Zyrine's Pov
Natapos ang morning class namin ng ganon-ganon nalang. Or let's say na, Boring class. Sunod-sunod na boring subjects ba naman? Hays.
Nag-dismissed na kami para mag-lunch, di ko alam sa school na 'to kung bakit walang morning recess. Mag re-recess sila, 10 minutes or 15 minutes. Hay nagpa-recess pa!
Lumabas na kaagad ako ng classroom dala-dala ang favorite kong wattpad book.
Nagsimula na akong maglakad papunta ng canteen ng may tumawag sa pangalan ko.
"Maine!" ay pota! Nakalimutan ko to'ng bugok na 'to!
Agad naman akong lumingon sa kanya at saka naglakad.
"Iniwan mo nanaman ako!" sabi niya habang nakayuko at naghahabol ng hininga.
"Eh malay ko ba! Di mo naman kasi ako kinausap kanina kaya akala ko absent ka!" iritang sabi ko sa kanya.
"Eh kasi naman eh.." sabi niya habang nagkakamot ng ulo sabay tingin sa kuko niya kung may kumapit na dandruff at saka ngumuso.
'Dugyutin talaga 'to!'
"Oh siya siya! Tara na! Nagkamot ka pa diyan, nakakawala ka ng gana eh!" sabi ko at saka nanguna maglakad, sumunod naman kaagad siya.
By the way, siya nga pala si Exszel Kreisler Minerva, na mukhang egg cell. Siya lang ang kaibigan ko dito sa school na 'to. He is my boy bestfriend/childhood friend, pero hanggang doon nalang yun! Wala kami sa isang wattpad story na magkakatuluyan dahil sa tagal ng pagsasama. At saka never akong maiinlove dito 'no!? Ka-dugyut dugyot! Zel talaga ang tawag sa kanya dito pero dahil nga mag bff kami nito, nag-decide kami na tawagin ang isa't isa sa nickname na ayaw namin, tawag ko sa kanya ay Exszel or minsan Zel kapag nahihirapan na ako magbanggit ng nickname niya and tawag niya naman sa akin ay Maine, kagaya ng tinawag niya kanina.
"Bebs! Anong kakainin mo?" tanong niya sa akin pagdating namin sa canteen, nangunot naman ang noo ko.
"Bebs ka diyan?!" sabi ko na handa na siyang batukan pero hinarang niya agad yung palad niya at tumawa lang siya ng parang si budoy.
'Dugyot talaga!'
"Joke lang hehe. Ano nga kasing kakainin mo?" muli niyang tanong, sandali naman akong nag isip at saka nagsabi.
"Nilagang baboy nalang." sabi ko, tumango nalang naman siya at saka pumila. Ganyan ang daily routine namin, siya ang pipila para sa pagkain namin pero KKB pa din. Actually nerd itong si budoy--este si Exszel. May braces at saka may salamin siya, loner din siya minsan kapag wala ako hakhak! Sa tingin ko nga kung magtitino 'to, gwapo 'to eh. Hays.
Nasa isang public school lang kami kaya napaka crowded ng canteen at kung saan saan lang kumakain yung mga wala ng upuan, buti nalang at may table pa kaming nakita.
Maya-maya, bumalik na si Exszel sa table namin dala yung pagkain.
"Ay Zel! Nakalimutan kong ibigay sayo yung pera ko! Nako!" sabi ko at akmang dudukot na sa bulsa ko ng pera pero pinigilan niya ako.
"Hindi na Maine! Ako na nagbayad." sabi niya habang nakangiti. Napakamot nalang ako sa ulo at saka nagpasalamat.
"Ok sige, thank you!" ngumiti lang naman siya at saka inabot sa akin yung pagkain. Konting ayos pa ng table ay kumain na din kami.
Mayaman sila Exszel sa totoo lang, Doctor ang nanay niya samantalang business man naman ang tatay niya. May sarili din silang hospital pero mas pinili niyang mag-aral dito para daw makasama niya ako saka madami daw nangbubully sa kanya sa private school na pinasukan niya dati. Sabi ko sa kanya noon na may nangbubully din naman dito pero sabi niya, at least may taga-pagtanggol daw siya, At ako daw yun.

BINABASA MO ANG
Dreaming of You (Slow Update)
FantasíaThis story is inspired by a K-drama. A teenage girl who is dreaming about the future. Wanna know the title of the K-drama? Read the Author's Note/Theory^_^ If you like the genre and plot of the story, just proceed reading the next chapters and wait...