OO8

182 24 11
                                        

"Ngayon nalang pala ulit tayo nagkasabay-sabay kumain," Narinig kong sabi ni Chan. Sabagay, oo nga. Ngayon nalang ulit. Mga hindi magkaintindihan schedules namin. "Second week palang ng pasukan, gusto ko na mag-bakasyon." Walang ganang sabi ni Chan.


"Ako, gusto ko na mag-drop." Sabi ni Soonyoung.


"Gitara ko ang lalapat sa mukha mo, putangina ka." Tikom naman kaagad si Soonyoung dahil sa sinabi ni Jihoon. Drop mo 'to. "Pakyu sa mga walang schedule bukas." Natawa naman kami ni Seokmin, Seungcheol at Vernon.


"Ganun talaga, matutulog lang ako buong araw." Sabi ni Vernon habang sinusubuan 'yung alaga niyang biik.


"Maglalaro lang ako," Seungcheol pa ba? Tss. "Tangina joke may mga gagawin pa pala ako, penge will to live."


"Hindi na kita mabibigyan pag ganon," Sabi ko. "Wala naman akong gagawin bukas, tutulog nalang din ako." Biro ko. May lakad kami ni Mingyu bukas. Shet, ang landi ko na. Hindi ka naman ganito Wonwoo. Anuena.


"Time ko na, mamaya nalang mga bayot." Tumayo na si Jeonghan. Tumayo na din si Seungcheol dahil ihahatid niya si Jeonghan sa room nito. Mga bayot na tunay.


Maya-maya ay umuna na din si Junhui at Minghao dahil time na din nila. Ako naman, pumunta sa hallway dahil may vending machine doon. Nakakasawa na mga inumin sa cafeteria. Nung nakuha ko na ang inumin ko, umalis na din ako.


Nakarinig naman ako ng pamilyar na boses mula sa hallway, nung lumapit pa ako ay nakita ko kung kanino nanggagaling 'yung boses.


"Wala ka pa bang balak sabihin sakanya?"


"M-meron. . . pero wag muna ngayon."


"Kon--"


"Mingyu? Seokmin? Magkakilala kayo?"


Lumingon naman sakin ang dalawa, parang nawalan ng dugo si Mingyu at Seokmin nung nakita nila ako. Ganun na ba ako nakakatakot? Mukha na ba talaga akong patay? I'm jinjja jinjja hurt. Napakamot naman ng ulo sa taas si Mingyu, "Nagkasalubong lang, tapos nagtanong siya sakin kung saan 'yung library."


Talaga? Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? O ako lang 'yon? Bahala na nga. Saka, matagal na si Seokmin dito ah? Alam na alam na niya kung nasaan ang library. Miski mga daan para mag-cutting alam niya.


You're being paranoid, Jeon Wonwoo. "Ay ganun?"


"Oo, Wonwoo. SIge, u-una na ako ah? Bye!" Kumaripas na ng takbo si Seokmin. Naiwan kaming dalawa ni Mingyu dito sa hallway.


"A-ayun nga!" Pumalakpak pa siya. "Bukas ah?" Sabi niya sakin.


"Oo na, hindi ka naman excited ano?" Pagsusungit ko sakanya.


"Malamang, Jeon Wonwoo. Kasama kita bukas e, yie kilig na 'yan."


Butterfly's Wish | meanieWhere stories live. Discover now