Chapter 12

6.9K 120 1
                                    

Assuming

Wala akong ginawa buong maghapon kundi ang pumasok sa klase ko. I'm such a good student right?

Naglakad na ako sa hallway papuntang car park para makauwi na. Mabuti nalang at walang mga nakakainis na tao na humaharang sa hallway para mag-usap.

Napalingon naman ako sa gilid ko nang may napansing sumasabay sa paglalakad ko. I smiled when I saw Lex and he smiled at me too.

"Hi! Uuwi ka na?" He asked.

"Yup." I said, popping the 'p' on the end.

"You want me to drive you home?"

I want that dahil tinatamad talaga akong mag drive pero dinala ko yung sasakyan ko kanina kaya...

"No need. I'll drive myself home."

Ang gaan talagang kausap ng lalakeng to. Ang sarap gawing telepono at kausapin buong araw.

"Are you sure you'll be okay driving?" Medyo may pag-aalala sa boses ni Lex.

"Of course." I laughed. "Ako na yung nagd-drive simula nung nag second year college ako. So no need to worry, baka isipin kong may gusto ka sa akin sige ka." Biro ko.

"Baka nga." Mahinang sabi niya at hindi na ako nilingon.

Whatever.

"Lex, may tanong ako."

Nilingon niya ako at nagtaas ng kilay.

"What is it?"

"Bakit ka nakipagkaibigan sa akin?" I asked.

Dahil maliban kay Seth, siya yung pangalawang tao na lumapit sa akin. Because Marco was the first, alright.

"Dahil mukha kang walang kaibigan?" He stopped a smile.

Wow. Mukha pala talaga akong walang kaibigan.

Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad. At muntik na akong matumba nang may dumaan sa gitna naming dalawa, mabuti nalang at nahawakan agad ni Lex ang balikat ko.

Binitawan agad ako ni Lex at hinabol ang dumaan sa gitna namin at natigil ako nang napagtanto kung sino iyon.

"What the fuck is your problem man?" Inis na sabi ni Lex at pinaharap si Marco sa kanya.

"You. You are the problem." Sabi ni Marco at sinulyapan ako.

Bakit ba nagpapakita sa akin ngayon si Marco kung ayaw niyang magkagusto ako sa kanya? Fuck! Bakit niya ba ako pinapahirapan?

"What? Ang laki ng daan namumunggo ka talaga?" Si Lex.

Bago pa sila magkainitan ay lumapit na ako at hinila si Lex papalayo kay Marco. Baka magkagulo pa sila dito at first day na first day mapupunta kami sa disciplinary office!

"Lex tama na. Let's just go." Mahinang sabi ko.

Nilingon ako ni Lex at napabuntong hininga siya.

"Okay." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko para hilain ako sa paglalakad namin.

Kinabukasan ay ganoon rin ang ginawa ko. Entered the class like a good student, listening and writing a little.

Pumasok na ako sa third class ko. Wala ang subject na ito sa pinasukan ko kahapon kaya hindi ako nakareserve ng seat. Kaya umupo nalang ako sa dulo dahil occupied na yung ibang seats sa harap at ang kapal siguro ng mukha ko kung uupo ako doon when everybody is sitting with their friends and squads.

Chasing Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon