Chapter 12

18 3 0
                                    

Zyrine's Pov

'Anong nangyayari?'

Yan pa din ang tanong sa isip ko ngayon ng dahil sa nakikita ko. Madilim ang paligid dahil tinakpan nila ang bawat liwanag sa bintana at pintuan. May mga christmas light lang na kulay orange na may pagka-yellow ang nagbibigay ng liwanag sa buong classroom. May instrumental music pang nagpeplay. Para lang ding mga estatwa ang mga kaklase ko. Nakatigil lang sila at hindi kumikilos. Bawat isa sa kanila ay may hawak na papel.

Napatingin naman ako sa may blackboard at nakita kong may mga pictures na nakidikit doon habang napapalibutan ito ng mga christmas lights na yellow. Naramdaman kong nagsimula ng tumulo ang mga luha ko sa mata ng dahil sa nakita ko. Picture namin 'to, pictures namin 'to ni Exszel. Iba't iba ang kumuha nito. Meron pang picture noong nanonood kami ng sunset, meron ding picture noong recognition namin.

Mas lalo akong napaiyak ng makita ko yung mga drawing na hawak ng ilan sa mga kaklase ko. Nakatigil pa din sila pero hawak-hawak nila sa kamay nila yung mga drawings na may label sa ibaba. Inayos ko na muna ang suot kong salamin para mabasa ko ito ng maayos.

Dahan-dahan akong lumapit sa unang drawing na hawak ng kaklase ko. Animated na drawing ito kung saan may batang babae na nakaupo sa ilalim  ng puno habang yung lalake naman ay nakatayo lang sa tabi niya habang may inaabot na panyo. Mukhang ito yung puno sa may plaza sa amin.

Habang nangingilid pa ang luha ko sa mata ay tinignan ko ang sulat na nakalagay sa baba, sulat 'to ni Exszel.

January 20, 2010

Ito yung araw kung saan tayo unang nagkita. Fiesta sa inyo noong araw na yan at nakita kitang umiiyak sa ilalim ng puno sa may plaza. Tinanong kita kung bakit pero hindi ka sumagot sakin kasi iyak ka pa din ng iyak. Nakatayo lang ako sa tabi mo habang inooffer ko sayo yung panyo ko pero di mo pa din tinatanggap kasi nga busy ka pa sa pag-iyak haha. Di rin nagtagal, sinabi mo na sakin yung dahilan. Sinabi mo sakin na namatay yung bestfriend mo. Nalungkot din ako para sayo nun kaya dinamayan kita. At doon na nagsimula ang pagiging close natin sa isa't isa.

Ramdam kong naiiyak nanaman ako dahil sa nabasa ko. Naiiyak ako sa sobrang effort na binigay sakin ni Exszel.

Pagkatapos kong basahin yun ay pumunta naman ako doon sa pangalawang drawing. Nakita ko naman dito ang isang batang babae na angkas-angkas sa bike yung batang lalake. Bale dalawa ang nasa drawing na 'to, Ang una ay magkaangkas lang sila habang nasa may kabilang gilid naman ay sumemplang na sila malapit sa kanal. Mahina akong napatawa ng maalala ko ang eksena 'to. Tinignan ko naman ang ibaba para basahin ang nakasulat.

June 7, 2010

Ito yung unang araw na inangkas mo ko sa bike. Ito rin yung unang araw na nagkasugat ako sa tuhod ng dahil sa pagkasemplang natin sa bike. Iyak ako ng iyak nung araw yan pero ikaw binatukan mo pa at sabi ko "kung hindi ka kasi naglikot, edi sana wala kang sugat ngayon sa tuhod." Natatawa ako sa tuwing naaalala ko yung araw na yun kasi ang bata-bata mo pa, napakasadista mo na.

Mahina din akong natawa ng maalala ko nga ang sinabi ko noon. Mas lalo pa ngang napaiyak si Exszel nun ng dahil sa pagkakabatok ko sa kanya.

Napailing-iling na lang ako at saka ako dumiretso sa pangatlo. Ang nasa drawing naman ay isang batang babae at batang lalake na kumakain ng donut sa labas ng mall. Bigla akong napatawa ng maalala ko itong pangyayari na 'to.

August 7, 2010

Ito yung araw kung saan unang beses tayong nag-cutting classes. Takot na takot pa ako nun kasi baka mapagalitan ako nila eomma at appa pero ikaw tinawanan mo lang ako at sinabi mong ikaw ang bahala sa akin, pero hindi mo naman tinupad kasi pinagalitan ka din. Yan yung araw na binully ako sa school tapos pinagtanggol mo ako. Nakipagsuntukan ka sa kanila nun kahit na ang bata-bata mo pa tapos babae ka pa. Gusto ko ng donut nung araw na yan pero walang donut na tinitinda sa school pati na din sa gilid ng school kaya inaya mo akong pumunta sa mall. Nung una ay di pa ako pumayag pero sa huli ay napapayag mo din ako. Pagkarating natin sa mall ay hindi agad tayo pinapasok ng guard kasi oras daw ng klase at baka nagcutting lang tayo dahil wala tayong kasama na mas matanda sa atin. Pero gumawa ka ng paraan. Nakisabay tayo sa pagpasok ng mga tao sa mall kaya hindi agad tayo napansin ng guard. Pagkapasok natin at bumili na kaagad tayo ng donut gamit ang mga natitirang baon natin. Nahuli tayo nila manong guard kaya pinalabas kaagad tayo sa mall. Badtrip na badtrip ka pa nun dahil sa ginawa niya pero no choice pa din tayo kung hindi, kumain sa labas ng mall.

Dreaming of You (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon