Chapter 16

9 0 0
                                    

[Flashback]

Ryz's Pov

Maraming taon na ang lumipas simula ng makilala ko si Kreis. Natupad yung pangarap naming dalawa na maging magkaklase kami. Sa buong elementary life ko, kaklase ko siya. Lagi pa kaming nasa honor, top 1 siya at top 2 ako.

Ngayong araw na ang graduation namin kaya nandito ako sa parlor dahil inaayusan ako. Salutatorian kasi ako habang valedictorian naman sj Kreis.

"Ang ganda ganda naman ng anak ko, ang tali-talino pa." biro sakin ni mama habang nakatingin sakin mula sa salamin, inaayos na kasi ang buhok ko.

"Syempre naman mama, Alzalde ata ako haha!" biro ko pabalik, tumawa naman si mama.

"Bagay na bagay talaga kayo ni Kreis, sana kayo ang magkatuluyan sa huli ano?" asar pa sakin ni mama, agad naman akong bumusangot sa kanya.

"Mama naman! Ayoko nga dun kay Kreis 'no. Kilala mo naman crush ko eh, si Tantan pa din ang crush ko ano." sagot ko kay mama at saka ngumiti ng banggitin ko ang pangalan ni Tantan my loves.

"Si Tantan? Eh hindi ka naman crush nun eh, kaibigan lang tingin nun sayo." pang-aasar ulit sakin ni mama, napabusangot naman tuloy ako.

"Alam ko naman po yun.." nakasimangot na sagot ko kay mama.

"At saka ayaw ni Kreis kay Tantan para sayo, natatandaan mo ba nung dati na naging magkagroup kayo ni Tantan sa isang project tapos pumunta siya sa bahay? Hindi ba't agad na pumunta si Kreis sa bahay natin para bantayan kayong dalawa. Ayaw niya daw kasi ng may kahati kaya ayaw niyang maagaw ka hahaha!" kwento pa ulit sakin ni mama tungkol dun sa nangyari dati nung grade 5 ako.

"Ang epal nga po ni Kreis nun eh! Mas nauna ko kaya naging friend si Tantan kesa sa kanya tapos ang lakas ng loob niyang ipagdamot ako kay Tantan." sagot ko at saka nag-crossed arms habang nakanguso. Tumawa naman si mama sa akin.

"Crush ka nga kasi ni Kreis hahaha!" biro nanaman ni mama kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mama naman kasi, hindi nga po!" reklamo ko kay mama, tinawanan niya lang naman ulit ako kaya buong oras na inayusan ako ay nakasimangot lang ako.

[End of Flashback]

"Ayaw mo talaga sa akin noon, Maine? Hahaha." tatawa-tawang tanong sa akin ni Exszel, sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Oo, loyal kasi talaga ako kay Tantan noon." pagmamalaki ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin.

"Noon na yun, hindi na ngayon. Sorry Maine, pero patay na siya haha!" biro niya sa akin pero hindi ako natuwa. Nag-peke nalang ako ng ngiti sa kanya.

"Yeah, patay na nga siya. Patay na yung Tantan na naging bestfriend ko din." mapait kong sabi at saka tumingala sa langit, narinig ko namang natahimik si Exszel hanggang sa maramdaman ko nalang na niyayakap niya na pala ako.

"I'm sorry, I'm being too insensitive. Sorry dahil ginawa ko yun na joke." paghihingi niya sa akin ng tawad, bahagya lang naman ako na ngumiti.

"Okay lang, totoo naman. Wala na siya, patay na siya." sagot ko sa kanya at saka malalim na bumuntong hininga. It was a tiring day.

Tumingin ako sa relo ko at nakita kong 11:30 na ng gabi. Tumingin ako kay Exszel na ngayon ay nakatingala nalang din sa langit.

Dreaming of You (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon