I decided to take a walk. Bakit hindi? Sabi kasi ni Seungkwan mukha na daw akong bampira, sabi naman ni Seokmin mukha na daw akong patay. Hindi daw kasi ako naglalalabas.Ang gwapo ko namang bampira, mas lalo naman na ang gwapo kong patay. Mga chaka lang sila e.
Naka t-shirt lang ako na grey at jogger pants at pair ng sneakers. May suot ako na earphones at naghahanap ng magandang kanta sa phone ko.
Sinasanay ko na ang katawan na maglakad-lakad, sa malamang e palakad-lakad ako doon sa college building. Tsk.
Buti nalang at 6 AM lang ngayon, hindi pa gaannong maingay, masarap pa damdamin ang hangin kaso, "Puta?" Napalingon naman ako dahil may nagtanggal ng earphones ko.
"O? Nalabas ka pa pala ng bahay? Sa pagkakaalam ko, ayaw mo lumabas. Anong nakain mo?" Bwisit. Hanggang dito ba naman?! Kailan ba ako titigilan nito?
Aga-aga e. "Porket hindi ako palalabas e hindi na ako pwedeng maglakad-lakad?" Nauna naman akong maglakad kay Mingyu. Bahala siya diyan.
Nung nilingon ko naman nawala na, nakahinga ako ng maluwag dahil wala ng mangungulit sakin. "Sinong hinahanap mo?"
"Wala nam-- tangina?!" Akala ko kung sinong nagtatanong sakin, e nung pagkalingon ko sakto namang nasa harapan ko si Mingyu.
Puta. Nung nagpasabog ng kakulitan, sinalo niya lahat. "Ngiti ka naman diyan! Agang-aga o!" Pinisil pa nung unggoy ang pisngi ko.
Agad kong tinabig ang kamay niya, "Walang maganda sa umaga ko, ba't pa ako ngingiti? Layas." Kaso hinabol na naman ako. Kailan ba ako titigilan nito?
"Edi pangingitiin kita," Bigla nalang akong hinila. Punyeta, ba't ba ang hilig akong hilahin nito? Grr.
Ngayon ko lang napansin ang suot niya. White na shirt, jogger pants na black na may stripes na white at sneakers.
Mas gwapo pa din ako. Tch. "Tada!" Nakarating kami sa isang bingsu shop. Hindi ko alam 'to ah? "Alam kong mahilig ka sa bingsu, strawberry flavor."
Bakit alam na naman niya? Punyeta ha, stalker ba 'to?! Nawiwindang na ako. "Bakit ba alam na alam mo kung anong mga gusto ko? Stalker ka ba?" Tiningnan naman niya ako na parang pinandidirihan niya ang sinabi ko.
"Masyado akong gwapo para maging stalker," Ayan na naman 'yung jejemon niyang posing saka ngiting pang aso. Kakainis. "Tall, dark and super ultra mega duper duper kaboom kaboom handsome 'to!"
Punyetang kaboom kaboom 'yon. Nasampal ko nalang ang sarili ko, "Tall and dark ka lang, punyeta 'to." Saka ako naunang lumakad aa loob.
First time kong mag-bingsu sa umaga, hindi kaya lamigin tyan ko nito? Bahala na. As usual, siya na naman ang umorder, may dala naman akong pera, e kaso libre. Kaya gora nalang.
Hindi ko naman pinahalata na sobrang saya ko kasi matagal-tagal na din nung nakakain ako ng bingsu. Kumain na ako at napansin ko namang hindi siya nakain.
"O ba't di ka nakain?" Tanong ko sakanya. Kung hindi niya kasi kakainin e akin nalang.
Buraot ko sensya na."Wala lang, natutuwa lang ako kasi mukhang ang saya saya mo habang nakain ng bingsu,"
"Landi mo, aga-aga." Wag nga siyang ganan, baka maisuka ko sakanya 'tong kinakain ko. "Kumain ka nalang diyan,"
Sumunod naman siya at kumain na din. Tahimik nga e, ang awkward tuloy. Siya kasi lagi ang nauunang magsalita, e ngayon ang tahimik niya.
"Ba't ang tahimik mo?" Ayoko pa naman 'yung ako 'yung unang nagsasalita. Pabebe na ba ko non?
"Tinatamad ako magsalita e," Punyeta.

YOU ARE READING
Butterfly's Wish | meanie
Nouvelles✧。meanie ✎... ❝ Will you stay by my side? I'm scared, if I let go from your hands you might fly away. ❞ ➦ soulivagant © 2018