CHAPTER 21
NIANA'S POV
"HUNDREDS OF tons of gold reserves."
Parang hindi agad nag-register sa utak ko 'yong sinabi niya. Akala ko nagkamali lang ako nang narinig pero hindi na siya ulit nagsalita.
Alam kong mayaman ang Pilipinas sa natural minerals and resources pero to know na may gold reserves sa ilalim ng katubigan na sakop namin, it can change the whole game for us. As a third world country, maraming pwedeng mabagong buhay kaya hindi malabong ipaglaban ng government ang karapatan nito dito. Lalo pa't sa ilalim mismo ng teritoryo ng bansa.
"The war has broken out since the moment China has learned about the golds, most especially when they claim the territorial rights over the West Philippine Sea," sabi ni Miniso bago siya sumandal sa stall na nasa likuran niya. Napapikit na lamang siya at tila nagpasya na ipahinga na lang ang isip niya.
Bigla ko tuloy naalala ang isa sa mga previous lesson namin dati.
The United Nations was formed after the second world war to prevent another world war from occurring. To avoid casualties and damages to properties and lives.
Pero tingnan mo nga naman. Kahit ang alyansa na binuo ng majority of the world's nations walang magawa para pigilan ang hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Tila disenyo lang ito sa tabi para bigyan ng assurance ang mga tao na wala na muling digmaan na magaganap.
Assurance na ngayo'y kumpirmado na na hindi totoo at hindi nage-exist.
Bigla akong nakaramdam ng mabilis na paggalaw sa paligid ko. Para rin akong hinatak at pakiramdam ko nag-slide ako o nalaglag mula sa mataas na lugar bago ko namalayan na nasa ibang lugar na ako.
Wala na si Miniso rito. Wala na ako sa convenience store.
Nasa rooftop ako ng mataas na gusali at mula rito kita ko ang kabuuan ng lugar habang ang malamig na hanging nagpapataas sa balahibo ko sa katawan ay humahaplos sa balat ko. Nakikita ng mga mata ko ngayon ang malaking bahagi na napinsala ng giyera at ang pinsalang idinulot nito sa mga tao.
Ang mga naglalakihang usok na dulot ng mga pagsabog na maya't mayang pinapakawalan ng mga magkakalabang batalyon.
Ang walang humpay na putok ng baril at ang sagupaan ng mga sundalo ay umaalingawngaw sa bawat sulok ng syudad.
Hindi ko man makita ang buong bansa sa rooftop na 'to, paniguradong nasa hukay na ang isang binti ng bansa kung ibabase sa nakikita ko ngayon ang sitwasyon. Never have I ever imagined witnessing a war myself. Alam kong hindi imposible na balang araw magkaro'n ulit ng tunggalian ang mga bansa, pero hindi ko inaakala na dahil sa vision ko, makikita ko pa ang araw na 'yon.
Maya't maya rin ang tunog ng wangwang mula sa mga ambulansya at sasakyang pangkapulisan na rumoronda sa bawat kalsada. Hindi man tiyak kung may madadaanan o makakarating sila agad sa mga taong kailangan nilang saklolohan, patuloy pa rin ang serbisyo nila sa publiko.
Kung tama ang pagkakatanda ko, taong twenty twenty-three ngayon.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko ngayon o kung nasaan ako sa mga oras na 'to sakaling mangyari ang giyera na 'to sa hinaharap. Sa tatlong vision na nakita ko, ito na marahil ang pinakamalala. Tinitingnan ko pa lang ang mga sira-sirang gusali at pasilidad na dapat sana ay nagagamit ng mga sibilyan para maging taguan o proteksyon, nanlulumo na agad ako.
Nagulat ako sa malakas na pagsabog sa gusaling nasa kaliwa ko. Nabasag ang lahat ng salamin nito bago masundan ng malakas na apoy.
Malinaw na ang nakikita ko ngayon ay isang bangungot na kahit sino ay hindi nanaising maranasan.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Miniso.
