Chapter 10

13 1 0
                                    

Exszel's Pov

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang kulay puting kisame.

Napabangon ako ng wala sa oras dahil hindi pamilyar sakin yung kisame dito. Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at saka ko lang na-realize na nasa bahay pala ako nila Maine.

Kinusot-kusot ko pa yung mga mata ko dahil medyo inaantok pa ako. Nakatulog pala ako kanina, naglaro kasi kami ni Maine ng tic toc toe tapos kung sinong matalo, susundutin ang mata. Medyo masakit pa nga yung mata ko eh, ang tulis kasi ng daliri ni Maine eh! Parang baba niya. Joke.

Tumayo na muna ako at saka nag inat-inat ng katawan. Hahanapin ko na muna siguro si Maine.

Tumingin ako sa orasan dito sa sala nila at nakita kong 4 palang ng hapon.

Nagsimula na akong maglakad lakad para hanapin kung nasaan si Maine. Nakarating ako sa may bandang resto na kaya tinanong ko si tita mama kung nasaan si Maine.

"Tita, nasaan po si Maine?" tanong ko kay tita mama. Tinignan naman niya ako, nagbibilang kasi siya ng pera na kinita niya kanina.

"Ay nasa kwarto niya ata, gisingin mo nalang." sagot sakin ni tita mama, tumango naman ako at saka pumunta sa kwarto ni Maine. Halata naman kasi na kwarto ni Maine yung nakita ko dahil puro sticky notes sa pintuan at saka magkaharap lang sila ni tita mama ng kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto niya ay nilibot ko na muna ang paningin ko sa buong kwarto ni Maine. Nakita kong medyo makalat ito kaya naman naisipan ko munang maglinis habang natutulog pa si Maine.

Sinimulan ko sa pagpulot ng mga crumpled paper sa lapag. Kinuha ko yung maliit na trash can ni Maine at saka ko nilagay doon yung mga napulot kong mga papel.

Sunod ko namang kinuha yung walis at pandakot at saka ko sinimulang linisin ang buong kwarto ni Maine.

Nang matapos ako ay nag-ayos naman ako ng bookshelf niya. Inayos ko yung mga librong nakalagay dito.

Pumunta ako sa may mini nightstand niya at saka ko sinimulang ayusin ang pagkakalagay ng lamp shade at kung ano ano pang picture frame niya. Habang nagaayos ako ay binuksan ko ang drawer ng nightstand para sana tignan kung may basahan dahil medyo maalikabok. Pero sa halip na basahan ang makita ko, nakakita ako ng isang picture frame na nakataob. Nacurious ako kaya kinuha ko ito at saka tinignan.

Bigla akong natigilan ng dahil sa hawak kong picture ngayon. Napatitig pa ako ng ilang minuto dito.

"Exszel? Ikaw ba yan?" bigla kong nabitawan yung hawak kong frame dahil sa pagkagulat kay Maine kaya naman nabasag ito.

"Hala!" sabi ko at saka yumuko para pulutin yung mga bubog.

"Huy ano ba yan? Wag mo ng pulutin, baka mabubog ka!" pagsasaway sakin ni Maine pero hindi ko siya pinakinggan at saka nagpatuloy sa pagpulot.

"Aray!" daing ko dahil natusok ako ng bubog. Agad namang tumayo si Maine at saka lumapit sa akin.

"Uy, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya sakin habang tinitignan ang daliri ko na natusok.

Hinila ko pabalik yung kamay ko dahil hawak niya ito. Nakita ko siyang nagtaka sa iniasta ko kaya bago pa siya makapag-react ay tumayo na kaagad ako at saka pumunta sa pintuan ng kwarto niya.

Iikutin ko palang sana yung door knob ng bigla niya akong hawakan sa wrist ko. Nakatalikod pa din ako sa kanya dahil ayoko siyang lingunin.

"Anong problema mo?" inis na tanong niya. Naka-poker face lang akong humarap sa kanya.

Dreaming of You (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon