"Maaga tayong aalis dito bukas, remember the 3rd one sa bucket list mo? Sunrise and sunset in one day," Tumango naman ako. We're in our room right now. After ng fireworks display, nag-aya na ako dito.Minsan naiisip ko, ang bilis masyado ng oras kapag kasama ko 'tong ulupong na 'to. Parang kailan lang natapunan niya ako ng iced coffee, tapos ngayon unti-unti na din akong nasasanay sa pamemeste niya este presensya niya.
Sa totoo lang, hindi naman talaga mahirap pakisamahan si Mingyu. He's very considerate. Palagi ko nga lang nakakalimutan itanong kung bakit niya ako kilalang-kilala.
"Ming--"
Tulog na pala. He's holding a bag of chips, nasa loob pa 'yung isang kamay. Natawa nalang ako, pinuntahan ko siya at dahan-dahang tinanggal ang kamay niya.
Buti nalang nasa kama na 'to. "Mingyu. . ." Tinapik-tapik ko naman ang pisngi niya. "Humiga ka na ng maayos. Mangangalay ka niyan," Umungot lamang ito. Nakapikit pa din siya hanggang sa makahiga siya.
Ang cute lang tingnan. Aalis na sana ako para mahiga sa sofa kaso naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. "Wonwoo. . ." Nakapikit pa din naman ito.
"Wag. . . wag mo akong iwan." Mahinang sabi niya sakin.
"Dito ka lang. . . sa tabi ko." He looked helpless. Hindi ko rin naman matiis na hindi tabihan. I smiled and went into the bed.
Nung humiga ako sa tabi niya, he snuggled closer to me. Nakasiksik siya ngayon sa dibdib ko. Para siyang bata na takot na takot iwanan ng nanay at tatay niya. "Hindi ako aalis," Hinaplos ko ang buhok niya.
And then I finally fell asleep.
----
"Bilis! Nakahanap ako ng magandang lugar para makita ang sunrise! Dapat before 5 AM nandun na tayo!"
"Oo na! 2 AM palang o!"
"Mabilis lang oras," Nag-iimpake na kasi kami ngayon at mag-checheck-out na sa hotel. Kagabi pa 'yan nag-impake at dahil dakilang tamad ako, hindi ako nag-impake kagabi.
"Done, tara na." Hila-hila ko ang maleta ko palabas ng kwarto. Dahil nga maaga pa, wala pang gaanong tao. Hinintay ko nalang sa lobby si Mingyu.
Antok na antok pa ako. Ayoko naman makatulog baka hindi ko maabutan 'yung sunrise. "Let's go Wonwoo." Tumayo naman ako kaagad at sinundan na siya sa parking. Kinarga na namin ang mga gamit namin sa likod.
Inistart na ni Mingyu ang kotse at nag-drive. Wala ni isa samin ang nagsasalita. It was an comfortable silence when Mingyu decided to broke it. "Magpatugtog ka nga, Wonwoo." Kinuha ko naman sa bag ko ang ipod ko at plinug sa audio. "Kahit ano."
Nagtingin-tingin naman ako ng kanta, at nung nakapili na ako ay nagsalita na naman siya. "Nice choice."
20 ang pinili kong kanta. Wala lang, sa tingin ko kasi maganda 'to kapag ganitong nagbyabyahe. Nakakakalma. "You're my twenties~" Pero mas nakakakalma pa pala ang boses ng hanep na 'to. Hinayaan ko nalang na malunod ako sa boses ni Mingyu.
----
Nandito kami ngayon sa isang mapunong lugar, parang park na hindi? Basta, tago 'yung lugar at tahimik. 4:45 kami nakarating dito at may ilang minuto pang natitira. Tanaw dito 'yung dagat, 'yung beach resort na pinanggalingan namin.
"Ito 'yung lugar na sinasabi ko sayo," Humawak si Mingyu doon sa railings. "Dito maganda kapag gusto mong makita ang pagsikat ng araw,"
"Bakit mo alam 'to?" Tanong ko naman sakanya. Humarap naman siya sakin habang nakasandal sa railings. Bwisit, ang lakas ng dating.
YOU ARE READING
Butterfly's Wish | meanie
Historia Corta✧。meanie ✎... ❝ Will you stay by my side? I'm scared, if I let go from your hands you might fly away. ❞ ➦ soulivagant © 2018