Medjo inaantok pa ako ngayon dahil late na kaming nakauwi ni Mingyu galing amusement park. Hinintay pa kasi namin 'yung light parade kuno ng park.Tiningnan ko kung anong oras na, first time 'to ah? 12 na ako nagising. Lunch na. Agad na naman akong bumangon at naghilamos. Nagsipilyo na din ako.
Pagkalabas ko ay sakto namang tumunog ang phone ko. Nag-text pala ang gago na on the way na daw siya dito sa bahay ko, gagawin na daw namin ang una sa list ko.
At 'yun ang magluto. "Makaligo na nga lang muna," Kinuha ko na ang robe ko at dumiretso sa CR. Malayo pa naman si Mingyu, uh, siguro?
As I let the water run down through my body, I'm immersed in my own thoughts. Tulad ng biglaang pagkikita namin ni Mingyu sa coffee shop, at nasundan pa 'yon ng nasundan.
I guess I'm getting used to his prescence. Hindi ko nga alam kung papaano ako natatagalan o napagtitiisan non. I'm being harsh on him, I'm brutal when it comes to him.
I admit, I did thought that when I do those things on him, like being harsh, e baka layuan niya na ako, pero he's Kim Mingyu. A free-spirited guy. Most of the time, he's annoying as fuck pero the counterpart of that annoyance is. . .
He still manages to make smile.
Without knowing, I can feel my old self coming back. Pero hindi dapat agad magpadala, afterall, I only know his name. Kim Mingyu.
Wala akong alam sa background niya. Now come to think of it, he knows me very well. Even my likes and dislikes. Pilit kong inaalis sa isip ko pero talagang hindi lilipas ang araw na hindi pumapasok sa isip ko 'yan.
Ding. Dong.
"Kingina hindi pa ako tapos maligo!" Agad kong kinuha ang bathrobe ko at itinakip sa katawan ko. Ayoko naman paghintayin si Mingyu don, mapagkamalan pang poste.
Lumabas na ako sa CR at bumaba, binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Mingyu, "Good after-- oh." Natigil naman siya.
Nakita ko namang nakaiwas siya ng tingin sakin, may sakit ba 'to? Ba't ang pula ng tenga nito? Saka, may mali ba sa itsura ko?
Hindi ko na kasi natuyo ang buhok ko, basang-basa pa at hindi ko din gaanong naayos ang robe ko kaya kitang-kita ang dibdib ko. "Afternoon, pasok."
Kaagad naman siyang pumasok at umupo sa sofa, "Feel at home, anyways aakyat lang ako. Tatapusin ko lang ang naudlot kong pagligo,"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya kaya naman umakyat na ako. Pumasok na ulit ako sa CR and did my business.
After that, nagbihis na ako. Binilisan ko na nga e, 2 pm na din naman. Magmamaryenda na jusko. No breakfast na nga, late lunch pa? Galeeeng.
"Sorry, natagalan." Sabi ko kay Mingyu na busy sa phone niya. Matagal na ba ang isang oras? Siguro.
"Hindi naman, ayos lang. You're not Jeon sloth for no reason," Aba. Pati nickname ko nung highschool ako, alam niya? Puta. "I just checked your pantry, hindi ka pa siguro nakakapag-grocery ulit?"
Shoot. "Hindi pa," Napasapo nalang ako sa noo ko. Piningot naman niya ang ilong ko. "Aray puta ka,"
"That's your punishment, dummy. Tara na at mamili," Tutal may malapit naman na grocery shop dito e naglakad nalang kami.
"Mingyu," I started talking to him first. Achievement na ba 'to? "Ilang taon ka na ba?" Ngumisi naman siya sakin. Hays, ano na naman kayang natakbo sa isipan nito?
"Wow, ngayon lang ba tayo mag-gegetting to know each other?" Tinulak ko ng bahagya, sayang hindi pa sumakto sa kanal. "Akala mo ha. Hmm, I'm 22."
Akala ko mas matanda siya sakin?! Puta, kung itrato ako parang bata! Punyemas. "Mas matanda ako sayo tapos kung pagtripan mo ako? Aba hanep." Tumawa naman si Mingyu. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
YOU ARE READING
Butterfly's Wish | meanie
Short Story✧。meanie ✎... ❝ Will you stay by my side? I'm scared, if I let go from your hands you might fly away. ❞ ➦ soulivagant © 2018