OO1

1.2K 36 13
                                        

Makalat. Madumi. Palagi namang ganun, wala namang nagbago. Sakin lang naman naiwan ang bahay na matagal ng ipinundar ng namayapa kong magulang. Sakin na din naiwan ang bank account nila pero minsan ko lang ito ginagalaw, kapag wala na akong pambili ng mga kakailanganin dahil hindi ko pa sweldo.

It's been a while since I cleaned this place up. Isang buwan na din naman akong hindi nakakapaglinis. Bukod sa nagpapart-time job ako sa isang café, waiter ako sa isang fast-food chain.

My parents left me when I was 17 years old. 23 na ako ngayon. Anim na taon na ang nakalipas mula nung namatay sila. Nabangga kami ng bus at malinaw pa sa isipan ko ang mga pangyayari.

Huling kita ko ay ang mama at papa ko na nakangiti sakin at pinapaalis na ako dahil konti nalang ay sasabog na ang kotse. Labag man sa loob ko pero umalis ako.

Hindi na rin ako tumanggap pa ng tulong mula sa ibang kamag-anak ko. Para saan pa? Ako naman ang sinisisi nilang lahat, kung bakit namatay ang magulang ko.

I get it. I'm a monster. Yun naman tingin nila sakin, why bother changing the way they see me? Makikitid ang mga utak nila, hindi naman nila alam kung ano ang totoong nangyari.

I was a happy kid. Was. Dati. Hindi na ngayon. Natutunan ko ng hindi mag-tiwala pwera nalang sa mga kaibigan ko ngayon na mas totoo pa kaysa sa mga kamag-anak ko.

Natapos na ako maglinis, nagpunta ako sa ref para kumuha ng maiinom, napansin ko naman 'yung note na nakalagay sa ref. "Ah, start na pala ng enrollment bukas."

Nakapagtabi na naman ako ng pera para dun. Nabudget ko na din ang pera na gagamitin ko para sa mga gagastusin sa loob ng dalawang buwan.

Pumunta nalang ako sa kwarto at nahiga sa kama. Ganito naman lagi ang routine ko, wag na din kayo magtanong kung sawa na ba ako.

Living alone is hard lalo na't wala na akong magulang. Others see me as an independent man, but hell. Sobrang hirap. Umiikot lang ang buhay ko sa school, pagtratrabaho at uuwi sa bahay.

Kahit na inaaya ako nila Seungcheol na kumain sa labas, gumala, o kaya ano pa man. . . hindi na ako sumasama. I know they're trying to bring back the old me pero mahirap pa para sakin. Nasanay na din kasi ako.

1 new messege

"Baka mag-aaya na naman umalis," Tiningnan ko naman kung sino ang nag-text at nung nakita ko naman na si Soonyoung pala.

From: Soonyoung

Arat pakers. Lumabas ka naman ng bahay, buong bakasyon ka na atang nandyan e. Ngayon lang! Libre ko!
2:30 p.m.

Sino-sino ba?
2:31 p.m.

Sila Cheol. Lahat. Tara na pabebe pa 'tong hanep na 'to
2:32 p.m.

Gesi. Text mo nalang kung saan.
2:33 p.m.

Shet may himala ata ngayong araw! Sige see ya hoe
2:34 p.m.

"Mapagbigyan na 'to ng matigil na." Tutal ala-una na din naman, maliligo na din ako.

Kung sabagay tama naman si Soonyoung, hindi naman ako naglalalabas ngayong bakasyon. Wala naman akong pupuntahan. Kung aalis man ako, mamimili lang at uuwi na.

Binuksan ko na ang shower at hinyaan na dumaloy ang tubig sa katawan ko. Kung pwede lang maligo ngayong araw, ginawa ko na. Masarap maligo e.

Nagbihis na ako, simple lang naman. Hindi naman party ang pupuntahan ko, hindi nga pala ako pala-punta sa ganon kaya wag na kayong magtaka kung paulit-ulit lang ang suot ko.

Butterfly's Wish | meanieWhere stories live. Discover now