Zyrine's Pov
Nang matapos ang habulan namin ni Exszel ay pareho kaming naghahabol ng hininga dahil sa pagod.
Nagkatinginan kami ni Exszel at saka nagtawanan. Nang medyo naka-recover na ako ay akmang hahabulin ko na ulit siya pero bigla ng tumunog ang bell, ibig sabihin time na namin.
*RIIIIIIIING*
Sabay pa kaming nagtinginan ulit at nagtanguan ni Exszel at saka nagpaunahan sa pagtakbo papunta ng room. Wala na kaming pake sa mga nababangga namin habang natakbo.
"Ay! Ano ba yung itong mga batang 'to!"
"Oy pre! Chill! Masyadong nagmamadali eh!"
"Baka taeng-tae na."
"HAHAHA!"
Bulungan ng nasa paligid namin ni Exszel pero di namin sila pinagtuunan ng pansin hanggang sa makarating kaming dalawa sa may floor namin. Saglit kaming tumigil at nagtinginan at saka dali-daling tumakbo nauuna ako sa kanya kaya mas binilisan ko pa ang takbo papunta sa pintuan ng room namin at saka malakas na binuksan yun na nag-resulta ng malakas na kalabog pero di pa ako natauhan dahil tumakbo pa ako papunta sa upuan ko. Agad namang nakasunod si Exszel at naupo sa may likuran ko.
Pareho kaming habol hininga at saka tumawa dahil sa pinag-gagagawa namin.
"MS. ALZALDE AND MR. MINERVA!" buong lakas na sigaw ng teacher namin. Halos napapikit ako dahil sa tinis at lakas ng boses niya. Music teacher pa man din namin 'to!
"Y-yes ma'am?" sabay na sagot namin ni Exszel, nang dahil doon ay nagkatinginan kami kasabay ng pag ugong ng asaran.
"Aww! Yiee!"
"🎶When I see you're face..🎶"
"Naks naman oh! Tambalang ZelRine!"
"SILENCEEE!" sigaw nanaman ng teacher namin kaya napatigil sila.
'Buti nga. Kaiingay eh! Patanggal ko kaya braces ni Exszel tas ngudngod ko sa bibig nila! Tss. Kung ano ano lumalabas sa bibig.'
"Ano Ms. Alzalde and Mr. Minerva!? Anong problema niyo at nagtatatakbo kayo papunta dito?!" sigaw sa amin ng teacher, pareho naman kaming napayuko Exszel at saka ako sumagot.
"Uhm, naghahabulan lang po kami ma'am." nakatungong sagot ko kasabay ng malakas na tawanan. Mas lalo tuloy akong napatungo kainis!
"Bakit naman kayo naghahabulan? Ha!? Ano tingin niyo sa sarili niyo, bata?!" sigaw nanaman sa amin, akmang sasagot na ulit ako pero sumigaw ulit si ma'am.
"Both of you, GET OUT OF MY SIGHT!" sigaw niya habang tinuturo pa kaming dalawa ni Exszel, napapikit nanaman ako sa tinis ng boses niya.
'Pikit ka ma'am, mawawala kami tss.'
Nagkatinginan pa kami ni Exszel dahil hindi namin alam kung sino sa amin ang mauuna.
"NOOOOOOOOOWWWWW!" sobrang lakas na sigaw na niya! Kaya dali-dali akong napatayo at napaharap sa kanya.
"What the fuck? May speaker ka ba'ng nalunok ma'am!?" luh shet! Nasabi ko yung nasa isip ko! Nako!
Bago pa ulit makasigaw si ma'am ay dali-dali na ulit kaming tumakbo ni Exszel palabas ng room.
Pareho kaming naghahabol ng hininga at saka naupo sa isang plant box sa gilid.
'Waaa kapagod!'
BINABASA MO ANG
Dreaming of You (Slow Update)
FantezieThis story is inspired by a K-drama. A teenage girl who is dreaming about the future. Wanna know the title of the K-drama? Read the Author's Note/Theory^_^ If you like the genre and plot of the story, just proceed reading the next chapters and wait...