Chapter 14

5 2 0
                                    

Zyrine's Pov

"Exszel? Huy, Exszel! Gumising ka nga." pagtawag ko kay Exszel habang tinatapik tapik ko ang pisngi niya. Tumayo na ako at saka siya niyugyog.

"Uy, Exszel!" pagtawag ko ulit. Hindi naman siya gumagalaw manlang kaya kinabahan na ko. Agad akong luminga linga sa paligid para tignan kung may mga tao ba na pwedeng tumulong samin.

"Tangina." nasabi ko nalang ng makita kong halos wala ng tao sa paligid namin kaya naman pilit ko nalang na binuhat si Exszel.

Ang bigat ni Exszel kaya nahirapan akong iangat siya. Nakapalda din ako ngayon kaya nahihirapan akong kumilos dahil baka masilipan ako.

At sa wakas, nabuhat ko na din si Exszel. Agad kong nilagay ang braso niya sa balikat ko at saka ko siya inakay papalabas ng school. Natanaw ko naman yung kotse nila kaya agad akong sumenyas kay kuya Gino. Buti nalang at nakita niya ako kaagad kaya dali-dali siyang bumaba ng kotse para tulungan akong buhatin 'tong si Exszel.

Nilagay ni kuya Gino sa may back seat si Exezel kaya doon na din ako sumakay. Pinatong ko ang ulo niya sa lap ko para maging maayos ang pwesto niya.

"Anong nangyari?" tanong ni Kuya Gino habang sumusulyap samin ng tingin.

"Bigla nalang po kasi siyang hinimatay kanina nung nahulog kaming dalawa." nakatungong paliwanag ko.

"Ganon ba? Sige, didiretso tayo sa hospital. Baka may naapektuhan na ugat sa ulo niya." kinakabahan na sabi ni kuya Gino. Kinakabahan naman akong tumango habang naka kagat sa labi ko.

'Wag naman sana..'

Tinignan ko ang maamong mukha ng bestfriend kong si Exszel at saka hinaplos ito.

"Gumising ka na, Zel. May mga itatanong pa ko sayo eh." mahinang pagkausap ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya.

Habang nakatitig sa mukha niya ay naramdaman kong bumabasa na ang gilid ng mata ko kaya agad ko itong pinunasan bago pa tumulo.

'Kailangan ko maging malakas para kay Exszel. Hinimatay lang siya, Zyrine. Walang ibang nangyaring masama sa kanya.'

Pilit kong kinukunsinti ang sarili ko ng hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mata ko. Agad akong napatingin kay Exszel dahil biglang gumalaw ang daliri niya.

"Ryz.." mahinang ungol ni Exszel habang nakapikit pa din ang mga mata. Agad akong naalarma kaya tinanong ko siya.

"Anong sabi mo? Exszel, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko habang niyuyugyog siya dahil baka binabangungot siya.

"Ryz, comeback.... please.." paos at umiiyak na sabi ni Exszel. Kitang kita ko ang mga luhang unti-unting pumapatak galing sa mata niya.

"Exszel.." tawag ko sa kanya na naiiyak na din.

"Zyrine, nandito na tayo sa hospital." sabi sakin ni kuya Gino habang nakatingin sa rearview mirror, tumango naman ako sa kanya at saka pinunasan ang mga luha sa mata ko.



Exszel's Pov

Masaya, yan ang magagamit kong salita sa nakikita ko ngayon dito sa paligid ko.

Puno ng bulaklak at damo ang paligid, may iilang mga puno din. Walang katao-tao maliban sakin pero ang saya-saya sa pakiramdam ng nakikita ko. Pumunta ako sa may puno sa may bandang gilid kung saan kitang kita ko ang unti-unting paglubog ng araw.

Naupo ako dun saka pinagmasdan ang maaliwalas at masayang paligid ng biglang may dumating na isang magandang babae na may napaka gandang ngiti sa kanyang mga labi.

Dreaming of You (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon