MALALAKI ang mga hakbang ni Leigh habang iniikot ng tingin ang buong lugar. Nagtext kasi sa kanya ang friend daw ni Jeff, nakikipagmeet ito sa coffee shop na malapit sa hospital kung saan nagpapagaling ang kapatid niya."Ms. Anna Leigh Gustavo?" Nilingon niya ang tumawag sa pangalan niya. A tall, slender, white woman waved at her. Mukha itong foreigner pero mababakas ang dugong Pilipino dito dahil sa itim na itim nitong mga mata.
"Kaithryn Halle?" Tanong niya rito. Tumango naman ito.
Ito pala ang kaibigan sa sinasabi ni Jeff. Naupo siya sa bakanteng silya sa tapat ng inuupuan nito.
"Nyl, messaged me earlier about his friend na nangangailangan daw ng tulong ko. I'm Kaithryn Halle, an IT expert and a very close friend of Nyl. Since you're his friend, I'll help you." The woman gave her a genuine smile.
"I'm Anna Leigh, dating wedding planner ni Mr. Concorde." She introduced.
Tumango lang ito at ngumiti sa sinabi niya.
"So, let me see this video that Nyl was saying."
Inilabas niya ang kanyang iPhone. She played the video then gave it to her. Kaithryn watched and examined the video. She noticed how her forehead creased and how she shook her head. Mukhang hindi nito nagugustuhan ang napapanood.
"By the way it was done, it's edited." Iniharap nito sa kanya ang laptop nito kung saan nakakonekta ang phone niya. "Look at here." Itinuro nito ang portion ng video kung saan nakitang nakatayo si Jeff. "Look at the portion of the head of that man. Kung mapapansin mo gumagalaw yung katawan pero 'yong ulo hindi."
Tinitigan niyang mabuti ang ulo ng lalaki sa video. Parang hindi nga akma ang galaw ng ulo at katawan. Hindi ito halata sa unang tingin pero kapag tinitigan ng mabuti ay mapapansin ang pagkakaiba ng ulo at katawan.
"One more thing, kilala ko na si Nyl mula pa nong bata siya and I know what clothes and shoes he likes to wear. A black boat shoes partnered with brown pants is not his style. At maiba ako, hindi ba dapat sa wedding nasa altar dapat ang groom habang naglalakad ang bride sa aisle? Don't tell me doppel ganger yan ni Nyl. That there are two Nyl Jefferson Concorde on that day. Think about it, Anna Leigh."
Tama ito. Bago pumasok ang bride ay siniguro niya sa team niya na nasa altar na ang groom. Imposible naman na tumakbo ang groom sa may branch para lang sirain ito. Ilang metro din ang layo ng altar sa pinagmulan ng pagbagsak ng branch. At sa video na galing kay Jim it is clearly a fake one.
Niloloko siya ni Jim. Gusto nito na magalit siya kay Jeff. Dahil ba lumalabas sila ni Jeff na magkasama? Aware siya na pinapasundan siya ni Jim pero wala siyang pakialam doon.
"Now, let's get the real CCTV footage." Mabilis ang ginawang pagtipa ni Kaithryn sa laptop nito. Halos hindi nga niya masundan ng daliri nito sa sobrang bilis.
Ilang mabibilis na tipa pa bago huminto si Kaithryn at sumandal sa upuan.
"Let's wait for a few minutes." Sabi nito bago tumingin sa kanya. "Maiba ako, hindi ba ikaw ang wedding planner nila ni Meghan? As a wedding planner dapat alam mo kung agree ba ang dalawang tao sa kasal na pinaplano mo. Have you asked Nyl if he really like that kind of wedding? Because as far as I know, Nyl wants a church wedding rather than a beach or garden wedding."
"I wasn't able to asked him dahil si Meghan ang laging umaattend ng appointment."
"Precisely! Si Meghan lang ang nakausap mo ibig sabihin siya lang ang may gusto ng kasal." Kaithryn emphasized the word kasal. What's with the kasal?
"Malay ko ba. Sabi ni Meghan busy daw si Mr. Concorde kaya hindi nakakaattend. Teka, kung ayaw naman pala ni Concorde na makasal kay Meghan, bakit hindi niya sinabi dito na ayaw niya?" Pwede naman kasi sabihin na ayaw nitong magpakasal kay Meghan, pinaabot pa talaga na maiplano niya ang kasal at gumastos sila ng malaking halaga.

BINABASA MO ANG
Suddenly
Ficción GeneralOnce upon a time, there was a famous wedding planner of the century. She was known throughout the world for her incredible talent. Not until that precious day when she suddenly turned into the famous wedding wrecker of the history. Anna Leigh Garc...