Chapter 17

6.1K 98 0
                                    

Fiance

It's three days before the party where Lex invited me. Hindi pa ako nakakapag-paalam kay Daddy dahil natatakot ako. Baka hindi niya ako payagan.

Tuwing pumapasok ako ng school, may dalawang umaaligid na bodyguards. Minsan naiisip ko nalang kung bakit sobrang OA ni Daddy. Hindi naman siguro ako tatakas diba? Paano ako tatakas kung wala sa akin yung cards ko at binibigyan lang ako ng five hundred pesos araw-araw?

"What's with that face?" Napatingin ako kay Seth nang umupo siya sa silyang nasa harap ko dito sa school canteen.

"Wag kang magulo kundi malilibing ka talaga ng buhay." Sabi ko at nilingon ang isa sa mga bodyguards sa malayo na nakatitig na sa amin ni Seth.

Napalingon rin siya doon at nakakunot noong bumaling sa akin.

"Sa'yo yun?" Tanong niya.

"Daddy's." Simpleng sagot ko at isinubo ang hawak kong fries sa bibig ko.

Bago paman makapagsalita si Seth ay may umupo na sa tabi ko, kumuha ng dalawang fries ko at isinubo iyon kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Bastos." I commented.

Then he smiled playfully.

"Oops, hindi ako naghubad sa harap mo so no, hindi ako bastos." Pangangatwiran ni Giro at kinindatan pa ako ng gago.

Inirapan ko lang siya at napatingin ulit ako sa mga bodyguards na ngayon ay mas malapit na sa amin.

I convinced myself that Daddy is only doing this everytime because he loves me and he cares for me. I should not be mad at him. He's my father and I know he only wants the best for me.

"Alright! Tss." Hindi ko na pinansin si Giro sa tabi ko pati narin ang pag-alis niya sa tabi ko at pag-upo sa tabi ni Seth.

"Hey..." Someone said before sitting beside me.

"Hey." I answered while I'm out of my mind and just staring at my food.

Bakit ba kasi ganito si Daddy? Gosh! Wala naman sigurong tao na may masamang balak sa akin! And wala naman siyang kaaway sa personal o kahit sa... May kaaway kaya si Daddy sa negosyo? I don't even know what is it. He said he'll tell me at the right time.

Shit. Is that it? Is his business... illegal? Gosh! No! Just no! Damn, what are you thinking Vienna?!

"Baby..." Tawag niya sa sobrang lambing na boses and caressed my thigh.

Oh my gosh! It's Marco for damn's sake!

"Sorry. I'm just thinking about some things..."

Pumungay ang mga mata niya at mas ibinaling ang katawan niya sa akin, giving me all of his attention.

"Things like what?" He asked gently like I am some fragile porcelain.

Daaamn! I am not used to this! Oh my fucking heart is racing! Holy shit he's intently staring and watching my every move and my guards are watching us for hell's sake!

"Tangina. Get a room!" Napatingin nalang ako kay Giro na tumayo at umalis. More like iniwasan ko yung titig ni Marco.

Habang si Seth naman ay nginisihan ako at sinundan si Giro. Mga baliw na to!

"Things like what baby?" Mas magaan niyang tanong.

Bumaling ulit ako kay Marco at agad kong tinakpan ang mukha ko nang naramdaman ang pag-iinit 'non.

Chasing Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon