Epilogue

455 31 28
                                    


After 4 years, ito na ako. May-ari na ng isang kompanya. Ilan sa mga nagtratrabaho sa kompanya ko ay sila Seokmin, Jisoo, Vernon at Seungcheol.


Masyadong busy ang month na 'to para samin. December na gahol na kami sa oras dahil malapit na mag-pasko. Last day na ngayon mga employee sa kompanya ko dahil December 23 na.


"Kape oh," Alok ni Seokmin sakin at tinanggap ko 'yon. "May balak ka ba ngayon magpapasko na?" Tanong niya sakin.


"Hmm, maghahanda nalang ako. Wala din naman akong kasama." Sabi ko sakanya habang nakatuon ang atensyon ko sa laptop.


"Paano kung sainyo nalang tayo mag-celebrate ng pasko? Tapos, sa Christmas Eve nasa mga magulang naman namin kami. Game ka?"


"Ayos lang naman sakin." It's already 11 PM at wala ng gaanong tao dito sa kompanya. "Hinihintay ka na siguro ni Jisoo, pauwi na kayo diba?"


"Oo, sinabihan lang kita kasi matagal ko ng plano 'yun. Anyways, wag gaanong magkapagod. Uuna na ako, ingat ka."


"Ingat ka rin. Noted."


He left me and I continued on working.


After many years of studying, napagdesisyunan kong magtayo ng sariling kompanya. It was hard pero my friends helped me out throughout this process. Isa pa, malaki na rin si Gyu ngayon. Naalala ko sakanya si Mingyu kaya minsan sakanya ko binubuhos ang atensyon ko.


Dito ko na rin binuhos ang atensyon ko, pero hindi nawala ang nararamdaman ko para sakanya. Hindi naman nawala, siya pa din. I tried finding someone new but guess what? Sa bawat nakikilala ko, si Mingyu ang naaalala ko. 


The way they treat me, si Mingyu ang napasok sa isipan ko. Hindi rin nagtagal. Of course, sobrang hirap para sakin nung mga unang araw but then, Seokmin was there for me.


Nalaman din nila Jisoo ang tungkol samin. Nung una, hindi agad nila pinaniwalaan pero nung sinabi na ni Seokmin kung anong mga nangyari e unti-unti din silang naliwanagan.


The day my love go, is the same day I found his letter. It was short but it brings pain. The longest one. Until now.


Miss ko na siya. Miss na miss. Nakita ko din ang t-shirt niya na hindi ko naibalik, hanggang ngayon. I never changed my lockscreen, hindi ko na din hinubad pa ang bracelet ko. Minsan pinupuntahan ko ang apartment niya, Seokmin gave me the key. Sabi sakanya ni Mingyu na ibenta nalang 'yon but instead, binili ko.


That place holds many memories, hindi ko kakayanin kung may ibang gagamit nun. Tuwing papasok naman ako sa kwarto ko, si Mingyu pa din ang naalala ko. Sa apat  na sulok ng kwarto ko, bakas ng alala niya ang nakikita ko.


Nung nasa school pa ako, pag nasa cafeteria ako ng university siya ang naalala ko, kapag nasa park ako, siya pa din. Pag nakain ako ng bingsu, siya ang naaalala ko kaya hindi nalang ako kumakain.

Butterfly's Wish | meanieWhere stories live. Discover now