Lagi na namang mahaba ang pila sa office dahil enrollment. 8 AM nandito na ako kaso nak ng tinapa, walang kwenta. Napakahaba pa din. Akala mo showing sa sinehan.
Kanina pa ako pandapaypay dito, tirik na tirik naman ang araw. "Puta ang tagal," Irita kong sabi. Malapit na naman ako, malapit na umalis sa pilang 'to.
Konti nalang Wonwoo, tiis-tiis.
"Kuya, transferee ka ba dito?" Nagulat nalang ako nung may biglang kumausap sakin. Umiling lang naman ako. Wala akong sa mood.
"Anong grade ka na this year?" Tanong na naman niya. Hinihila na siya nung isa niyang kasama kaso ayaw paawat ng isang 'to.
Pigilan niyo ko, baka masampal ko 'to. Babae pa naman. "College." Tipid kong sagot saka tiningnan 'yung requirements ko. Siguro naman mahahalata na ayaw ko siyang kausap.
"Anong name mo?" Ang kulit. Teka, hindi ba 'to natatakot sakin?
Tiningnan ko lang siya ng masama. Nakakainis na e. Nabato naman kaagad siya, "S-sige. Alis na pala ako. Tara na," Higit niya sa kasama niya.
Buti naman umalis na 'yun. Kakairita lang. Malapit ka na naman Wonwoo kaya chill na. Wala kang panahon sa ganun.
Lumiwanag naman ang mukha ko nung lumabas na 'yung nasa loob. Sumalubong naman sakin ang aircon ng office.
Rapsa. "Ah, Jeon Wonwoo." Basa nung assistant principal. "How's life?" Pwede bang i-enroll niyo nalang ako?
Dami pang satsat. "Ayos lang po," Pilit kong sagot. Tumango-tango naman ito. Tahimik lang akong nakaupo habang inaasikaso niya ang mga requirements ko.
Minutes later, natapos na din siya. Nagpasalamat naman ako at lumayas na sa office. Puta, ang init na naman, meh. Enrolled na naman ako.
"Uy ikaw ulit?" Kalabit sakin nung taong nasa harapan ko ngayon.
Tiningnan ko lang siya, "Mingyu?" Tumango naman ito. Ba't ba sobrang saya nito? Nakahithit ba 'to?
"Dito ka rin pala mag-aaral?" Tanong niya sakin kaso nakita niya 'yung mga hawak-hawak kong papel. "Sabi ko nga enrolled ka na."
Kumunot nalang ang noo ko, umalis nalang ako pero hinigit ako ni Mingyu. "Kunin mo na 'to. Pawis na pawis ah," Kaso hindi ko tinanggap 'yung panyo.
Ibibigay ko pa pala sakanya 'yung shirt niya kaso nalimutan ko sa bahay. "Bili na," Nagmatigas ako.
Nagulat nalang ako nung siya na mismo ang nagpunas sa pawis ko, "Ayan!" Nakangiti niya pang sabi sakin.
"S-salamat," Tangina ba't ako nauutal? Tss. Mas binilisan ko na ang lakad ko. Lakad na papalayo sakanya. Saksakan naman kasi ng kulit.
"Wait Wonwoo!" Muli na naman akong hinigit ni Mingyu. Argh. "Alam kong hindi ka pa nakain ng umagahan, tara lunch? It's on me."
"Wag na Min--" And I was cut off. Damn it.
"Ha? Oo? Sige, lunch na tayo!"
Hindi na din ako nakapalag dahil mahigpit ang hawak niya sa braso ko pero hindi naman masakit.
"Umupo ka na dun, oorder na ako." Tinulak niya ako ng bahagya dun sa table. "Meal A, veggies and meat. Got it." Sabi niya sakin.
And for the second time, nagulat na naman ako gawa niya. How did he know? So weird. Umupo nalang ako sa table at hinintay siya.
He arrived with a tray, inilapag niya ang pagkain sa harap ko, "Wag ka ng mahiya sakin. Kung gusto mo naman akong bayaran, okay lang din." Sabi niya habang kumakain.
YOU ARE READING
Butterfly's Wish | meanie
Short Story✧。meanie ✎... ❝ Will you stay by my side? I'm scared, if I let go from your hands you might fly away. ❞ ➦ soulivagant © 2018