Furious
Titig na titig ako kay Marco habang iniinom ang Vodka na inorder ni Seth para sa akin.
He didn't look at me even once simula nang dumating kami ni Seth. And I want to get his attention but everytime I did, nagmumukha lang akong tanga!
Tiningnan ko ang suot niya. He's wearing a black hoodie but I can see a white shirt beneath it and also a black jeans and black shoes. May pupuntahan ba siyang lamay? What's with the dark mood?
Kukuha pa sana ako ng isa pang inumin nang may pumasok na bright idea sa utak ko. Hmm.
"Seth, giniginaw ako." I said, slightly loud enough for him to hear.
Nilingon ako ni Seth galing sa pakikipag-usap kay Axe at tinaasan ng kilay.
I gave him a knowing look. Alam niyang may mga plinaplano ako and this is one of those.
"Giniginaw ka? But I don't have any jacket or something with me... Should I hug you instead?" He said.
Narinig ko ang pagsipol ni Axe at ang paghalakhak naman ni Race.
Damn! Dapat sinabi niya na hihiramin niya yung hoodie ni Marco! But well, let's see if this will make him jealous? Pero malabo namang mangyari yun! Why would he be jealous? But let's see.
"Yes please." Malambing kong sinabi.
Sumulyap muna si Seth kay Marco bago niya ako niyakap mula sa gilid. Ako naman ay pasimpleng tinitingnan ang reaksyon ni Marco pero hindi siya tumitingin!
Fucking look at me!
"Feeling better?" Tanong ni Seth na nilalakasan din ang boses para marinig ni Marco.
"Yes. Hindi na ako giniginaw."
Bwisit! Hindi parin siya tumitingin! Palagi pang nasa inumin niya ang tingin niya and I can't help but to wish na sana naging inumin nalang ako! Damn it!
"Tell me you love me." Seth wisphered then chuckled.
Ano? May gusto talaga sakin to eh.
"What?" I whispered back.
"Let's see his reaction. Come on." He whispered again.
I cleared my throat.
"Thank you Seth. I really love you." I said.
"Tangina." Narinig kong mura ni Axe at tumawa naman si Race at Giro.
Pero siya, wala paring reaksyon. Bwisit talaga! This isn't working too! Ano ba ang kailangan kong gawin para pansinin niya ako? Ang sarap magwala dito mismo!
"Should I say 'I love you too'?" Narinig kong bulong ni Seth.
"Uh Seth, I'm not cold anymore. Thank you." Sabi ko at bahagyang tinulak si Seth and he withdrew from the hug.
"Tangina, are you two dating or what?" Tanong ni Giro.
What? Oh! Ang galing siguro naming artista at napaniwala sila na may namamagitan sa amin ni Seth! I want to laugh so hard right now pero pinipigilan ko iyon.
"Seth, she's Marco's ex right? Pumapatol ka pala sa mga second hand?" Tanong ni Kylene. She seemed drunk.
At bigla nalang kumulo ang dugo ko sa narinig. Naghahanap ba siya ng away? The fuck. Nakakainit ng ulo ang babaeng to!
"Woah. Kylene." Race said with amusement.
Nahagip ng tingin ko si Seth at parang wala lang sa kanya ang sinabi ni Kylene. Nakatitig nalang siya ngayon sa inumin niya.
Like what the fuck! This girl just insulted me! You said I'm like your little sister so why are you letting this girl just humiliate me!
"Serves her right." Sabi ni Kylene.
At hindi niya talaga binabawi ang sinabi niya! How dare her say those things to me! At walang nagtatanggol sa akin kaya ako ang magtatanggol sa sarili ko!
"Excuse me?" Pinigilan ko ang sarili kong mainis.
"You heard it right? Gusto mong ulitin ko? Second hand ka na. Pagkatapos mo kay Marco sa kaibigan naman-"
"Kylene..." Marco's dangerous and dark voice made her stop.
Nilingon siya ni Kylene at bahagyang dumaan ang takot sa mukha niya. Pero nang nakitang nakatingin lang si Marco sa mesa sa harap ay inirapan niya ito at nawala na ang takot sa mukha niya.
"Fuck you." Mahina ngunit malutong kong sinabi sa kanya.
She smiled mockingly at me na mas lalo pang nagpainis sa akin.
"Fuck me? Kahit babae pinapatulan mo? Wow. Hindi ka na nahiya. At ikaw naman Seth, we just broke up last month and what? May pinalit ka na?"
"Kylene, enough." Mahinang boses na pag awat ni Marco sa kanya.
Pinagtatanggol ba ako ni Marco?
Pero hindi iyon ang mas importante sa akin ngayon. Mas importante ang pagkatao ko dito. My dignity is much more important than anything else.
"Kylene tama na yan.". Pag-awat rin ni Zira sa kanya.
Habang ang mga lalake na sina Race, Axe at Giro ay nanonood lang sa mga pangyayari na para bang napakagandang palabas itong nangyayari.
"I'm not yet done. You! You're a flirty little bitch. Para kang bubuyog na pagkatapos sumipsip sa isa ay dadapo-"
"I said enough!" Mas malakas na ngayong sinabi ni Marco at ngayon ay tiningnan na si Kylene na may pinipigilang galit.
That startled me a bit.
Malalaki ang mata ni Kylene nang bumaling siya kay Marco. Napakurap-kurap siya at ibinalik ang tingin sa akin pagkatapos ay inirapan pa ako.
How dare her roll her eyes on me!
At hindi ko hahayaang mapahiya lang ako ng ganoon! Damn it! Magkamatayan muna kami!
"For your information, I am not going out with Seth. And I'm sorry if you see it that way. But then who are you to judge me like that? You don't know me so shut your fucking mouth. And yes, I am Marco's ex girlfriend. At kung papatol man ako sa iba, would that make me less of a woman? Fucking hell, no." Malulutong kong sinabi.
Bago ko pa madugtungan ang sinabi ko at paulanan ng mura si Kylene ay may marahas na kamay ang humila sa palapulsuhan ko at naglakad siya habang hila-hila ako.
And just by looking at his back and familiar broad shoulders, alam kong si Marco ang humihila sa akin ngayon. And I have no time to protest.
When we arrived at the car park, he immediately deposited me to the front seat at umikot naman siya sa driver's seat.
At nang nakapasok siya, I flinched nang hampasin niya ang manibela ng sasakyan niya.
"Fuck it!" Malutong niyang mura at muling hinampas ang manibela na para bang sobrang laki ng problema niya.
He's furious. Mas malala pa ito sa galit na nakita ko sa kanya doon sa Club Time. At hindi ko alam kung ano ang gagawin para kalmahin siya dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang ikinagalit niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Fire (Completed)
Teen FictionVienna Nikkola Velasquez is a girl with a toxic attitude. She gets what she wants, even if it means she'll chase for love. Even if it means she'll chase Marco Melendrez, a fire that will soon burn her for coming close. Language: Filipino (1k to 1.6k...