"Jeonghan, may tanong ako." Nandito kami ngayon ni Jeonghan sa classroom. Ka-block ko siya kapag math. E wala pa naman 'yung prof namin.
"Ano 'yun?" Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya. Wala naman masama itanong 'yun, diba?
"May kilala ka bang Kim Mingyu?" Natigil naman siya sa ginagawa niya at tumingin sakin habang naka-kunot ang noo.
"Teka. . ." Seryoso naman siyang nag-iisip. "Wala e. Bakit mo pala natanong?" Umiling lang ako at ngumiti. Like I've said, Mingyu, it does ring a bell.
Hindi ko lang alam kung saan. Pero malakas ang kutob kong naririnig ko ang pangalang 'yon. Ayoko naman paghinalaan si Mingyu pero I just can't help it.
I tried asking Seokmin, pero minsan wrong-timing, madalas umiiwas. Ramdam ko talagang umiiwas siya. Iisipin ko na talagang may connection sila ni Mingyu e.
Hindi ko na muna inisip 'yon dahil dumating na ang professor namin. I trust Mingyu, a lot. Sobrang laki na ng tiwala ko sakanya.
You won't leave me. . . right?
----
"Seoks, mukhang naghihinala na si Wonwoo," Kabadong saad ng binata sa kaibigang si Seokmin. Kasalukuyan silang nasa labas ng school.
Vacant naman ni Seokmin at pwedeng lumabas. "Ilan na ba sa listahan ang nagagawa niyo?" Tanong naman ni Seokmin. Tila nag-aalala din para sa kaibigan niya.
"Lima na, pang-anim na 'yung gagawin namin sa list ngayon." Malungkot na sabi ni Mingyu kay Seokmin. "Sinabi ko sakanya na hindi niya kailangan ibalik sakin ang isang bagay na hindi niya magawang ibalik. Kasi kahit ibalik niya, wala din."
Si Seokmin ang nahihirapan para kay Mingyu at Wonwoo, "Halata mo na naman diba? Mahal ka na din niya, alam kong alam mo 'yan. Konting pagkakataon nalang ang meron ka, tandaan mo."
"Alam ko Seokmin. Natatakot lang ako. . . natatakot ako na baka ako ang maging dahilan kung bakit hindi na naman magtitiwala si Wonwoo. I can see it, I can see the trust he have for me just by looking at his eyes," Naluluhang sambit niya sa kaibigan na walang magawa kung hindi ang yakapin siya.
"Malakas ang kutob ko na naghihinala na siya satin. Sobra. Tuwing sasabihin ko na sakanya ang totoo, lagi kong nakikita ang mga ngiti niya na matagal niyang hindi naibalik. Nanghihina ako, Seokmin."
"Mahal na mahal ko si Wonwoo, pero bakit hindi kami pwedeng pagbigyan ng tadhana?" Humihikbing sabi ni Mingyu. "Ayoko ng matapos pa ang mga nasa listahan niya. Gusto ko. . . gusto ko nasa tabi ko lang siya. Pero hindi pwede,"
"Mingyu, kailangan mo ng sabihin sakanya. Habang hindi pa huli ang lahat. Kasi alam mo, kung ako ang nasa posisyon niya, ang nasa katayuan niya, magtataka din ako kung bakit. Kaya Mingyu, wag mong hayaan na maabutan ka pa ng oras," Tumigil saglit si Seokmin.
"Kahit palagi kong sinasabi na, sasabihin ko na din kay Wonwoo lahat, hindi ko magawa." Mingyu bitterly smiled, "May kapalit kapag sinabi ko sakanya. I'm forbidden unless we're at the last stop na sa listahan. Unfair? Alam ko."
"A-anong kapalit?" Seokmin stuttered.
"The memories he had with me,"
----
"Mag-ingat kasi. Puro pintura na mukha mo e," Pinunasan ko naman ang mukha ni Mingyu gamit ang towel.
"Oo na, patapos na din naman 'to e." Patuloy lang siya pagpipintura.
Ginagawa na namin ang pang-anim sa listahan ko. Apat nalang, tapos na. Iniisip ko nga, paano kapag natapos na? Paano na? Nakakatakot. Ang bilis ng araw. Isang buwan na agad ang nakalipas. Pero pakiramdam ko, matagal na kaming magkakilala ng posteng 'to.
Pumasok naman sa kwarto ko si Gyu. "Gyu!" Tawag ko kaya naman parehas silang napalingon ni Mingyu. Punyeta, ang cute.
Tumalon naman sakin si Gyu. Napaka-cute ng asong 'to. Lagi ko nalang nakikita mata ni Mingyu dito, hindi ko alam kung bakit. Lalo na kapag nanghihingi na ng pagkain niya, Mingyu na Mingyu. Hanep. "Akala ko ako tinatawag mo, si Gyu pala. Puta, mag-kapangalan kasi."
"Gusto ko e, ba't ba." Ibinaba ko na si Gyu at tumayo, "Kuha lang akong maiinom." Sabi ko sakanya. Tango lang ang isinukli sakin ni Mingyu. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng pitsel sa ref, saka ng baso.
Matagal ko na kasing gustong baguhin ang style ng kwarto ko, ayoko naman na ibang tao ang gagawa. Tapos nakilala ko si Mingyu, napag-usapan namin na maalam siya sa mga kumpunihin sa bahay. It's true though, magaling magluto, maglinis, magligpit, magkumpuni, at kung anu-ano pa man.
Husband material.
"Ay gago!" Puno na pala 'yung baso, hindi ko na namalayan. Kalandian mo Jeon Wonwoo. Tsk. Napatingin naman ako sa orasan, malapit na mag 6 PM. Naisip ko na dito na maghahapunan si Mingyu. Tumaas ako at nakita ko siyang pinipinturahan 'yung maliit na parte ng dingding.
Patapos na pala siya, "Mingyu, magluluto ako. Dito ka na mag-hapunan."
"Sige ba, sarapan mo ha?" Tatawa-tawang sabi ni Mingyu sakin. Sinimangutan ko lang siya at umalis na dun.
Sa totoo lang, wala pa sa kalahati ng pader ang napipinturahan ko. Pinatigil niya na kaagad ako dahil ayaw niya daw akong mapagod, ang landi pero I find it cute. Although nahihiya ako dahil siya halos ang gumawa, bumigay din ako dahil may pa-cute effect pa si gago.
Nagsimula na akong magluto, puta full effort 'to. Bawat pawis at dugo ko nandito, charot. Pero oo nga, effort kung effort at 'yung lalaking nagngangalang Kim Mingyu lang ang ginaganito ko. Boom, panes 'yang I love you niyo!
By 7 PM, natapos na din ako sa pagluluto. Naghanda na ako ng makakainan namin ni Mingyu, umakyat na ako sa kwarto ko at nakita ang kwarto ko at ang lalaking nag-aayos. Muntik na akong mapaluha dahil bukod sa tapos na ang pagpipintura ay may mga lights siya ginawa.
Naramdaman niya atang nandun ako sa likod at lumingon siya, "O, nandyan ka na pala. Maganda ba?"
"Sobra. . . ngayon lang ako nagkaroon ng ganito. Kim Mingyu, bakit ba ganyan ka?" Napaluha na ako. Sobra-sobra na din kasi ang mga ginagawa niya para sakin. I admit, I did change. A lot. Sobrang laki ng pinagbago ko dahil sakanya. I changed for the better.
"I just wanted you to be happy, Wonwoo." Nanatili siyang nakangiti sakin. Ang ngiti na hinding-hindi ko pagsasawaang tingnan. "Mahal kita e." Damn, my heart's beating fast.
Niyakap ko siya bigla, out of my will, kusang gumalaw ang katawan ko at niyakap din si Mingyu. Hindi ko alam, sobrang saya ko dahil may isang Kim Mingyu sa buhay ko. Yung madilim kong mundo, nagulo bigla at nalagyan ng kulay dahil sakanya.
"Mahal din kita,"
Wala na akong pake sa mga nasabi ko. Bigla nalang lumabas sa bibig ko 'yon. Hindi ko naman pinagsisisihan na nasabi ko. It's been a month nung nagkakilala kami pero hindi naging hadlang 'yon para hindi ako mahulog sakanya. Love is indeed tricky.
He kissed me, the last thing I knew is I saw him crying. I don't know why. I responded to his kiss. The kiss deepened and we're lacking of air. Humiwalay siya sa halik at idinikit ang noo niya sa noo ko, "Mahal din kita. Mahal na mahal."
⊱ ────── {.⋅ 🦋 ⋅.} ────── ⊰
YOU ARE READING
Butterfly's Wish | meanie
Cerita Pendek✧。meanie ✎... ❝ Will you stay by my side? I'm scared, if I let go from your hands you might fly away. ❞ ➦ soulivagant © 2018