OO6

186 23 3
                                    


"Hoy, emo." Tangina, sasakalin ko 'tong kabayo na 'to. Hindi ko na ibabalik sa kwadra 'to. Nako, pigilan ninyo ako.

"Ibabalik kita sa kwadra mo, umayos ka." Binelatan lang ako ng kabayong 'to. Hanep. "Ano nga kasi 'yon?"

"Wala lang," Lumungkot naman ang mukha ni Seokmin. Luh, anong nangyari dito? Bihira naman maging ganito 'to e.

"Uy bakit nga? Pabebe pa e." Itinigil ko ang paglalaro ng games sa phone ko. "Jisoo?" Tanong ko kaya naman napatingin siya sakin.

Bingo. "Malapit na anniversary namin pero parang wala naman siyang naalala, 2 days nalang, anniv na namin pero ayun. Busy. Haha." Kaya naman pala, kaya wag na kayong magmahal. Charot.

"Kung busy, hayaan mo muna. Ang malala lang nun e baka nawawalan na din kayo ng communication." Sabi ko. "Baka naman isusurprise ka?" Napaisip naman siya at umiling.

"Nako, malabo. Hayaan mo na, kaya ko 'to." Ngumit ka man Seoks pero hindi mo ako maloloko. I heaved a sigh. Gusto ko pa sanang pag-usapan pero nirerespeto ko siya kaya wag nalang. "Hoy, ikaw." Tawag niya.

"O ano?" Problema na naman nito sakin?

Ngumisi si gagu, "Nakita kita nung isang araw, may kasama kang lalaki! Boyfriend mo? Yie. Ikaw ha." Punyeta. Nanlaki naman ang mata ko.

Napaubo naman ako, "Anong boyfriend? Betch. Saan mo ba ko nakita?" Alam kong si Mingyu ang nakita niyang kasama ko.

"Sa hallway!" Tangina?! E-edi. . . nakita niya din 'yung ano. Ano. . . basta 'yun! Bwisit.

"A-ah 'yon. Hindi ko boyfriend 'yon." Pagtanggi ko. Hindi naman talaga e. Jusko, nagpapasalamay talaga ako dahil si Seokmin lang ang nakakita.

Buti nalang din siya ang vacant ngayon, "Hindi ba? Nakita ko kasi kayong magkahawak ng kamay." Tumaas baba pa ang kilay nitong hanep na 'to. Heh.

"Hindi nga kami. Walang kami. At hindi mangyayari 'yon." Buti naman at hindi niya nakita "yon." Jusko.

"Betch what? Hindi 'yon malabo!" Napaismid nalang ako sa sinabi niya. "Anong pangalan non betch?"

"Mingyu," Tipid kong sabi. Napa-tango naman siya.

"Ay, time ko na. Uuna na ako ha! Bye!" Nagmamadali masyado 'tong si Seokmin. Tumango nalang ako. Maya-maya naman ay time ko na din. Math pa.

Argh.

----

May 10 minutes pa si Seokmin bago mag-time pero agad siyang umalis doon. Hingal na hingal siya matapos niyang takbuhin mula school grounds hanggang building ng college.

"Mingyu. . ." Sabi niya sa sarili niya. Ayaw niyang mabahala pero nababahala siya. Lalo na para kay Wonwoo.

Naglakad-lakad naman si Seokmin, "Imposible." Umiling-iling pa siya. "Hindi maaari."

Nadatnan niya ang isang lalaki na papalakad sa direksyon niya. Kaagad naman na napatigil si Seokmin na may nanlalaking mga mata.

"B-bakit. . ." Naluluha niyang sabi sa lalaki na nakaawang ang bibig.

"Seokmin." Mahinang sambit ng lalaki, nagbabadya naman pumatak ang luha sa mga mata ni Seokmin nung narinig niya ang boses ng lalaki.

"Bakit? D-diba matag--"

"Seokmin, please keep this as a secret. I'm begging. I can explain, but promise me you won't tell this to anyone. Lalo na kay Wonwoo. Please."

Natahimik naman si Seokmin at nilapitan ang lalaki. Hindi siya makapaniwala.

"Mingyu. . . you can explain," Sabi ni Seokmin sa lalaki. "I promise."


⊱ ────── {.⋅ 🦋 ⋅.} ────── ⊰

Butterfly's Wish | meanieWhere stories live. Discover now