Zyrine's Pov
'Gosh!'
Bigla akong napabangon mula sa pagtulog ng dahil sa napanaginipan ko, Agad kong kinuha ang diary ko sa drawer at saka sinulat ang nakita ko.
January 17, 2017
Dear Diary,
Today, may napanaginipan nanaman ako. Pero sana hindi ito magkatotoo kagaya ng mga huli kong panaginip these days. I saw myself on a fine dining restaurant, I am sitting infront of a unknown man. Hindi ko alam but I'm smiling to him, I look so happy pero hindi ko pa din yun gusto. Dahil sa tingin ko may something kami nung lalaking yun! And I don't like it! The guy has no face in my dream so it's kinda' creepy. Naisip ko nga na baka mai-inlove ako sa patay kaya ganon and IT'S A BIG NO! Ayos ng maging matandang dalaga kaysa magpakasal sa patay grrr! This is now my 14th dream for this year.
The Dreamer,
ZyrineItinago ko na ulit sa drawer ang diary ko pagkatapos kong isulat ang panaginip ko, I stretched my arms to feel a relief at saka ko kinuha ang eyeglasses ko sa nightstand. Sinuot ko ang slippers ko at saka naglakad palabas.
Nakita ko si mama na naghuhugas ng plato kaya naman lumapit ako papunta sa kanya at niyakap siya mula sa likod.
"Oh Zyrine? Gising ka na pala. Ayan at may pagkain na dyan, kumain ka na muna bago pumasok." sabi sakin ni mama, Nag-nod naman ako at saka pinatong ang baba ko sa balikat ni mama.
"Mama.." tawag ko sa kanya na parang bata. Nilingon naman ako saglit ni mama.
"May problema ba? May napanaginipan ka nanaman ba?" tanong niya sakin. Nag-nod nanaman ako ng parang bata sa kanya. Umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya ng maglakad siya papunta sa table at umupo. Umupo na din ako sa table at saka sinimulang kumuha ng pagkain.
"Anong napanaginipan mo ngayon?" nakangiting tanong sakin ni mama. Tumingin ako sa kanya ng nakasimangot pero tinawanan niya lang ako.
"Eh kasi mama, nakita ko sa panaginip ko, nasa isang mamahaling restaurant daw ako tapos may kasama akong lalaki, mukha kaming nagdadate tapos ang saya saya ko din doon eh wala namang mukha yung lalaki!" inis na kwento ko kay mama. Tumawa naman siya at saka hinaplos ang buhok ko.
"Dalaga ka na kasi anak, mukhang malapit mo ng mahanap ang taong para sayo.." sabi ni mama habang nakangiti ng nakakaasar at hinahaplos ang buhok ko.
"Mama naman eh!" nakangusong sita ko kay mama pero tumawa lang ulit siya.
Nang matapos kaming kumain ni mama ay naligo na kaagad ako, hindi na kasi ako pinatulong ni mama maghugas ng pinggan dahil baka daw ma-late na ako kaya naman dumiretso na ako sa pagligo.
Naglalakad na ako palabas ng banyo habang kinukuskos pa ang buhok ko ng twalya para matuyo. Agad akong pumunta sa drawer at saka kinuha yung suklay ko at sinimulan ng magsuklay.
Napatingin ako sa loob ng drawer ko, meron kasing nakalagay na bb cream kaya naman kinuha ko yun at tinignan.
"Bakit may ganto ako eh hindi naman ako nagamit ng ganto?" tanong ko sa sarili ko. Nagkibit-balikat nalang ako at akmang ibabalik na yun sa drawer ko ng mapansin ko ang sulat sa loob ng drawer. Kulay dilaw na memo. Agad ko namang kinuha yun para basahin.
Zyrine,
Ibinili nga pala kita ng bb cream dahil dalaga ka na, kailangan mo ng maglagay niyan. At saka nagmamantika lagi ang mukha mo kaya kailangan mo yan. Gamitin mo ha? Lablots! Mwah!
BINABASA MO ANG
Dreaming of You (Slow Update)
FantasyThis story is inspired by a K-drama. A teenage girl who is dreaming about the future. Wanna know the title of the K-drama? Read the Author's Note/Theory^_^ If you like the genre and plot of the story, just proceed reading the next chapters and wait...