Kung totoo nga na maraming gold reserves sa ilalim ng West Philippine Sea, ibig sabihin kung mas maaga na madiskubre ang tungkol dito, mas maagang magkakaro'n ng digmaang pandaigdig?
Pero kung isa lamang ang vision na 'to sa mga posibilidad kung paano at kailan magwawakas ang mundo, marahil may magagawa pa para mapigilan ang pagkatuto na may ginto sa ilalim ng West Philippine Sea para maiwasan ang digmaan ng mga bansa para rito.
Sakali namang hindi mapigilan ang discovery sa gold reserves, posible na isa sa mga bansang kasali sa digmaan na 'to ang may kasalanan kung bakit matatapos ang mundo.
Ang pinakanakakatakot na alitan ay kapag may kasama na itong matataas na kalibre ng mga baril at pampasabog kahit pa may mga sibilyan na madadamay at mga public servant na tumutulong sa mga nangangailangan. Ang giyera ay walang patawad at ang tsansa na makaligtas ka sa isa ay walang kasiguraduhan.
Lalo na kung ang nuclear war ang usapan na maaaring maging ugat ng nuclear apocalypse at siguradong kikitil ng milyon-milyong buhay sa planeta—kung hindi man nito masira ang buong mundo.
Isa na lamang katangahan ang mag-away para sa kayamanang pagmamay-ari naman ng kalikasan.
Sinong tunay na makikinabang sa pinagaawayan nila ngayon kung ang digmaan na 'to na ang magpapasya sa mga nalalabing araw ng sangkatauhan sa mundong ito?
Matapos ang ilang minuto na pananatili sa rooftop ng mataas na gusali, namalayan ko na ang sarili ko na naglalakad sa kalsada kung saan tumambad ang hindi mabilang na katawan ng mga taong wala nang buhay. Mga buhay na kinuha ng digmaan kapalit ang kayamanan.
Sa bawat paghakbang na gagawin ko, mas bumibigat ang pakiramdam ko. Lalo pa't sa bawat sulok ng mga mata ko, kahit saan ako lumingon at tumingin, may bangkay at may tumatangis.
What is the point of this war if not for the lives of the people in this land?
Nagkaro'n ng matinis na ingay sa paligid kaya ang karamihan ay napatigil sa mga ginagawa nila at sinundan kung saan nanggagaling ang nakakairitang ingay na 'yon. Tingin ko nagmumula 'yon sa mga speaker na nagkalat sa lugar—bagay na ngayon ko lang napansin kung hindi pa ito lumikha ng ingay.
"This is the official frequency from the Office of the President of the Republic of the Philippines in Malacañang Palace. Broadcasts will be done via the Presidential Communications Operations Office. The President would like to address the nation."
Tila pansamantalang tumahimik ang buong paligid habang hinihintay ang sunod na sasabihin ng boses na nasa speaker. The faces of the people are hoping to hear that this war will end soon if not now.
"This is your President speaking."
Nagkaro'n ng sandaling paghinto bago muling nagsalita ang may-ari ng boses.
"We have faced another threat to our lands and sovereignty. For the past years we did not act idly over this matter, and now we call and demand for the foreign troops to leave our land and retreat back to their own countries. This war will not end with us conceding defeat over our autonomous rights to claim our territory, for as the supreme law of our nation states that the waters around, between, and connecting the islands of the archipelago, regardless of their breadth and dimensions, form part of the internal waters of the Philippines. Thus, if I must declare an all-out war to see the end of this bilateral conflict, I will."
Muling napaiyak ang mga tao, tila nawawalan na ng pag-asa lalo pa't bakas sa boses ng pangulo na pinal na ang mga sinasabi niya.
"My fellow Filipinos, let this day get passed to our history as the day we fought for what the world and our Constitution recognize as ours. Mabuhay kayong lahat."
BINABASA MO ANG
Precognition (Published by PaperInk Publishing House)
Science FictionSixth Sense Series #1 | Perhaps the end comes in various forms yet all fatal. *** A novel. "Take a peek at the end of humanity." Niana Alacantara is no ordinary. After a series of lessons in one of her specialized subjects, she saw and predicted fiv...