Go
Naghihintay ako ng taxi na dadaan ngunit kung meron ay may nakasakay na doon kaya nagsimula akong maglakad-lakad.
I can't call our driver dahil siguradong malalaman ni Daddy na tumakas ako sa bahay. And that will only mean one thing.
One week grounded. Bawal lumabas at bawal ang gadgets.
May dumaang taxi kaya agad ko iyon pinara pero nilampasan lang ako.
My feet hurts. Damn this!
Hinubad ko iyon at umupo muna ako sa gutter para masahiin ang paa ko.And I immidiately stiffened when I heard a catcall.
At nang may naramdman akong kamay sa balikat ko ay mabilis akong tumayo at tatakbo na sana ako nang mabilis niya nahawakan ang braso ko.
"Let me go!" I nearly cried.
I can't see his face because he is wearing a black cap and a black mask. His clothes were ragged and dirty.
I felt a sharp object against my neck at doon na ako nagsimulang umiyak.
"Mommy..." I silently cried.
"Ibigay mo sa'kin lahat ng pera mo kundi babaom to sa leeg mo." His voice is very scary.
Like a monster.
"I-I will g-give my money to y-you." I said, my voice shaking.
I'm scared. So scared.
"Ibigay mo na!" Pananakot niya.
Mabilis kong ibinigay sa kanya ang clutch ko. Nandoon yung phone ko, credit and ATM cards.
But I don't care. Mas importante ang buhay ko.
Nang ibigay ko iyon ay mabilis niya iyong hinablot at nang nakita ang stilleto ko ay hinablot niya rin iyon at mabilis na tumakbo palayo.
At tsaka ko lang namalayang kanina ko pa pala pinipigilan ang pag iyak ko. Napaupo ako sa gutter. Inilagay ko ang braso ko sa tuhod ko at isinandal doon ang ulo ko.
Bakit ba ang sama ng mga tao ngayon? That man can do a better job for sure! He's got a healthy body! Bakit ba hindi nalang siya maghanap ng matinong trabaho instead of doing bad and stealing other people's things?
Sana hindi na ako lumabas ng bahay. Sana hindi ko na sinundan si Marco. Alam kong malalaman 'to ni Daddy at goodbye freedom na muna ako for one week.
Naramdaman kong may sasakyan na tumigil nalapit sa akin at agad akong naalarma.
Pag-angat ko ng tingin ay siya rin pagsarado sa pinto ng driver's seat. At nakita ko ang paglapit sa akin ng isang pamilyar na lalaki.
"Hey..." He said.
At nang tuluyan siyang nakalapit, his eyes widened a bit in shock.
"What happened? Are you okay?" He asked then squatted in front of me.
I didn't respond. Baka may gagawin din siya sa aking masama.
"Don't be scared. I know who you are. You're Vienna right? I'm Seth, Marco's friend."
At doon ko lang narealize na isa siya sa mga barkada ni Marco. And I suddenly have a strong urge to tell him everything.
"A-a man went to me at kinuha niya y-yung gamit ko. A-And I don't k-know how to go home. And D-Daddy will surely scold me." Pagsusumbong ko.
He sighed.
"Nakita ko yung nangyari kanina sa club. Did Marco left you?" Usisa niya.
I nodded then he sighed.
"I'll drive you home. At ginagawa ko lang ito dahil kaibigan ko si Marco." He assured.
"T-Thank you..." I whispered.
He smiled then patted my head. I find it a bit sweet of him. At hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kanya kahit na ngayon lang kami nagkausap.
"Let's go?"
Tumango lang ako at tinulungan niya akong tumayo. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nang nakapasok na ako ay isinarado niya iyon at umikot para sa driver's seat.
The awkward silence is deafening as he drove me home.
"Why are you doing this for me again?" I asked to break the silence.
He laughed.
"Because Marco is my friend."
Oh. He's friends with Marco. Pero...
"Really? Baka may gusto ka sa akin kaya mo ito ginagawa. So magsosorry na ako simula pa ngayon because my heart already belongs to Marco." I said.
And with that, he laughed so hard na kailangan niya pang itigil ang sasakyan para tumawa.
Bakit siya tumatawa? Is there something wrong with what I said?
"Hoy! Anong tinatatawa tawa mo?" My eyes narrowed.
Nilingon niya ako habang tumatawa parin.
"You are one of a kind woman, alam mo ba yun?" Tawa niya parin.
Tapos?
"Eh bakit ka tumatawa?" Naguguluhan kong tanong.
"Ang assuming mo masyado. May nagmamay-ari narin sa puso ko kaya wag kang mag assume." He laughed again.
I rolled my eyes.
"Whatever. Hindi ako nag assume. Naniniguro lang. Baka mahulog ka sa charm ko sige ka." Pabiro kong banta.
"You're unbelievable. Maybe as a sister. Oo, I can see you as my little sister."
At agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"You see me as a little sister? Then can I call you 'kuya'?" I excitedly asked.
Oh my! This is a dream come true! May instant kapatid na kuya na ako!
"Now that sounds creepy. Wag mo akong tawaging kuya dahil tatanda ako niyan ng maaga. I bet months lang ang tanda ko sa'yo."
I smiled.
Madali naman akong kausap eh.
"Okay. I will not call you kuya. I'll call you Seth. But I'll treat you as my big brother can I?"
Please say yes. Please say yes.
"Okay."
"Yes! Thank you!"
He smiled at pinatakbo na ulit ang sasakyan niya.
Hindi ko na mapigilan ang ngiti ko habang nakatingin sa kalsada.
"Talaga bang friends na tayo?" Ulit ko dahil hindi parin ako makapaniwala.
He's... my first friend.
He just laughed and messed my hair up. As in seriously, may problema ba siya sa buhok ko?
At nang nakarating kami sa bahay ay nag-alinlangan akong lumabas nang maalalang nakapaa lang pala ako.
Sa tingin ko ay napansin niya iyon at medyo nagulat ako nang hinubad niya ang white sneakers niya. At mas nagulat pa ako nang kinuha niya ang paa ko at isinuot niya iyon sa akin.
Malaki iyon but it's fine kesa sa wala.
And I was just sitting here like an idiot, dumbfounded.
"Don't worry about me. Malapit lang naman yung bahay namin dito. Just go." He smiled.
"T-Thank you!" I happily said, but I'm a bit embarrassed.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanya ay tahimik akong pumasok sa bahay at pagod na humiga sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Fire (Completed)
Teen FictionVienna Nikkola Velasquez is a girl with a toxic attitude. She gets what she wants, even if it means she'll chase for love. Even if it means she'll chase Marco Melendrez, a fire that will soon burn her for coming close. Language: Filipino (1k to 1.6k...