tuloy kami sa paglalakad.
"Where in the world are we?" tanong ni Miniso sa sarili niya.
Naglakad-lakad pa kami hanggang sa makarating kami sa isang convenience store. Diretso kaming pumasok dito kahit hindi pa namin alam kung may tao ba sa loob o wala.
Agad kong pinaupo si Miniso sa sahig.
"Wait for me here. I'll be back in a while," bilin ko bago maingat na chineck ang buong store. Walang kahit sino at mukhang lahat ng tao ay nagsialisan na sa lugar na 'to.
Naghanap ako ng pang-first aid. Tubig, bulak, alcohol, betadine, at bandage para sa sugat ni Miniso sa paa.
Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko, bumalik ako kung saan ko siya iniwan.
"This will hurt, but I promise you'll be fine," ani ko bago ko muling tanggapin ang sapatos niya. Marahan ko ring tinanggal ang pansamantalang benda na tinali ko sa talampakan niya. "Are you ready?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya bago mapalunok ng laway.
Binuhusan ko muna ng tubig ang sugat niya para hugasan ang dugo. Pagkatapos ay binuhusan ko ito ng alcohol dahilan para humiyaw sa sakit si Miniso. Dahil nagtatago kami, kinontrol niya ang pagsigaw niya hanggang sa humupa na ang hapdi.
Pinahiran ko ng betadine 'yung sugat niya bago ko lagyan ng benda.
Nagpakawala ng malalim na hininga si Miniso nang matapos kong lapatan ng first aid ang sugat niya. Napasandal naman ako sa stall at nakahinga nang maluwag nang masigurong maayos na ang pagkakatali ko ng benda sa talampakan niya.
"Thank you for doing all these for me," sabi niya. "I know we're strangers, but I really need to find my sister. Please help me."
Tumango naman ako. "I'll try my best. Do you know where you could possibly find your sister? Did you lose each other somewhere?"
"I—I don't really know." Napahilamos siya sa mukha niya gamit ang dalawang palad niya.
He looked hopeless and exhausted.
So do I.
Masyadong mabilis ang lahat para sa akin. But at the same time I was forced to act and go with the flow kahit hindi pa tuluyang nagsi-sink in ang lahat sa utak ko. Ang dami kong tanong na hindi masagot-sagot.
Nanatili kaming tahimik ni Minso hanggang sa tumila na ang ulan sa labas.
Nagulat ako nang biglang gumana ang radyo ng convenience store.
"—patuloy ang bakbakan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa agawan sa West Philippine Sea. Tinatayang isang libong Pilipino na ang namatay sa gyera sa pagitan ng dalawang bansa. Humihingi na ngayon ng tulong ang Pilipinas sa Amerika upang maging alyansa kontra Tsina lalo pa't kailangan din ng Amerika ng suporta ng Pilipinas kontra North Korea. Samantala, sa iba namang balita, pinangangambahan ang paggamit ng Russia ng nuclear weapon laban sa Tsina sa namumuong alitan sa dalawang bansa—"
Namatay ang radyo.
Narinig namin ni Miniso ang paparating na mga yabag kaya pareho kaming napayuko. Akala namin papasok sa store ang mga bagong dating pero huminto lang mga ito sa tapat.
"I saw him here a while ago! I'm sure it's him! He's walking down this street and talking to himself. I think he will go there!" rinig naming sigaw ng isang lalaki sa labas ng store.
Hindi ko alam kung sundalo rin ba sila, pero dalawa o tatlo silang dumaan sa harap ng convenience store base sa yabag ng mga paa na narinig namin. Ilang segundo lang nawala na rin sila.
Napatingin kami ni Miniso sa isa't-isa pero agad niyang binawi ang titig niya.
I felt some kind of guilt in his eyes. Hindi ko alam kung bakit siya nagi-guilty. Bigla ko tuloy naisip na baka siya ang hinahanap ng mga 'yon.
"Are you on the run?" pagbubukas ko ng usapan.
"Yes. They've been chasing me since my arrival."
"May I know why?"
Kung may isa man sa mga tanong ko ang nasagot, 'yon ay kung bakit ako nakikita ni Miniso at kung bakit kami nagkita kanina.
Tulad ni Sophia at Rhianne, may sentrong karakter sa bawat vision na nakikita ko at sila lang ang nakakakita sa akin. Marahil para mas ipaalam sa akin ang nangyayari sa panahon nila o may iba pang dahilan.
"I have the information they want," sabi ni Miniso. "Two months ago, my friends and I conducted research in your seas—or what China claims as their sea, the West Philippine Sea. We're searching for a distinct species of a fish but we discovered something bigger. Something worthy of the world's attention."
Nanatili akong tahimik na nakikinig sa kaniya habang mas lalong naiintriga sa punto niya.
"We found the greatest treasure the world will ever see, and it's located in your seas. It's located in the West Philippine Sea. At first no expert believed us, but the word got out of hand and was spread online. Until several countries tried to embark on an expedition to your seas, which is prohibited by existing international laws." Napahawak si Miniso sa batok niya. "It shouldn't have been found in the first place. Now it caused nations to fight over it."
Kusang kumunot ang noo ko nang matahimik na siya.
"What did you find?" hindi na makapaghintay pang tanong ko.
"Hundreds of tons of gold reserves."
BINABASA MO ANG
Precognition (Published by PaperInk Publishing House)
Science-FictionSixth Sense Series #1 | Perhaps the end comes in various forms yet all fatal. *** A novel. "Take a peek at the end of humanity." Niana Alacantara is no ordinary. After a series of lessons in one of her specialized subjects, she saw and predicted fiv...