CHAPTER 10
NIANA'S POV
KATULAD ng mga naunang nawalan ng malay, tumayo si Becca na para na ring infected. Fudge. Hindi ko alam kung paano siya nahawa. Kung paano siya naging depressed zombie. Dahil kung tama nga si Sir Jim na depression ito at hindi virus, paano naipapasa 'yon?
Kapag tumingin ka ba sa mga mata ng infected, magiging tulad ka na nila?
Paano nangyari 'yon?
This is making me insane.
Ang dami pa ring tumatakbo sa bleachers. Akala siguro nila, mas mataas ang kinalalagyan nila, mas mahirap silang mapuntahan ni Becca at ng iba pang mga nahawa.
Never have I imagine na magiging parang zombies ang mga depressed na tao. Para ngang mas nakakatakot pa sila kaysa sa mga napapanood kong zombie sa mga movie. The expression on their faces, in their eyes—as if they're dying of hunger and thirst, it gives a chill to my spine.
"Rhianne, kailangan na nating umalis. Sumunod ka sa akin," sabi ni Kean. Bakas sa mukha niya na natataranta na siya't nangangamba.
Sino ba namang hindi?
Nasa bingit na sila ng kamatayan.
Siguro naman may gamot sa depression 'di ba? Like psychological therapy or something?
Hindi pa rin maalis sa isip ko kung gaano kagulo ang mga nangyayari. Parang kanina lang, nasa batang version ni Rhianne ang setting ng vision ko. Chill lang kanina eh. Medyo drama. Tapos biglang naging thriller. Ano ba naman 'to? Must I see through the end of this again the same way I witnessed how the first possibility of the end concluded Sophia's timeline?
Sumunod na lamang si Rhianne kay Kean. Ang lalaki't bilis ng hakbang ni Kean kaya naman kinailangan ni Rhianne na tumakbo para masabayan sa paglalakad ang binata.
Nakayukom ang kamao niya. Namamawis na rin ang batok niya.
Mukhang nate-tense siya sa mga nangyayari.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Rhianne. "Ang gate ay nandoon sa kabila. Bakit dito pa tayo sa dulo nakikipagsiksikan?"
Sumusunod ako sa kanila at tama nga ang sinabi ni Rhianne. Sumisiksik sila sa dulo kung nasaan ang mga tao na nagsisigawan. Mabuti na lang at hindi ako apektado ng siksikan at gitgitan dahil hangin lang ako kumpara sa kanila na nakikipagbungguan sa lahat ng mga taong makakasalubong nila makagawa lang ng daan papunta sa dulo ng gym.
Nakakabingi. At the same time nakakairita.
Pero hindi ko naman sila masisisi dahil alam ko kung bakit sila ganito.
Siguro kung totoong nandito ako, baka kanina pa ako nahimatay sa takot.
Humawak na si Rhianne kay Kean sa braso. Kung hindi niya kasi ginawa iyon, malamang hindi na niya nasundan pa si Kean sa sobrang siksikan ng mga tao.
Kahit nga banggain mo pa ang mga estudyante, hindi na nila iyon pinapansin na para bang wala silang naramdaman. Lahat sila tumatakbo at humihiyaw para sa buhay nila.
"Kean, saan ba talaga tayo pupunta?" mahinahanon pero may bakas ng pangamba tanong ni Rhianne. May mga namumuo na ring butil ng pawis sa leeg niya. Alam kong medyo naiinis na siya dahil wala siyang alam sa gustong gawin ni Kean pero wala rin naman siyang choice kundi ito.
BINABASA MO ANG
Precognition (Published by PaperInk Publishing House)
Science FictionSixth Sense Series #1 | Perhaps the end comes in various forms yet all fatal. *** A novel. "Take a peek at the end of humanity." Niana Alacantara is no ordinary. After a series of lessons in one of her specialized subjects, she saw and predicted fiv...