NAGISING si Leigh sa matinding sakit ng ulo na nararamdaman. Pinakiramdaman niya muna ang sarili bago bumangon. Hindi na niya suot ang damit na suot niya nang nakaraang araw. Isang t-shirt na puti ang suot niya at sa awa ng Diyos naka-underwear pa naman siya. Magwawala talaga siya kung nagising siya na walang undies.Ipinalibot niya ang tingin sa silid na kinaroroonan maging sa kama na hinihigaan niya. Wala siya sa kanyang silid at sigurado siyang wala siya sa kanyang bahay. Kung wala siyansa bahay niya, isa lang ang ibig sabihin n'on. Nasa bahay siya ni Jefferson.
She headed towards the door and peep outside. Napanganga siya ng makita na hindi lang isang simpleng bahay ang kinaroroonan niya. It was more like a mansion. Ito ang bahay ni Jeff? Too big for him.
Gusto niya sanang lumabas pero ayaw naman niyang ipangalandakan ang hita niya sa mga tao na nasa bahay. Malay ba niya kung sino pa ang naroon sa bahay na 'yon.
"Gising ka na pala." Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Nakatayo kasi sa likuran niya si Jeff habang nakapamulsa at nakatingin sa kanya. Mabuti na lang mahaba ang damit na suot niya.
"Tulog pa ako at nananaginip ka lang." Pamimilosopo niya rito. "Obvious po na gising na ako."
"Get dressed. We will have breakfast once you're dressed." Iniabot nito ang isang t-shirt at bermuda shorts sa kanya.
Hindi niya tinanggap ang damit bagkus ay tiningnan niya ito ng masama.
"Bakit may damit ka na pambabae? Bakla ka ba? O baka naman may tinatago kang babae dito sa bahay mo?" She looked at him as if he's proven guilty.
Mahina siya nitong pinitik sa noo.
"Advance ka talaga mag-isip. May damit n pambabae sa bahay na ito dahil dito nakatira ang ate ko at si mommy. Magbihis ka na nga! Nagugutom na ako. 'Wag kong hintayin na ako ng magbihis sa 'yo." May pagbabanta sa tinig nito kaya agad niyang kinuha ang mga damit.
"Sinong nagbihis sa akin ng damit na ito kagabi?" she queried, praying that it's not Jeff who put on her the shirt.
"Are you hoping it was me?" Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito.
"Of course not!"
He chuckled, "Sana nga ako na lang ang nagbihis sa'yo pero nagvolunteer si ate na siya na lang daw kaya wala kang dapat ipag-alala. Bilisan mo na ang pagbihis dahil naghihintay na sina mom sa baba." Pagkasabi no'n ay naglakad na ito palayo.
Nagbihis na din siya pagkaalis nito dahil ang totoo ay nagugutom na siya. Agad siyang bumaba nang makapagbihis. Nahirapan pa siya na hanapin ang dining area dahil nakakaligaw ang laki ng bahay. Mabuti na lang tinulungan siya ng isang maid.
"Magandang umaga hija. Mabuti naman at gising ka na. Have breakfast with us." Itinuro ng isang babae na sa tingin niya ay ina ni Jeff ang bakanteng upuan sa tabi ng isa pang babae. Ito siguro ang nakatatandang kapatid ni Jeff.
Nahihiya man ay naupo na rin siya.
"Salamat po," ani niya.
Isang maid ang naglagay ng pinggan sa harap niya at mga kubyertos.
"Kain ka na," bulong ng babaeng katabi niya.
She gave her a smile. Kumuha siya ng pagkain at tahimik na kumain. Katapat niya sa upuan si Jeff at ang loko ay abot tenga ang ngiti.
"Anna Leigh right?" Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa kabisera. Kilala niya ito. He is Mr. Nielson Concorde, Jeff's father.
"Yes, sir."
BINABASA MO ANG
Suddenly
Ficción GeneralOnce upon a time, there was a famous wedding planner of the century. She was known throughout the world for her incredible talent. Not until that precious day when she suddenly turned into the famous wedding wrecker of the history. Anna Leigh Garc...