NAIINIP na sinulyapan ni Leigh ang wrist watch na suot. Ngayon ang date na usapan nila ni Jim pero ilang minuto na siyang naghihintay wala pa rin ito."Where the hell is that man?!" Naiinis niyang kausap sa sarili.
Naiinip na siya. Kailangan niya bang pagdaanan ito para makuha lang ang CCTV footage?
"10 more minutes. If no Jim showed up, aalis na ako." Kausap niya sa sarili.
2 minutes.
5 minutes.
7 minutes.
9 minutes have passed.
Tatayo na sana siya nang may nagsalita sa likuran niya. When she turned around, she saw Jim walking towards her. She's expecting na mararamdaman din niya ang slow motion na naramdaman niya nong maglakad papalapit sa kanya si Jeff pero wala siyang naramdaman.
"Sorry I'm late. Nagkaproblema kasi sa control room. May mga CCTV footage na nawawala at isa na doon ang footage nong araw ng kasal ni Meghan at Nyl. I'm sorry I don't have the copy." Bumagsak ang balikat niya sa sinabi ni Jim. Wala nang pag-asa na malaman niya ang totoong nangyari nong araw na 'yon.
"Paano nangyari na nawala ang footage nang araw na 'yon?"
"Sabi ng mga empleyado may tao daw na pumasok ng walang permiso sa control room at tinakot ang mga empleyado ko. May mga kinuha itong footage at isa na doon ang CCTV footage sa garden ng araw na 'yon. He even deleted the footage on our computer files. My men are doing their best para marecover ang footage. We just need time. Kumain na muna tayo."
Umiling siya. "I need the footage now, Jim. That's our deal."
"Al, what can I do? Wala ang footage sa amin. May tao siguro na ayaw na malaman mo ang nangyari nong araw na 'yon. But believe me, we're doing everything para matulungan ka."
"Sino naman ang taong gagawa ng bagay na 'yon, Jim?" Tanong niya.
He shrugged. "Maybe someone who is happy that the wedding got cancelled."
Agad na pumasok sa isip niya si Jeff.
"Ang alam ko ayaw ni Nyl na makasal kay Meghan, siya lang ang naiisip ko na may motibo para nakawin ang mga footage." Naguguluhan siyang tumingin kay Jim dahil sa sinabi nito.
"Paano mo nasabi na ayaw ni Nyl na makasal kay Meghan? Kilala mo ba ang kliyente ko, Jim?"
Biglang naging uneasy ito at hindi makatingin ng tuwid sa kanya.
"Everybody knows Nyl Concorde, Al. He hates Meghan kaya gagawin niya ng lahat para hindi makasal dito. He'll do everything even ruining someone's name, Al." Humakbang palapit sa kanya si Jim but she stepped back.
Naguguluhan siya. Kaya ba bumabawi sa kanya si Jeff at kaya ba nagprisinta ito na bayaran ang pera na sinisingil ni Meghan. Everything makes point.
"You're jumping into conclusion, Jim. Masama ang pagbintangan ang inosenteng tao."
"I maybe jumping into conclusion but have you thought about it? He's getting close to you para bumawi sa pagkasira ng negosyo at pangalan mo. That's his way of saying 'sorry'. He's just using you, Al!" Hindi napigilang mapataas ang boses ni Jim.
Napapitlag siya pero agad din na nakabawi.
"That's too much, Jim." Nawalan na siya ng gana na makipag-usap dito. "Magkita na lang ulit tayo kapag nasa iyo na ang kopya ng CCTV footage."
Agad siyang umalis pagkasabi non. Naiinis siya kay Jim. Sobra ang mga sinabi niya tungkol kay Jeff. Mukhang hindi naman 'yon magagawa ni Jeff.
Hindi nga ba?

BINABASA MO ANG
Suddenly
Fiction généraleOnce upon a time, there was a famous wedding planner of the century. She was known throughout the world for her incredible talent. Not until that precious day when she suddenly turned into the famous wedding wrecker of the history. Anna Leigh Garc...