Zyrine's Pov
"Ano ba kasing ginagawa mo dito!? Bakit ka pumunta ha? Yan tuloy, napalinis ka pa." sermon ko kay Exszel habang nagpupunas kami ng mesa.
"Namiss kita eh." nakangusong sagot sakin ni Exszel. Napangiwi naman ako.
"Arte arte, magkikita din naman tayo bukas!" sagot ko at saka pumunta sa lababo para hugasan yung basahan na hawak ko.
"Kahit na, matagal pa din yun!" reklamo ni Exszel sakin. Kunot noo naman akong bumalik sa pagpupunas ng lamesa.
"Ang OA mo, alam mo yun?!" inis na sabi ko sa kanya. Tumango naman siya ng parang bata.
"Oo, alam ko ibig sabihin nun." sagot niya sakin, napairap nalang ako sa kawalan.
"Ay Maine, bakit ka nga pala kumakanta kanina sa banyo? Tapos puro tungkol sakin pa. " bigla kong nabitawan yung hawak kong kutsara kaya dali-dali ko itong pinulot habang nanginginig pa ang kamay ko. Nilapag ko yung kamay ko sa lamesa at saka hinawakan para mapigilan ang nginig.
"H-ha?" lutang na tanong ko sa kanya, tumawa naman siya.
"Ha? Hatdog!" sagot niya at saka tumawa ng tumawa ng napakalakas habang tumatalon-talon pa na parang dolphin.
'Tangina? Ginagawa mo?!'
Patuloy pa din siya sa pag-tawa habang ako ay nakatitig lang sa kanya. Pinunasan niya yung ilalim ng mata niya habang tumatawa-tawa pa.
"Laptrip ako dun Maine haha! Kala mo ba hindi ko alam yun? Updated din kaya ako!" pagyayabang niya sakin, napangiwi naman ako.
"Whatever, tss." sagot ko nalang at saka nagpatuloy sa ginagawa ko.
"Pero di nga Maine, Bakit ka kumakanta kanina sa banyo? Ang panget nga ng boses mo eh." pagsasalita nanaman niya, napahigpit ang pagkakahawak ko sa basahan.
Unti-unti akong tumingin sa kanya.
"Tinatanong ko opinyon mo?" nanggigigil na tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang naman siya.
"Hindi naman. Pero sinabi ko na rin. Advance kasi ako mag-isip." sagot niya habang nakangiti ng mala-budoy at saka humagalpak ng tawa.
Napataas naman ang isang kilay ko sa pinaggagagawa niya.
"Nakakatawa yun?" walang reaksyon na tanong ko. Tumatawa pa din siya kaya di niya pa sinasagot yung tanong ko. Nang medyo mahimasmasan siya tumango-tango siya.
"Oo, nakakatawa. Hahaha!" sagot niya at saka muling tumawa. Napairap nalang ako ng todo dahil sa babaw ng kasiyahan niya.
Tumatawa pa din siya kaya sinaway ko siya at sinabing magpatuloy na siya sa pagpupunas ng table para matapos na kami kaagad.
Ilang oras ang lumipas, may mga dumating ng customers kaya pinagpanhinga na kami ni mama dahil kanina pa daw kami naglilinis.
Pumunta ako ng sala at as usual, nakasunod lang sakin si Exszel. Naupo muna ako sa sofa at saka sinandal ang ulo ko sa sandalan. Naupo na din naman si Exszel sa tabi ko kaya pinatong ko yung kanang hita ko sa hita niya.
"Papatong ah?" pagpapaalam ko at saka kinuha yung unan sa tabi ko at niyakap.
Grabe, napagod ako sa paglilinis. Tapos itong katabi ko, tawa lang ng tawa kanina, halos konti nga lang mga napunasan niyang table kakatawa eh.
Pumikit na muna ako at saka sinubsob ang mukha ko sa unan.
'Magna-nap na muna ako.'
Inaantok na sana ako ng may kumalabit sa akin kaya napaangat ako ng konti para tignan kung sino yun, si Exszel lang pala.

BINABASA MO ANG
Dreaming of You (Slow Update)
FantasyThis story is inspired by a K-drama. A teenage girl who is dreaming about the future. Wanna know the title of the K-drama? Read the Author's Note/Theory^_^ If you like the genre and plot of the story, just proceed reading the next chapters and wait...