Prologue

9.8K 155 1
                                    

"MISS LEIGH, nasa private plane na po sina Mr. and Mrs. Alcalde for their honeymoon."


"Miss Leigh, natawagan ko na po ang resort para sa honeymoon ng newly weds. All set na daw po."


"Miss Leigh, nagreready na po ang mga vendors for wrapping up. Magpapack up na din po ba tayo?"


Napangiti sya ng tagumpay. Another successful wedding of the century. Kakatapos lang ng kasal ng isang kilalang tao sa mundo at sya lang naman ang wedding planner ng naturang kasal. She'll be expecting her name on magazines tomorrow.


"Great job, guys. Let's pack up." Hinarap nya ang kanyang mga tauhan saka ubod ng tamis na ngumiti sa mga ito. "John, keep in touch sa resort para sa convenience nina Mr. and Mrs. Alcalde. Mae, monitor the private plane. Make sure na makakarating ng safe ang mag-asawa sa resort. And Dave, pakisabi sa team na bilisan ang wrapping up. Maaga pa tayo bukas para sa next wedding of the century."


"Ok po, Miss Leigh." Magkakapanabay na turan ng tatlo.


Nag-iwan siya ng mga bilin sa iba pa niyang mga tao bago siya tuluyang umalis sa venue. Masyadong magarbo ang naging kasal kaya pakiramdam niya ay bugbog na bugbog ang katawan niya. She needs a nice hot bath and a whole body massage.


Lulan ng kanyang kotse ay nilisan niya ang lugar at dumiretso sa kanyang condo. She's one of the highest paid wedding planner yet she's living in a condo. Natawa siya sa sarili.


Bakit nga ba hindi siya bumibili ng sarili niyang bahay? Afford naman niya ang mala-mansyon na bahay pero nagtitiis siya sa condo. It's all because of her sister.


"Ate, nandito na ako." Sinilip niya ang isang silid kung saan naroon ang isang babaeng nakaupo sa wheelchair at nakatanaw sa malayo. "Ate, bakit hindi ka pa nagpapahinga? Masama sa iyo amg nagpupuyat."


Inayos nya ang kumot ng kapatid na nakatanaw sa bintana kung saan tanaw ang kalangitan na puno ng bituin.


"Ate, malapit na. Konting tiis na lang gagaling ka na."


Niyakap nya ito kahit alam nyang hindi ito gaganti ng yakap.




_____________

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon