Mukha akong. . . "Woo, mukha kang patay." Sasabihin ko palang na mukha akong patay kaso inunahan na ako nitong poste na 'to. Punyemas.
"Alam ko, pakyu." Sino bang hindi magmumukhang patay e buong magdamag akong inaya nito maglaro ng games? Psh. Hindi din naman ako makatulog nun.
"Nireregla ka ba? Taray," Hindi ko ba malaman kung ano na naman bang nahithit nitong si Mingyu. Ano pa nga bang bago? Lagi namang nakahithit 'to.
"Mag-drive ka na nga lang." Utos ko. Kotse ko ang gamit namin ngayon papunta sa isang beach resort.
Sabado naman ngayon, overnight lang naman kami ni Gyu. Ewan, tagal ko na din na hindi nakakapunta sa beach resort kaya siguro na-eexcite ako. "Matulog ka na muna, wala ka pang tulog. Medjo malayo pa 'yung rest stop." Sabi bigla ni Mingyu.
Hindi na ako umangal dahil totoo naman. Wala pa akong tulog, siya din naman wala pang tulog. 5 AM kasi, umalis na kami. Pipili na nga lang ng beach resort, 'yung malayo pa. "Ako na ang mag-dradrive kapag nasa rest stop na," Aangal pa sana siya kaso tinalikuran ko. "Shut up, kotse ko 'to."
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya, "Fine, baby boy." Kingina? Aga-aga kung anu-ano nararamdaman ng tyan ko. Gutom lang 'to.
Naging tahimik ang byahe dahil dinapuan na ako ng antok.
----
"Baby," Tawag sakin. Alam ko na kaagad kung sino. Baby palang e. "Baby koooo~" Ah ewan ko sayo, bahala ka diyan. "Wonwoo, baby, nandito na tayo." Napamulat naman ako kaagad.
"Hindi mo ko baby," Angal ko sakanya. Nilinga-linga ko naman ang paligid. Nasa rest stop na nga kami.
"Ay hindi pa ba? Matapos natin maghali--" Tinakpan ko ang bunganga ng higanteng 'to dahil napakaaga pa para magsabi siya ng masamang bagay.
"Manahimik ka," Iniwan ko siya doon sa loob ng kotse dahil lumabas na ako. It's already 8 AM at wala pa kaming umagahan. Although hindi ako nag-uumagahan nung una, e gawa niya kaya nasasanay na ang tyan ko na kumakain tuwing umaga.
Lagi kasi niyang sinasabi na ang umagahan ang pinakamahalagang meal sa isang araw kaya dapat kumakain daw ako. "Saan mo gusto kumain?"
"Kahit saan,"
Nanliit naman ang mata ni Mingyu, "Walang Kahit Saan dito, loko mo ko?" Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok at hinila siya sa isang fast food chain.
"Chansing ka sakin bebe boy ha!" Tumigil naman ako nung pumasok sa isip ko ang sinabi niya.
Nakahawak pala ako sa kamay niya.
Kingina. "Gago. Di ako chansing," Kaagad ko namang binitawan ang kamay niya kaso kinuha niya ulit 'yon at hinawakan ang kamay ko.
"I'm just kidding. Let's go," Ngayon naman, siya ang nangunguna sa paglalakad. Nakatungo lang ako. Ewan ko ba, lagi nalang akong nahihiya kapag ginagawa niya 'to.
Nakarating na kami sa pagkakainan namin. He asked me kung anong gusto ko at sinabi ko na kung ano 'yung kanya, ganun nalang din ang akin.
Pangalawa palang naman 'to sa bucket list ko pero pakiramdam ko, ang dami na naming nagawa. "Bilis ah. Si Seokmin ka ba?" Biro ko. Napa-ubo naman siya bigla.
"S-Seokmin? Sino 'yun? Haha." Ba't naging awkward 'to? Ah, nevermind.
"Kaibigan namin na nakawala sa kwadra," I took a bite. Nakakagutom kaya. Ang bobo lang namin dahil nasa bag lahat ng chichirya kaya walang pantawid gutom sa byahe. Facepalm.
YOU ARE READING
Butterfly's Wish | meanie
Short Story✧。meanie ✎... ❝ Will you stay by my side? I'm scared, if I let go from your hands you might fly away. ❞ ➦ soulivagant © 2018