Chapter 8

9 3 0
                                    

Exszel's Pov

Kasalukuyan akong nandito sa may kwarto ko at pagulong-gulong. Nakokonsensya na kasi ako eh! Si Maine naman kasi, nasaktan kaya feelings ko.

1pm na pero hindi pa ako kumakain ng lunch, wala kasi akong gana dahil nga magkaaway kami Maine.

Nagugutom na ako pero nag-promise ako sa sarili ko na, hindi ako kakain hangga't hindi kami magkabati ni Maine. Pero paano kapag bukas pa kami magkabati? Edi bukas din ako kakain? Huhu.

Naupo na muna ako at saka kinuha ko nalang yung cellphone ko para icheck kung may message ba ang Maine KO.

Sa totoo lang, kinilig ako kagabi nung sinabi niyang "Si Maine mo 'to." Pero syempre, nagkunwari muna akong galit talaga ako sa kanya kaya sabi ko "Wala akong Maine, hindi siya sakin." Pero, medyo kinabahan ako doon kasi baka mas lalo siyang magalit kapag sinabi ko yun.

Nang dahil sa away namin kahapon, dinelete ko talaga ang number niya kasi I'm so hurt talaga kahapon. Ngayon naman, medyo nabawas-bawasan na kaya binalik ko na yung number ni Maine sa phonebook ko hehe.

Nakita kong walang messages galing sa Maine KO, kaya naman napasimangot ako.

'Hindi niya siguro ako miss? Hays.'

Pabagsak akong nahiga kaya naman nauntog pa ako sa may headboard ng kama ko.

"Ouch!" daing ko. Nakakainis naman, masakit na nga ang damdamin ko, masakit pa ang ulo ko. Tsk.

Dahan-dahan nalang akong nahiga at saka nagtalukbong ng kumot.

'Miss na miss ko na si Maine!'

Nalulungkot talaga ako ngayon. Feeling ko nawalan ako ng kapatid. Pero di ba, bawal magka-crush sa kapatid? Edi bestfriend nalang, para pwedeng icrush hehe. May secret akong sasabihin sa inyo, pero atin-atin lang ah? Kahit kay Maine hindi ko 'to sinabi.

Crush ko kasi si Maine eh hihi. Shh lang kayo ah? Hindi pa kasi ako ready mag-confess. Nahihiya ako at saka natatakot sa magiging reaksyon niya. Sa totoo lang, fetus palang ako, crush ko na si Maine. Syempre joke lang, hindi ko pa nga siya kilala nun eh. Pero angels palang kami, crush ko na siya. Alam niyo kung paano ko nalaman? Wala hula ko lang hehe.

Sabi ni mommy, ang baby bago daw ipanganak ay angel muna sila sa heaven. Tapos kapag gusto na nila mommy magkababy tapos gumawa na sila, pipili si Lord sa mga angels na ipapadala niya para maging baby. Once na ipadala ka daw ni Lord sa earth para maging anak ng mag asawa, automatic na may misyon ka na sa earth. Kaya hanggang ngayon, iniisip ko kung ano ang misyon ko dito at pinili ako ni Lord.

Tama na muna ang kwento, dahil talagang nagugutom na ako. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at saka ko kinuha ang cellphone ko sa may nightstand. Habang nakain nalang siguro ako makikipag bati kay Maine.

Pagdating ko sa kusina ay nakita ako ni Nanay kaya naman bigla siyang napangiti.

"Hindi mo natiis ang gutom ano?" may halong pang-aasar na sabi ni nanay. Napanguso naman ako at saka tumango.

Tumawa nalang si nanay at saka nagsimulang maghanda ng pagkain ko. Naupo na muna ako sa may harap ng lamesa at saka nagpangalumbaba.

Maya-maya lang din ay naayos na lahat ni nanay kaya naman nagpasalamat na ako. Mag-isa nalang ako ngayon dito sa kusina kaya tinawagan ko na si Maine, pangalawang beses palang namin ngayon na mag-uusap through phone kaya medyo kinakabahan ako.

[Ringing..]

[E-exszel?]

Umiiyak ba si Maine KO? Hala, baka ako may kasalanan kaya siya umiyak.

Dreaming of You (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon