CHAPTER 31
NIANA'S POV
"KAILANGAN natin silang sundan," sambit ko.
"No. Dito ka lang," madiin na sagot ni Daryl bago niya ako bigyan ng masamang tingin.
"Pero ayokong manatili sa bahay na 'to! Gusto kong malaman lahat ng mga nangyayari. Gusto kong punan lahat ng mga bagay na hindi ko alam. Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo." Kung mas mabilis kong makikita ang lahat ng mga kailangan kong makita, mas mabilis din akong makakaalis sa vision na 'to.
"Paano kung may mangyaring masama sa 'yo dahil sumama ka sa akin?"
Umiling agad ako. "Walang masamang mangyayari sa akin, maniwala ka." Nasa loob lang ako ng vision ko, wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin.
Lumingon siya sa mga taong nagtatakbuhan papunta sa kalsada. Pagkatapos ay binalik niya sa akin ang tingin niya. May bahid ng pagda-dalawang-isip, kabado at parang sinusuri akong maigi. Tinatantsa niya kung talaga bang seryoso ako sa gusto kong mangyari.
"Please?" tangi kong sabi bago itaas ang parehong kulay ko. Ngumiti rin ako.
Huminga siya nang malalim. Saglit din siyang napapikit, bago sumagot. "Fine. Pero hindi ka aalis sa tabi ko. Magkasama tayong hahanap ng mga matutulungan. Huwag na huwag kang hihiwalay sa akin, okay?" aniya dahilan para lumawak ang ngiti ko sa labi kahit wala naman talagang masaya sa gagawin namin—ang kailangan ko lang naman talaga ay makita na ang dapat kong makita.
"Okay na okay!" saad ko.
"Tara na."
Maglalakad na sana kami nang maalala ko 'yong bahay niya. "Hindi mo ba ila-lock 'yong bahay na 'to? Baka malooban ka. Hindi ba't wala nang makain ang mga tao? For sure lahat ng bahay pagtatangkaan na ng karamihan," saad ko.
Napatingin siya sa akin bago sa bahay.
"About that." May nilabas si Daryl sa bulsa niya. Hindi ko alam kung anong tawag do'n dahil ngayon lang ako nakakita ng bagay na 'yon. Kulay silver, parang gawa sa metal. May kulay itim sa gitna no'n, na siyang pinindot ni Daryl.
Napatingin ako sa bahay.
Unti-unti itong naglalaho sa paningin ko.
Sa puntong ito, para akong nasa mundong gawa lang ng imahinasyon ko. Nakita mismo ng mga mata ko kung paano nawala nang unti-unti 'yong bahay na kanina lang ay napasukan namin ni Daryl. Parang naging invisible at ang natira na lang ay malawak na espasyo sa gitna ng kagubatan.
"Pa-paano nangyari 'yon?" tanong ko kay Daryl kaya muli siyang kumunot ng noo.
"Hindi ko alam kung taga saan ka talaga. Parang ang dami mong hindi alam sa lugar na 'to," ani Daryl bago magsimulang maglakad. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang sundan siya.
"Seryoso, paano nawala 'yong bahay?" curious kong tanong habang maingat na humahakbang at maya't mayang tinitingnan ang sahig na aapakan ko.
Bahagya siyang napatingin sa akin. Kunot na kunot na talaga ang noo niya, pero wala akong pakialam kung magmukha na akong total weird sa mga mata niya. Gusto ko talagang malaman kung paano nangyaring nawala 'yong bahay sa kinalulugaran nito. Gano'n na ba ka-advance ang taon na 'to?
"2045 na ngayon, Niana. Marami nang technologies ang naglabasan," aniya. "Kaya nawala 'yong bahay ko, ay dahil dito," sabi niya bago niya iharap sa akin 'yong kaninang hawak niya na maliit na bakal.
BINABASA MO ANG
Precognition (Published by PaperInk Publishing House)
Fiksi IlmiahSixth Sense Series #1 | Perhaps the end comes in various forms yet all fatal. *** A novel. "Take a peek at the end of humanity." Niana Alacantara is no ordinary. After a series of lessons in one of her specialized subjects, she saw and predicted fiv...