Chapter 15

8 1 0
                                    

Zyrine's Pov

Malalim na ang gabi ngayon. I think, 9 pm na pero nandito pa din kami sa may garden ni Exszel. Umuwi na kanina yung mommy at daddy ni Exszel dahil nag-excuse lang daw sila saglit sa trabaho. Gustuhin man daw nilang mag-stay pero sobrang busy daw talaga. Naintindihan naman yun ni Exszel kaya ayos lang sa kanya, bukas nalang kami mag-uusap usap.

Hila-hila ko ang wheel chair niya habang nilibot namin itong lugar. Hindi naman napilay si Exszel o ano, nag-iinarte lang talaga 'tong lalaking 'to.

Tumigil na muna ako sa may tapat ng isang bench saka naupo dun. Si Exszel naman ay tinabi ko lang sa gilid ko.

"Ba't ka pa kasi nag wheel chair, pinapahirapan mo pa ko." reklamo ko sa kanya at saka nagpunas ng noo. Tumawa naman siya.

"Kulang pa nga yan sa sakit na binigay mo sakin noon eh." tumatawang sagot niya sakin, natahimik naman ako bigla at saka tumingin sa kanya. Mapakla akong napangiti.

"Yeah, kulang pa nga." sabi ko sa kanya at saka napatungo, agad naman siyang naalarma at saka tumayo papunta sa tabi ko.

"Huy, joke lang yun. Hindi mo kailangang pagbayaran yung ginawa mo." pag-amo niya pa sakin pero hindi ko pinansin yun. Tumingin ako sa kanya at saka nagtanong.

"Hindi ka ba talaga galit sakin dahil sa ginawa ko?" tanong ko sa kanya, mabilis naman siyang umiling saka ako niyakap.

"Kahit ano pang gawin mo sakin na masasakit, hinding hindi ako magagalit sayo. Ganyan kita kamahal, Maine." sagot niya naman sakin at saka niya hinalikan ang ulo ko. Napapikit naman ako dahil sa kakaibang sensasyon na nadama ko.

Umalis na siya sa pagkakayakap sakin at saka umayos ng upo. Tinuon niya ang mga braso niya sa upuan at saka siya tumingin sakin.

"So, pwede mo na bang ikwento sakin yung nangyari dati?" nakangiting tanong niya, bumuntong hininga naman ako at saka tumango.

[Flashback]

Ryz's Pov

Nandito ako ngayon sa may likod ng bahay namin at naglalaro ng bahay-bahayan gamit ang barbie doll ko. Hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap. Sakto lang.

Binibihisan ko yung barbie ko habang kunwaring kinakausap ang isa ko pang barbie.

"Hey, Ashley! Bilisan mo na diyan magbihis, we're going to party-party na." sabi ko at saka pinalakad ang barbie doll kong si Hannah papalapit sa isa ko pang barbie na si Ashley.

Patuloy lang ako sa paglalaro hanggang sa mabored ako sa paglalaro ng barbie. Napanguso ako at saka nag-isip ng mga laro na pwede ko pang laruin.

Tinaas ko ang hintuturo ko ng may maisip na akong lalaruin at saka tumayo para kuhanin ang luto-lutuan ko sa loob ng kwarto namin nila mama.

Pagbalik ko ay inayos ko na kaagad ito at saka ako muling tumayo para kumuha ng mga dahon at bulaklak sa may gate namin. Pagpunta ko doon ay agad na akong namitas ng mga gagamitin ko ng may marinig akong ingay.

"Shoo! Hmm, broom broom! Hmm." agad hinanap ng paningin ko yung naririnig ko at nakita ko yung anak ng bagong kapit bahay namin. Agad akong lumapit sa may gate at saka tumuntong sa may gilid na bato at dumungaw pa lalo para mas makita ko siya.

"Psst!" pagtawag ko sa kanya pero patuloy pa din siya sa paglalaro ng laruan niyang kotse.

"Psst! Huy bata, psst!" tawag ko pa ulit, lumingon na naman siya sakin at saka tinuro yung sarili niya.

Dreaming of You (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon