Chapter 29 : Hideout

693 60 3
                                    

CHAPTER 29

NIANA'S POV






MAKALAT.

Magulo.

Lahat ng tao natataranta.

Sa grocery na 'to, sobrang daming tao. Hindi ko alam kung ano talagang gusto nilang gawin sa buhay nila, pero wala silang pakialam kahit makabangga na sila, o mabangga sila. Wala silang pinapatawad, kahit madapa sila, matisod, tuloy pa rin sila sa pagtakbo.

Lahat sila iisa lang ang ginagawa—kumukuha ng mga pagkain sa bawat stalls, sa bawat estante ng grocery. Para silang nakikipaghabulan kay kamatayan. Balisa na silang lahat pero hindi sila tumitigil sa pagkuha ng kahit anong una nilang mahawakan. Ang ilan pa nga ay nakikipag-away pa para sa pagkain at kung ano pang essential goods na nakuha nila sa stalls.

Hindi ko alam kung libre ang lahat ng nasa grocery kaya sila nagkakagulo at kuha nang kuha ng mga pagkain. Ang alam ko lang hindi nagpapa-awat ang mga tao. Kahit pinipigilan na sila ng mga staff ng grocery at maging security guard ay wala silang pakialam.

Nanatili akong nakatayo. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko.

Oo nga't hindi na bago sa akin ang mapunta sa vision ko, pero nagtataka ako kung paano at bakit ako napunta rito. Wala ng klase si Sir Jim, imposible namang nagtuturo pa siya sa mga oras na 'to kaya ko nakikita ang mga 'to.

Ramdam at alam kong nasa future na naman ako. Dama ko 'yon dahil nawala ako sa ospital at biglang napunta sa magulong lugar. Ito lang ang bagay na alam ko sa ngayon. Nasa future ako at may kailangan na naman akong alamin.

At 'yon ay kung bakit magulo ang mga tao.

Kung tama ang bilang ko, ika-apat na ang vision na 'to sa mga nakita ko ngayong araw. Ibig sabihin, kung konektado nga ang vision na ito sa tatlo pang nauna, ito na ang fourth possibility of the end.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa na makita ang ika-apat na chance kung kailan at papaano guguho ang mundo, lalo na't hindi pa rin ako gaanong nakaka-move on sa third vision ko. Sa world war three na muntik ko na rin halos ikamatay kung hindi agad ako nakaalis do'n.

Nagsimula na akong maglakad.

Tumitingin-tingin ako sa bawat hallway ng mga estante. Nakikita ko kung gaano halos magpatayan ang mga tao para lang sa mga pagkain na nasa grocery na kung tutuusin hindi naman nila mukhang binabayaran. Siguro nga libre ang mga nasa grocery na ito kaya ganiyan sila ka-wild, pero I need an assurance. Gusto kong malaman kung may mas malalim pa bang dahilan.

Nakakita ako ng isang bata. Iyak lang siya nang iyak. Mukha siyang mag-isa pero hindi ko siya magawang malapitan dahil una, mukhang hindi naman ako nakikita ng kahit sino dahil tumatagos silang lahat sa akin kada tatakbo sila sa gawi ko, at pangalawa, natatakot ako sa mga nasa likuran ng bata.

May dalawang lalaking nag-aagawan sa bote ng alak. Masasama ang titig nila sa bawat isa. Nando'n sa mga mukha nila ang galit at inis sa isa't-isa.

"Akin 'to!" inis na saad ng isang lalaki. Balbas sarado ito, maitim ang mga mata, malaki ang pangangatawan at may hawak na cart na puno ng kung anu-anong klase ng pagkain.

"Nauna ako rito!" giit ng lalaking ka-alitan niya. 'Di hamak na dehado siya pagdating sa laki ng katawan, pero matapang siya para sa liit niya.

Hindi ko nasubaybayan ang pag-aaway nila, ang alam ko na lang ay nagsuntukan na sila. Hindi ko kayang panoorin ang mga marahas na bagay, tulad no'n. Kahit pa sabihin na nating nakakita na ako ng mga patay sa third vision ko.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon