Zyrine's Pov
It's 8 o' clock in the morning ng may maramdaman akong tumutusok sa pisngi ko. Kahit na inaantok ay unti-unti ko pa ding binuksan ang mga mata ko para makita kung sino yun.
Pagmulat ko ay bumungad sakin ang maamo at inosenteng mukha ni Exszel habang nakanguso pa at tinutusok tusok ang pisngi ko. Ngayon niya lang yata napansin na gising na ko kaya bigla siyang ngumiti at niyakap kaagad ako ng mahigpit.
"Happy Birthday, Maine! I love you!" he greeted gracefully. Medyo nagulat pa ko dahil ngayon ko lang narealize na birthday ko na nga pala.
Humiwalay siya sakin sa pagkakayakap kaya naman bumangon na muna ako. Todo ang ngiti niya sakin kaya naman nahawa din tuloy ako at napangiti na din.
"You're now 18, Maine! Adult ka na." masiglang sabi sakin ni Exszel. Natawa naman ako dahil tama siya. Nakakaloko lang isipin na nakalimutan ko ang sarili kong birthday.
"Yeah, 18 na nga ko. So it's my debut. " I said at saka malungkot na ngumiti sa kanya.
Hindi sa nagtatampo ako kay mama dahil naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin na hindi ako magkakaroon ng engrandeng party ngayon dahil kapos nga kami sa pera. Masyado kaming maraming gastos para maghanda pa ng isang party. Pero syempre, hindi ko pa rin naman maiwasang hindi malungkot dahil isa iyon sa mga pinangarap ko noong bata pa ako.
Nang mapansin ni Exszel ang malungkot kong ngiti ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Wag ka ng malungkot, akong bahala sayo. Papasayahin kita ngayon, Maine." sabi niya sakin at saka ako niyakap na parang bata. Napatawa naman ako sa inakto niya.
"Akala ko bumalik na si Kreis, si Exszel isip bata pa rin pala 'to hahaha." biro ko, nakasimangot naman siyang humarap sa akin.
"Ayaw mo ba ng ganito ako?" nakangusong tanong niya sakin. Ngumiti naman ako at saka ginulo ang buhok niya.
"Kahit na ano ka pa, ikaw pa din ang Exszel Kreisler Minerva na minahal ko." nakangiting sabi ko, ngumiti din naman siya sakin pabalik.
"I know right." mayabang pang sagot niya sakin kaya napatawa na lamang ako.
Ilang saglit pa kaming nag-usap at saka ako nag-pasyang umuwi muna para maligo at magbihis. Pagkauwi ko sa bahay ay busyng-busy si mama sa mini restaurant namin kaya ni hindi niya manlang ako nagawang batiin at kausapin ng matagal. She just smiled at me.
Malungkot akong naglakad papunta sa kwarto at saka nahiga sa kama ko. Ginalaw galaw ko ang braso at paa ko habang nakahiga. Namiss ko ang kama ko.
"Ang tanda ko na pala, hahaha." wala sa sariling sabi ko. Tumagilid ako at saka pinagmasdan ang dingding ko na puno ng mga sticky notes. Bumangon ako at saka ko tinignan ang mga naka sulat doon.
Napangiti ako ng mabasa ko ang mga nakalagay doon. Puro iyon reminder para sa gala namin ni Exszel. Meron din akong sinulat na mga quote na pampa-cheer up sakin kung sakali mang malungkot ako.
Napailing nalang ako at saka ko kinuha sa drawer ko ang notebook ko na kung saan nakasulat ang lahat ng mga napapanaginipan ko.
Binasa ko ang lahat ng iyon. Nasa kalahati na rin pala ang nasusulatan ko at halos kalahati na rin doon ang nagkatotoo. Habang nagtitimgin tingin ako ng sinulat ko ay may isang page na nakapukaw sa atensyon ko.
May 3, 2012
Dear Diary,
Oo, ngayon nga ay dalawang taon ng wala si Tantan. Wala na ang best friend at first crush ko. At ngayon ay may napanaginipan ako tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong paniwalaan pero ang nasa panaginip ko ay nakaupo ako sa may seaside at kasalukuyan daw akong nanonood ng sunset mag-isa ng may biglang tumabi sa akin. Ang lungkot lungkot ko sa panaginip kong iyon. Umiiyak ako habang nakatingin sa sunset hanggang sa magsalita ang lalaking iyon. "Hanggang sa pagbalik ko, umiiyak ka pa rin?" biro niya sakin habang nakatingin din sa sunset. Hindi ko alam pero ng lumingon ako sa kanya ay nakatingin na din siya sakin at sinabing, "I'm back."
BINABASA MO ANG
Dreaming of You (Slow Update)
FantasyThis story is inspired by a K-drama. A teenage girl who is dreaming about the future. Wanna know the title of the K-drama? Read the Author's Note/Theory^_^ If you like the genre and plot of the story, just proceed reading the next chapters and wait...