Nandito ako ngayon sa kwarto ko at binibilang ang pera na nakuha ko mula sa pag-papart time ko sa cafe at fastfood chain, natapos na kasi ang kontrata ko doon. "Medjo malaki na din," Sabi ko sa sarili ko at itinabi ito sa vault. Ilalagay ko sa bank account sa isang araw.
Naalala ko na i-search 'yung pupuntahan namin bukas ni Mingyu na amusement park. Well, hindi kami sa umaga pupunta kundi sa gabi tutal gusto ko lang naman makita ang city lights. Parehas kasi kaming busy dahil sa mga projects.
Natapos ko na 'yung ibang projects pero si Mingyu wala pang nasisimulan, pero ayon nabatukan ko kaya nagawa na ngayon. So eto na nga, sinesearch ko na 'ung pupuntahan namin. Hindi ko pa din napupuntahan 'yon which is a good thing dahil mas inaabangan ko.
Nakita ko naman ang mga pictures, no wonder madaming pumunpunta dito tuwing gabi. Maganda naman kasi talaga, na-eexcite tuloy ako lalo. Pero what's bothering me is the piece of paper that was on the book.
Pakiramdam ko kasi mahalaga 'yon pero hindi ko na natuloy basahin dahil bukod sa time ko na, sumulpot bigla si Mingyu sa likod ko. Nung binalikan ko nung isang araw, wala na dun. E sa pagkakaalam ko, binalik ko siya doon.
Hindi ko na tuloy alam kung saan napunta 'yon.
Aish, don't think about it anymore Wonwoo.
Sinara ko na 'yung laptop ko at humiga na sa kama ko. Tinitingnan ko lang 'yung tao na nasa homescreen ko, bakit kaya ganun no? Tinitingnan ko lang naman pero napapangiti na ako. Tangina, tinamaan ka na Wonwoo.
Bumagsak nalang ang phone ko sa mukha ko nung nakita kong tumatawag si Mingyu, "Aray!" Hinimas ko muna ang mukha ko bago ko sagutin ang tawag niya, punyetang 'to ngayon pa natawag.
"Hello?"
"Good evening. HAHAHAHAHA!"
Gago ba 'to? Natawa nalang bigla. Pero kinikilig ako hayop.
"Ba't ka ba napatawag? Tutulog na ako e." Pabiro kong sabi sakanya at umayos ng higa.
"Wala lang, gusto ko lang pakinggan boses mo bago ako matulog." Bigla namang namula 'yung pisngi ko. Bwisit, hindi ako ready sa banat ng lokong 'to. "Hindi na umimik, kinilig na yata sakin."
"Ulol. Sinong kikiligin sayo? Tss."
"Sige, kunwari naniniwala akong hindi ka kinikilig sa homescreen mo," Buti nalang at call 'to at hindi niya nakikita ang panlalaki ng mata ko ngayon. P-paano niya nalaman? Jusko, nakakahiya. Masasapak ko 'to bukas. "Wag kang mag-alala, ikaw din naman homescreen ko e. Yie. Paano ko nalaman? Nung isang araw, nakita ko. Hindi naman naka-lock phone mo kaya nasulyapan ko. Galing mo ah, stolen pa."
"Tangina mo, i-eend ko na 'to."
"Teka lang!" Umubo pa siya. Bastos. "Goodnight, I love you. Sweetdreams." Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Argh, nakakaloka. Hindi na naman yata ako agad makakatulog kasi kilig na kilig na ako.
YOU ARE READING
Butterfly's Wish | meanie
Short Story✧。meanie ✎... ❝ Will you stay by my side? I'm scared, if I let go from your hands you might fly away. ❞ ➦ soulivagant © 2018