A/N:
To Exszel:
Uy Exszel, balik ka na ulit kay Maine mo! May pa-walk out ka pa ihh!
Nagmamahal,
UndeniableGoddessZyrine's Pov
Nakatulala lang ako habang hinihila ko yung bike ko pauwi ng bahay, hindi naman sira yung bike ko pero dahil nga lutang ako ngayon, hinihila ko nalang 'to.
Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko kasi naging insensitive nanaman ako, naiinis ako sa sarili ko kasi naging selfish nanaman ako, naiinis ako sa sarili ko kasi hinayaan kong layasan ako ng kaibigan ko.
Ang bobo ko, napaka-bobo para pakawalan ang isang katulad ni Exszel.
Nakarating ako sa bahay ng hindi ko namamalayan. Pagdating ko ay sumalubong sakin si mama na busyng-busy sa pagse-serve ng mga orders.
"Ma, ako na diyan." sabi ko at akmang kukunin na yung dala niya pero pinigilan niya ako.
"Hindi na anak, halatang pagod ka at saka kakagaling mo palang sa school, magpahinga ka muna." sabi sakin ni mama at saka ginulo ang buhok ko at nagpatuloy sa ginagawa niya. Napabuntong hininga naman ako dahil gusto ko sanang may gawin para hindi ko ganong maisip yung mga problema ko, kaso ayaw naman akong patulungin ni mama
Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at saka nag-shower at nag-bihis.
Nakatulala lang ako hanggang sa makaupo ako sa gilid ng kama ko.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis, hindi ko manlang kasi naisip yung nararamdaman ni Exszel.
Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama at saka tumulala sa kisame.
'Sana bukas, ayos na agad kami ni Exszel. Hindi naman niya ako matitiis di ba? Magbabati din kami niyan.'
Napabuntong hininga nalang ako dahil patuloy nanaman akong umaasa kahit na meron sa loob-loob ko na nagsasabing hindi pa kami ayos bukas.
Humiga na ako ng maayos at saka nagkumot, feeling ko ang sama ng pakiramdam ko ngayon.
Dumapa ako at saka pinagsusuntok yung unan ko.
"Ahhhh! Ang tanga tanga mo Zyrine!!!" sigaw ko habang nakasubsob sa unan. Napahilamos naman ako sa mukha ko at saka bumaliktad at muling tumitig sa kisame.
'Kausapin ko kaya? Pero, paano? Aish!'
Ginulo ko ang buhok ko at saka muling nag-isip kung paano ko siya kakausapin. Napatingin ako sa nightstand ko sa gilid ng kama at nakita ko doon ang cellphone ko na nakapatong.
"Tama!" sabi ko at saka kinuha yung cellphone ko. Hinanap ko sa contacts ko yung number ni Exszel. Agad ko naman itong nakita kaya pinindot ko yung new message.
To: Exszel/Budoy
Hi?
Nangunot ang noo ko dahil sa tinype ko kaya naman binura ko ulit 'to.
To: Exszel/Budoy
Exszel?
Saglit naman akong napaisip sa tinype ko pero sa huli binura ko din ito. Eto na talaga! Last na 'to
To: Exszel/Budoy
Bebs
Agad akong napabura sa tinype ko ng ma-realize ko yung tinype ko dahil sobrang landi at kadiri kung isesend ko yun. Napabuntong hininga naman ako at saka inayusan na ang pagta-type.
BINABASA MO ANG
Dreaming of You (Slow Update)
FantasyThis story is inspired by a K-drama. A teenage girl who is dreaming about the future. Wanna know the title of the K-drama? Read the Author's Note/Theory^_^ If you like the genre and plot of the story, just proceed reading the next chapters and wait...