Chapter 8

6.8K 114 1
                                    

Heart Attack

Kahit ilang araw na ang lumipas simula nung nag text si mommy ay hindi parin iyon mawala sa isipan ko.

Why would she text me after eight years? Bakit ngayon lang siya ulit nagparamdam? Should I tell daddy about it? Will daddy be okay if I tell him?

Sobrang dami ng tanong sa utak ko. At wala akong ginawa sa mga araw na nagdaan kundi ang magmukmok sa kwarto ko at mag-isip.

I tried to reply to her text but I can't. Hindi iyon nasesend. I think he blocked my number. At hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin iyon. If she wants to communicate with me then why won't she let me?

I love my mother dearly alright. Kahit ano pa ang naging rason niya kung bakit siya umalis ay tatanggapin ko. I think my daddy knows about it dahil sobra ang galit niya kay mommy but he wouldn't tell me what is it.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga nang nakarinig ng katok sa pinto.

"Vienna, kain na. Magtatanghalian na at hindi ka pa nag-aagahan." I heard Nana Selya's voice.

"Pasok po kayo Nana." Malakas kong sinabi para marinig niya.

Pumasok si Nana na may dalang tray at pagkain. Palagi niya nalang akong hinahatiran ng pagkain sa kwarto ko dahil hindi na ako masyadong lumalabas.

Inilagay muna ni Nana iyon sa bedside table at umupo siya sa paananan ko.

"Vienna may sakit ka ba? Ayos ka lang?" Tanong niya at hinawakan ang leeg at noo ko para tingnan siguro kung nilalagnat ba ako.

I looked at Nana. She looks so worried.

"Nana bakit po umalis si Mommy?" I asked all of a sudden.

Bahagyang nagulat si Nana sa atanong ko ngunit agad ring nakabawi.

"Vienna hindi ko masasagot ang tanong mo. Tanging si Sir Jed lang ang nakakaalam at mas mabuti siguro na hindi mo na malaman. Ang mabuti pa ay lumabas ka muna at magpakasya hindi sa nagmumukmok ka dito sa kwarto mo." Malumanay niyang sinabi.

Matanda na si Nana. Nasa late fifties na siya at siya yung nag-alaga sa akin simula pagkabata. Kaya alam kong alam niya kung bakit umalis si Mommy. Ayaw niya lang sigurong sabihin dahil sinabi ni Daddy sa kanya na hindi sabihin sa akin.

And I understand it. Maybe Daddy don't want me to hold a grudge against Mommy kaya hindi niya sinasabi.

Maybe they are only trying to protect me.

"Thank you Nana." I said and hugged her tight.

"Oh sha, kumain ka na at lumabas at gawin mo kahit anong gusto mong gawin. Hindi ko sasabihin sa Daddy mo. Secret lang natin." Sabi ni Nana at ngumiti.

At dahil sa sinabi niya ay napangiti narin ako. Lalabas ako at hindi malalaman ni Daddy! Kahit pa late akong makauwi!

"Talaga po?" I excitedly asked.

Ngunmiti ulit si Nana, making her wrinkles visible.

"Oo naman. Ikaw pa. Sige na, kain ka na."

The best talaga si Nana!

"Thank you po ulit!"

Lumabas na si Nana ng silid ko at ako naman ay naiwang malaki ang ngiti. Kumain na ako at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng black jeans, white shirt overcoated with denim jacket and a pair of white converse shoes.

I am going to shop today. My planned was set nang nakita ko ang hoodie ni Marco na nakasabit sa couch ko. But I'm not going to return it to him. It's a souvenir. Pupuntahan ko nalang siya ngayon dahil hindi ko siya nakita this past few days.

Chasing Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon