SUDDENLY 6

3.8K 105 0
                                    

         
          
                
SINALUBONG siya ng receptionist nang marating niya ang Nickelson Building.

"How may I help y, ma'am?" tanong ng babaeng receptionist s kanya.

She took of her glasses with attitude. "I want to talk with Mrs. Margaux Nickelson. Is she available? Tell her it's Leigh Gustavo."

"I'm sorry, ma'am but Mrs. Nickelson is out of town with her parents. If you want I can bring you to Mr. Jim Nickelson."

Makikita na naman niya si Jim. Baka mapag-usapan na naman ang nakaraan nila at mapunta na naman sa maling bagay ang usapan nila. Pero kailangan niyang makuha ang kopya ng CCTV footage.

"Fine. Bring me to him."

Tumango ang babae saka naunang maglakad sa kanya. Sinundan niya ito at habang naglalakad sila ay nakita niya ang mga mata ng mga tsismosang empleyado ng kompanya. Sigurado siyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Sikat kaya siya ngayon!

Sumakay sila ng elevator para marating ang palapag kung nasaan ang opisina ni Jim. Nang marating nila ang pinakataas na palapag which is the 20th floor ay umibis sila ng elevator. They walked on a hallway hanggang sa marating nila ang malawak na opisina kung saan may mga nakalinya na cubicle para sa mga empleyado.

"Hindi ba siya 'yong wedding planner ni Meghan?"

"Siya 'yong sumira sa kasal ni Meghan kay Nyl."

"Sayang, kundi dahil sa kanya masaya na sana ngayon na nagha-honeymoon ang mag-asawa."

"Akala ko pa naman magaling siyang wedding planner, hindi naman pala."

"Anong ginagawa niya dito?"

Ilan lang 'yan sa mga narinig niyang malalakas n bulungan ng mga empleyado. Bulungan pero sinadya yata talaga na iparinig sa kanya. Pero hindi siya nagpaapekto sa mga ito. She just flipped her now loose hair. Tinanggal niya ang pagkakapusod nito kanina bago magtungo sa Nickelson Building.

Huminto sila ng receptionist sa tapat ng isang pinto na may nakasulat na 'Office of the President, Jude Mykel Nickelson'. Ito na pala ang presidente ng kompanya ng ama nito. Iba ng naman ang nagagawa ng mahigit na pitong taon.

Kumatok ang babae sa pinto at isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa loob ng silid.

"Come in."

Pumasok ang babae sa loob pero hindi siya sumunod dito. Ilang sandali pa ay bumalik ito na nakangiti.

"Pasok daw po kaya, ma'am." Sabi nito saka nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.

Pumasok siya sa loob at nabungaran niya si Jim na may binabasang mga papeles. Mukhang abala ito.

"Mr. Nickelson?" Pukaw niya rito.

"Call me with my name, Al." He said not looking at her.

"I came here to talk to you, Jim. I believe you already heard what happened on the wedding I organized yesterday. I'm to ask you to give us a copy of the CCTV footage on the garden yesterday. Malakas ang kutob ko na may sumabotahe sa amin." Pahayag niya.

Nag-angat naman ng tingin ang lalaki para tingnan siya.

"Kapag binigay ko ang footage na gusto mo may tendency na madawit ang pangalan ng kompanya ko. Nag-iingat lang ako sa posibleng mangyari, Al."

"But Jim—"

"Al, I wanted to help you but how about my company?"

She sighed. May point si Jim. Posible nga na madamay ang kompanya nito. Ano pa ba ang gagawin niya?

"On a second thought I can help you." Tumingin s kanya si Jim habang magkasalikop ang mga palad. Nagkaroon siya ng pag-asa dahil sa sinabi nito. "But on one condition, Al."

Agad nawala 'yong ngiti niya. "What condition?"

Jim stood up from his seat and walked near her. Huminto ito ilang hakbang ang layo sa kanya.

"Have a date with me, Al. Let's catch up. Eat together, talked about what happened seven years ago, and let's enjoy each other's company. In return, ibibigay ko ang footage ng CCTV that day. Do we have a deal, Al?" Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito.

Saglit siyang nag-isip. Mahalaga na makuha niya ang footage. Doon nakasalalay ang ikalilinis ng pangalan niya. Wala naman sigurong mawawala kung magkaroon sila ng friendly date ni Jim. May pinagsamahan naman sila after all.

"Deal. When can I get the footage?" A date won't kill her so why not?

Mas lalong lumapad amg ngiti ng lalaki.

"Let's meet tomorrow night. Ibibigay ko sa date natin ang footage." He announced with a wide smile.

She nodded and turned around but his hands prevent her from leaving.

"You're leaving already?"

"I have to meet my client, Jim. Hindi dahil nagkaroon ng aksidente sa last wedding ko ay titigil na ang mundo ko. I have to work hard. So please, let go." Niluwagan naman nito ang pagkakahawak sa braso niya.

"Kliyente? Si Ny Concorde ba ang tinutukoy mo?" He smirked at her. "May time ka pa makipagkita sa groom ng last wedding mo at magkape sa mamahaling restaurant sa kabila ng problema na pinagdadaanan ng negosyo mo. I can't believe you, Al." May panunuya nitong sabi.

Hindi niya napigilang mapataas ang kilay sa sinabi nito. Paano niya nalaman ang lahat ng 'yon? Pinapasundan ba siya nito?

"It's my time, Jim. I can do whatever I want to with my time. How about you? Your wife is about to give birth to your child and yet you're here having a conversation with your ex. If I were your wife I will immediately asked for a divorce." Naiinis niyang sabi. Ayaw kasi niya sa lahat ay 'yong pabaya sa pamilya at nangingialam ng buhay ng ibang tao. Ano naman dito kung makipagkita siya kay Mr. Concorde? Gwapo kaya n'on.

"It's not my child."

She saw sadness in his eyes. Nagulat naman siya sa sinabi nito.

"Hindi ko anak ang dinadala ni Margaux. Nabuntis siya ng lalaking niloko lamang siya dahil may asawa na pala ito. Margaux was his mistress. I, being her bestfriend, saved her from judgmental people. Inako ko ang bata para iligtas si Margaux sa kahihiyan dahil na rin s kahilingan ng magulang niya. Margaux knows our situation."

Naawa siya sa sitwasyon ni Jim. Hindi niya alam na ganito ang naging buhay nito.

"Im sorry, I didn't know."

Buong akala niya ay masaya ito sa buhay nito ngayon. Hindi niya alam na may pinagdadaanan din pala ito. Nagdahan-dahan sana siya sa mga sinabi dito.

     
       
       
____________

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon