Chapter 37 : John 3:16

641 63 1
                                    

CHAPTER 37

NIANA'S POV






LIGHT.

Pure light.

I can't see anything aside from white, blinding light. Sobrang nakakasilaw ang liwanag sa paligid but I managed to somehow still see where I am. Until my eyes finally adjusted from the light.

Malinaw ang lahat pero wala naman akong ibang nakikita bukod sa malawak at tila walang katapusang espasyo. Para akong na-trap sa isang lugar at hindi ko na alam kung may daan ba papasok o palabas.

May mumunting hangin din na dumadapo sa balat ko. Hindi ko alam kung anong meron sa hangin na 'yon, ngunit pakiramdam ko ang gaan-gaan ng buong katawan ko. Feeling ko kaya kong lumipad mula sa kinatatayuan ko dahil hindi ko na halos maramdaman ang bigat ko.

Nasaan kaya ako?

Nagsimula akong humakbang nang kaunti, tinatansa ang lugar at pinagmamasdan ito maigi kahit pa sigurado ako na sa bawat sulok ng mata ko, kahit saan man ako tumingin, tanging puting ilaw lang ang meron at wala nang iba pa.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung anong dapat kong gawin. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong matakot dahil nasa gitna ako ng kawalan.

"Niana."

Isang boses ang nagpatigil sa akin sa paglalakad. 'Yong boses na tumawag sa pangalan ko, sobrang kalmado. Hindi ko maipaliwanag pero I feel safe when I heard the voice. Hindi ko alam kung sa lalaki o babae ang boses na 'yon dahil parang pareho. Sigurado rin ako na hindi ito pagmamay-ari ng kakilala ko dahil ngayon ko pa lamang narinig ang tinig na 'yon.

"Sino ka?" tanong ko rito habang lumilinga-linga sa buong paligid. Hindi ko alam kung nasaan ang may-ari ng boses dahil sa lawak ng lugar. Basta ang alam ko lang hindi ako nag-iisa. Kasama ko siya.

"Ako ang nagbigay sa 'yo ng kakayahang makita ang hinaharap," aniya, dahilan para agad akong mapakunot ng noo habang patuloy sa pag-ikot sa buong lugar ang mga mata ko.

"Ikaw?" tanong ko.

"Oo, ako," sagot nito. Hindi ko mahanap kung saan nanggagaling ang boses dahil para itong nagmumula sa lahat ng sulok ng lugar.

"Dapat ba kitang pasalamatan dahil binigyan mo ako ng kakaibang talento?" magalang kong tanong dito. Hindi ko alam kung sino siya, ang alam ko lang, naniniwala ako sa kaniya. I don't know but my head keeps saying that whoever owns that voice is telling me the truth.

Isa pa, alam niya ang tungkol sa sixth sense ko.

"Hindi mo ako kailangang pasalamatan, para sa talentong ikaw mismo ang nakatuklas," sagot ng boses.

"Pero sa dami ng tao na pwede mong bigyan ng ganitong kakayahan, bakit ako? Pwede namang kay Midori na lang. O kaya sa isa sa mga kaklase ko o sa mga professor ko. Bakit sa akin?" tanong ko habang iniikot ang paningin ko.

"Dahil ito ang misyon mo."

"Misyon kong magkaroon ng ganitong kakayahan?" kunot-noo kong tanong.

"Misyon mong gamitin ang kakayahan na 'yan, para sa ikabubuti ng nakararami. Ang misyon mo, ay ang alamin ang hinaharap ng sangkatauhan," sabi ng boses. Hindi nagbabago ang tono nito.

"Pagkatapos kong malaman ang hinaharap, anong kailangan kong gawin? Panigurado walang maniniwala sa akin kung sasabihin ko sa kanila ang lahat ng mga nakita ko," saad ko.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon