Chapter 24 : Safe Zone

725 78 30
                                    

CHAPTER 24

NIANA'S POV






KUNG KANINA yumayanig lang ang lupa dahil sa mga pagsabog, ngayon nahahati na rin ito.

Wala ng daanan na makikita. Bakas na rin sa bawat mukha ng bawat tao na nakikita ko ang kawalan ng pag-asa. Tila tinanggap na nila na ito na ang wakas nila at hinihintay na lang nila na sumunod sila sa mga mahal nila sa buhay na kinuha na ng digmaan. Ang ilan sinusubukan pa ring lumayo sa sentro ng bakbakan kahit walang kasiguraduhan na may ligtas pa silang lugar na masisilungan.

Kung sakali mang maabutan ko ang taong 'to, kahit ako hindi ko alam kung saan ako tatakbo o kung saan ako pupunta kung lahat ng pwedeng puntahan ay sinira na ng labanan.

Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako kahit nalaman ko na ang ugat ng hidwaan na 'to.

Hindi pa ba sapat ang mga nakikita ko?

Tons of dead bodies, thousands of lives taken.

There's almost no one left to grieve.

Maya't-maya ang putukan. Parang naging manirism na ng mga may hawak ng baril na magpaputok. Walang nakakaisip sa mga sibilyan na nasa paligid. Kapag hindi ka natamaan ng bala, swerte ka, kapag natamaan ka, katapusan mo na. Walang may pakialam.

An hour after the president addressed the nation, the Philippines declared an all-out war against China. The battle that became more aggressive, cruel, and inhumane.

Paano babangon ang mga taong nasalanta nito kung ang sarili mismong gumawa sa kanila nito, ay ang bansang tinatapakan nila?

Napahinto ako sa pagiisip nang may isang maliit na braso na humatak sa laylayan ng damit ko. Pagmamay-ari ito ng isang bata na madungis at dilat na dilat ang mga mata niyang namamaga habang nakatingin sa akin. Halatang kakatapos lang niyang umiyak. Tingin ko ay anim na taong gulang siya.

"Ate, hindi ka pa po ba tatakbo?" tanong niya sa akin.

Sabay kaming nagulat nang may malakas na pagsabog na naganap. Malayo ito sa amin pero malakas pa rin ang ingay na nilikha nito kaya napatakip sa magkabilang tainga ang bata.

Umiling ako sa tanong niya.

"Hindi ka po ba natatakot?" muli niyang tanong.

"Natatakot," maikli kong tugon. Yumuko ako nang kaunti para kahit papaano hindi mangalay ang nakatingala niyang leeg.

"Eh bakit po hindi ka tumatakbo?" tanong ulit niya. Napatalon naman siya nang may isang pagsabog kaming narinig 'di kalayuan sa kinatatayuan namin.

Ngumiti lang ako sa tanong niya. "Bakit ikaw? Hindi ka ba natatakot?" Ibinalik ko sa kaniya ang tanong. Binuhat ko na rin siya at lumingon sa paligid para hanapin ang mga magulang niya.

"Natatakot po," saad niya bago tumulo ang luha sa mga mata niya.

Mas lalo lang lumambot ang puso ko. Gustong-gusto ko noon pa man ng kapatid na babae, kaya nga naging close friend kami ni Midori. Kaya naman kapag nakakakita ako ng batang babae, nagiging magaan agad ang loob ko sa kaniya, gaya nitong bata na ito.

"Eh bakit hindi ka tumatakbo? Nasaan ba ang mga magulang mo?" tanong ko habang pinupunasan ko ang maliliit na butil ng luha niya.

"Wala naman na pong saysay kung tatakbo pa ako. Ako na lang ang natitira sa pamilya namin. Ang tatay ko, binaril ng mga sundalo. Ang nanay ko naman, nadaganan ng mga malalaking bato mula sa mga gusali na pinasabog. Ang ate at kuya ko naman, namatay na sa gutom. Ako na lang ang natitira, ako na lang . . ." Tuloy-tuloy na umagos ang luha sa mga mata niya.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon