O12

160 21 1
                                        

"May isang oras pa tayo bago magsimula ang movie. Anong gusto mong gawin?" Tanong ni Mingyu sakin habang hawak ang kamay ko. Lumilinga-linga naman ako. Hindi pa daw siya gutom, kahit naman ako hindi pa gutom.


"Ah alam ko na, tara." Hinila na naman niya ako. Hinayaan ko na, nasanay na din akong laging hinihila nitong uling na 'to.


Pero mahal ko 'to.


Nagpunta kami sa isang pagawaan ng bracelet. "Matagal ko na din 'tong gustong gawin. Yung parehas ng bracelet. It's on me," Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ng saleslady.


Hindi ako papayag, hati tayo sa gastos. Isa." Kinurot ko ang tagiliran ko. Napangiwi naman siya sa sakit.


"Aray, oo na. Oo. Hati na tayo," Binitawan ko na 'yung tagiliran niya at pumasok na kami sa loob ng shop.


"Good morning po Sir, magpapa-customize po ba kayo?" Tanong nung babae. Tumango naman si Mingyu. "Feel free to look at our latest designs, Sir." Inaya naman ako ni Mingyu. Madaming magagandang design, mahirap mamili.


"This one, please." Pinili niya 'yung silver bracelet na simple lang 'yung design pero maganda tingnan. Nice pick, Mingyu. "Yung by partner, miss. Papa-customize ko." Ngumiti naman sakanya 'yung babae.


Ibinigay na samin 'yung bracelet, "Please label mine 'Wonwoo', ikaw?"


"Mingyu,"


Binigay na nung saleslady sa isang babae na nandun, 'yun ata 'yung gagawa. "Gaano po siya katagal? Can we get it by today?" Hindi naman gaanong atat 'tong si Mingyu.


"You can naman po, Sir. After 3 hours po."


"Hmm, sige po. Thank you. Babayaran na po namin," Nung narinig ko kaagad 'yung babayaran na namin e kaagad kong kinuha ang wallet ko. Kakasweldo ko lang sa part-time ko nung nakaraan, 'yung iba nilagay ko na sa account ko. Dating nakapangalan sa magulang ko pero pinalitan ko na din. Bilin nila saakin bago sila kuhanin sakin.


"Ito 'yung akin," Inabot ko naman 'yung share ko sa bayad. Atleast, hindi na ako gaanong mahihiya kasi kahit papaano may hati ako sa bayad. Hindi din naman kasi maganda na sagot niya lahat. Tulad kanina, siya bumili ng ticket pero sabi ko ako na sa snacks.


We shouldn't let someone like Mingyu to pay for the expenses. Nakakahiya kasi talaga. "Ay pota malapit na pala magpalabas. Tara na." Dali-dali naman kaming pumunta sa cinema. Just in time, nagpapasukan na 'yung mga tao.


Syempre, madilim kaya hindi binitawan ni Mingyu ang kamay ko. Pumunta kami sa seat na mataas-taas ang view. Nakakaduling kaya kapag sobrang lapit. Nakakahilo pa pati. Umupo na kami at nagsimula na ang palabas.


Pinili ni Mingyu 'yung romance. Ewan ko dito. Sabi ko horror nalang o kaya action, kaso ayaw. Marinig palang 'yung horror e natatae na ata. Jusko, patawarin.


Naramdaman ko nalang na dumantay si Mingyu sa balikat ko, puta, bakit mas kinikilig pa ako dito kaysa sa movie? Tangina talaga, bakit ganto. Kahit na parang may kabayo na sa puso ko, hindi si Seokmin, e hindi ko na inintindi.

Butterfly's Wish | meanieWhere stories live. Discover now