Fire
Sobrang tahimik ni Marco habang nagdadrive. Nang dumiretso siya at hindi lumiko sa daan papunta sa amin ay napangisi ako at binalingan siya.
"Marco naman... I'm sorry alright? Wala naman talaga sa plano kong makipag-usap sa kanya eh." I said as I caress his right thigh.
Napasulyap siya doon at muling nag-angat ng tingin sa daan habang nakaigting ang panga. I smiled inwardly at that. Ang gwapo.
Buong byahe ay nasa hita niya lang ang kamay ko at hindi niya naman inaalis iyon kaya bahala siya. Nakarating kami sa parking lot ng tower at ngayon ko lang rin narealize na iba-iba yung gamit na sasakyan ni Marco at halos lahat dito ay sa kanya!
Nang nasa lift na ay kami lang yung nandoon kaya pumunta ako sa harap niya upang yakapin ang katawan niya at isandal siya sa dingding ng lift. Nag-angat ako ng tingin sa kanya ngunit hindi niya ako pinapansin!
Ang sungit.
"Marco..." tawag ko. "Don't be mad please?"
Kumunot lang ang noo niya at halatang pinipilit lang na magalit! Ang arte arte!
Wala ng pag-asa na papansinin niya ako dahil mukhang paninindigan niya talaga na "galit" siya. Kaya bumitaw ako sa kanya at tsaka palang niya ako dinungaw.
He slightly pouted before guiding both of my arms to embrace him back. Napangisi ako at tuluyan na siyang niyakap.
"Don't do that again, please. Tell me everything next time okay?" Marahan niyang sinabi habang hinahaplos ang buhok ko ngunit may bahid parin ng pagtatampo.
I wonder why he is like this now. Last year, nung naging kami, kapag galit siya, wala talaga akong magagawa para mawala ang galit niya. Tsaka lang nawawala kinabukasan. Pero ngayon... he's more considerate. He always control his anger and try to understand me and the situation. And I love this kind of Marco.
"Bati na tayo?" Nag-angat ulit ako ng tingin at ngumiti.
"It's still not fine with me seeing you with him." Seryoso niyang sinabi.
"Don't worry, I'll tell you next time. Promise."
Pero sa halip na gumaan ang loob niya sa sinabi ko, mas lalo pa yatang nagdilim ang titig niya.
"Next time?"
Oh no.
"I mean... kung may lakad ako. I will tell you."
He sighed and pulled my head towards his chest. "I just don't wanna loose you again." He whispered.
He didn't even loose me. I am always there everytime. I am always beside him all the time. Siya nga yung nawala sa akin eh kaya bakit niya siasabing ayaw niya akong mawala sa kanya ulit? Well in fact I am the one who is very afraid to loose him especially now that he's extra caring and considerate, far from the Marco I know last year.
Ni wala nga akong nakikitang ibang babaeng kasama niya, nilalpitan niya o lumalapit sa kanya unlike before. I always get jealous everytime kaya siya nagagalit.
Nang nakapasok na sa condo niya'y nakaramdam ako ng uhaw kaya't dumiretso na ako sa ref para kumuha sana ng tubig but my sight was caught by the canned beers.
Kumuha ako ng isa at binuksan iyon para makainom. I think Marco heared the unnecessary noise kaya pumunta siya dito kahit kanina'y nasa kwarto niya para magbihis.
"Vienna..." Tawag niya na may halong pagbabanta sa boses.
"It's just one can. Please?" Sabi ko at umupo na sa high chair para hindi na niya ako mapigilan.
He sighed and walk towards me. Nanatili siya sa likuran ko at inilagay ang kaliwang braso sa counter top at ang isa nama'y nasa kanang bahagi ng baywang ko, like he's guarding his territory.
"You still need to go home. Baka mas pagalitan ka ng Daddy mo kung hindi ka umuwi." He said gently.
Nilingon ko siya sa kaliwa ko at sinimangutan.
"It's still seven thirty though. At kahit hindi ako umuwi ngayon, siguradong hindi ako papagalitan ni Dad."
"Alright. I'll drive you home by 8:30. Is that okay?"
Eight thirty!
"Can I just stay here? Kahit ngayon gabi lang? Please, Marco. I... I won't do anything to you! I won't do anything bad to you! Promise!"
Bahagyang kumunot ang noo niya at kalaunan ay humalakhak.
"Silly. You think I won't like that?" Sabi niya, tumatawa parin.
Like what?
"Huh?"
"Nothing." He chuckled and kissed the side of my head. "If you want to drink, we should eat first and go somewhere."
"Somewhere? Club?" I don't want to say no but I'm too tired to go to a club. I am not in the mood for that at ayaw ko ring makihalubilo muna sa mga tao. I had enough of that during the celebration at the Maravillas.
"Nope. Upstairs." He whispered the latter.
Unti-unting nanlaki ang mata ko. Upstairs? May pangalawang palapag ang penthouse niya? Akala ko ito na yung pinakamataas na palapag! May upstairs pa?
Pagkatapos naming kumain ay pumasok kami sa gym niya at may binuksan siyang pinto roon na may hagdanan!
Hindi ko alam na may ganito!
Dala-dala niya ang mga beer in can habang hawak naman ang kamay ko paakyat. I took a picture of our hands at nang napansin niya iyon ay ngumisi lang ako at nagpatuloy sa pag-akyat.
And then there. Wow. All glass ang dingding ngunit alam kong heavy tinted iyon kaya hindi kita ang loob.
Kasing laki ng baba ngunit dito ay hinati. May labasan kung saan pwedeng tumambay upang lumanghap ng preskong hangin at may pool pa!
"Wow." I whispered.
At sa loob ay may billiard table at kung ano pa at... king sized na kama! Bakit may kama rito?
Nilingon ko agad sa Marco sa nanliliit na mata. It's like he knows what I'm thinking kaya't agad siyang nagsalita.
"I rest here sometimes. Wala akong dinalang babae dito, if that's what you're thinking."
Ang defensive ah?
"Did I ask? At ilang babae na kaya ang sinabihan mo niyan."
"Just you." Sabi niya at sumimangot.
I just nodded at hindi na tumingin sa kanya. I know he is saying the truth. He always wanted privacy kaya't alam kong ang mga bagay na katulad nito ay pinanatili niyang nakatago.
Pinanood ko lang ang pagniningning ng city lights. They look like the stars but then, from here, wala akong makitang ni isang bituin. They were overpowered by the city lights.
Naramdaman ko nalang ang unti-unting paggapang ng braso ni Marco palibot sa baywang ko at paglagay niya sa baba niya sa balikat ko.
"I'm saying the truth. I know you know I tell lies but please believe me this time." He said genuinely that made me smile.
He's still not over with that?
I chuckled then faced him. "I believe in you, okay?"
He sighed na para bang kanina niya pa pinipigilan ang paghinga niya. I never thought Marco would be this... vulnerable. The fire that he always have is all gone. Just a Marco with eyes pleading for me to believe him. And I feel so special that I get to see this side of him.
I spent the whole night talking with him and watching movies at hindi ko mabilang kung ilang beer in can ang naubos namin. He let me drink and stay with him tonight.
He hugged me tight as I lay in bed beside him just like what he did in my room last night.
And I never thought a night this perfect would come. Sana ganito palagi, masaya at walang pinoproblema.
BINABASA MO ANG
Chasing Fire (Completed)
Teen FictionVienna Nikkola Velasquez is a girl with a toxic attitude. She gets what she wants, even if it means she'll chase for love. Even if it means she'll chase Marco Melendrez, a fire that will soon burn her for coming close. Language: Filipino (1k to 1.6k...