Zyrine's Pov
Nang mag-dilim na ay agad na kaming umuwi ni Exszel. This time doon ulit kami sumakay sa may mismong pick up kasi mas masarap daw ang hangin mula dito dahil gabi.
Di din nag-tagal ay nakarating na kami sa bahay namin kaya nakangiti akong bumaba ng pick up nila.
"Salamat Exszel!" masiglang sabi ko sa kanya. Bumungisngis nanaman siya ng mala-budoy.
"Hehe! Walang anuman Maine! Basta ikaw. " sabi niya at saka kumindat sa akin, napangiwi naman ako dahil mukha siyang nakagat ng ipis sa kindat niya.
"Oh sige, gusto mo pa ba pumasok?" yaya ko habang hawak ang bike ko. Agad naman siyang umiling.
"Ayos lang ako! Saka gabi na, baka hinahanap na din ako sa bahay." nakangiting sabi niya. Kinurot ko naman siya sa pinsgi dahilan para mamula siya. Dahil siguro sa kurot ko.
"Oh siya sige na! Alis na! Bye bye!" sabi ko habang tinutulak siya at saka kumaway, ngumuso naman siya at saka kumaway na din pabalik. Agad na siyang sumakay ng kotse pero binaba niya pa yung bintana at saka muling kumaway. Kumaway nalang ulit ako habang natatawa at iiling-iling.
'Isip bata talaga hays.'
Medyo madilim na kaya naman pumasok na kaagad ako sa loob, naabutan ko naman si mama na nagliligpit na ng mga plato at nagpupunas ng lamesa. Tumulong naman agad ako sa kanya at nakipunas na din.
Sandali pa kaming nagkwentuhan ni mama habang naglilinis. Sinabi din daw sa kanya nung driver nila Exszel na magkasama kami kaya hindi niya na ako hinanap.
Exszel's Pov
Pagkataas ko ng bintana ay agad kong hinawakan ang magkabila kong pisngi at saka ngumiti.
'Hehe. Kinurot niya pisngi ko!'
Tuwang-tuwa talaga ako sa mga nangyayari ngayon kaya feeling ko hindi na mawawala yung ngiti ko.
Dahil sa sobrang saya ko bigla akong dumamba kay Kuya Gino. Yung driver ko.
Bigla naman siyang napa-preno dahil sa biglaan kong pag-damba, parang gulat na gulat siya.
Hinihingal siyang tumingin sa akin pero nginitian ko lang siya ng soooobrang lapad.
"Hehe, kuya Gino! Hehe kinikilig po ba ako?!" masayang tanong ko at saka tinignan sa salamin dito sa harap yung mga pisngi ko. Ang pula pula nila!
'Nako! Ano ba kasing klase ng kurot ang ginawa mo sa pisngi ko Maine? at pati labi ko nabanat kaya hindi ako makasimangot ngayon!'
Narinig kong tumawa si kuya Gino kaya napatingin ako sa kanya habang nakanguso at nakakunot ang ulo.
"Hay nako Exszel! Ang kulit kulit mo talaga--" he was about to pinch my cheek ng bigla kong hampasin yung kamay niya.
"Wag kuya Gino! May kurot na yan ni Maine, kaya wag mong hawakan! Di nga ako maghihilamos mamaya eh." sabi ko habang nakanguso. Tumawa naman siya at umiling-iling. Di din nagtagal ay pinaandar niya na ulit yung kotse.
'Sheeks! Ang ganda talaga ni Maine kanina!'
Napangiti nanaman ako ng dahil sa naisip ko. Binaba ko yung salamin dito sa may passenger's seat at saka hinawakan yung pisngi ko na may kurot ni Maine.
"Hehe.." sabi ko habang hinihimas yung pisngi ko. Napailing nalang ako at saka nag-tanong kay kuya Gino.
"Kuya, sa tingin mo.. Crush ako ni Maine no? Hehehe." sabi ko habang nakangiti ng malapad, napatingin naman siya sa akin saglit at saka sa daan.
![](https://img.wattpad.com/cover/144912368-288-k841759.jpg)
BINABASA MO ANG
Dreaming of You (Slow Update)
FantasiThis story is inspired by a K-drama. A teenage girl who is dreaming about the future. Wanna know the title of the K-drama? Read the Author's Note/Theory^_^ If you like the genre and plot of the story, just proceed reading the next chapters and wait...